"Anong festival ang pinagdiriwang sa Lucban Quezon?"
-- Longganisa (WTF?)
Ano ba naman kasing naisipan ni ser Pong at biglang nagtanong ng kung anu-ano sa chatroll ni kuya Jkulisap? Ayan tuloy napagkasunduan na magkaron ng Quiz bee at hulaan niyo kung sino ang naging quiz master??
E di yung sumagot ng Longganisa Festival -- Ako! :))
Bago magstart ang game eh mahabang proseso muna ang hinahanarap namin.
Una, paunahan muna sa pagpasok sa chatroll. Limited lang kasi ang pwedeng pumasok dito, max na ang 11 chatters. So kung late kang dumating, next week ka na sumali unless---
Dito papasok ang ikalawa, kapag may nalalaglag/nawala na chatter. Pwedeng nawalan ng connection, biglang naging busy o kaya naman nagdecide uminom ng kape at pagbalik eh nalaglag ka na pala. Kaya ang tip ko lang, wag nang uminom ng kape, di ba ate Sphere??
At ang ikatlo -- roll call. Bago magsimula ay sinisigurado muna na lahat ay present at hindi lang nakatambay kasi sayang ang slot at kawawa naman ang groupmates. Kaya minsan eh meron nakikick (ikaw yata 'to Bulakbolero :)) )
Let the game begin.
Categories:
MEMA LANG (brain teaser)
HALU-HALO (text twist)
ANONG SCIENCE MO? (science)
PANIS SA PINAS (Phil. History, Trivia)
PALITAN TAYO (world currency)
MATHDALI LANG ‘TO (math)
ITAGALOG MO NGA PLEASE (Filipino translation)
LARUIN MO AKO (Filipino Games)
CONNECT D’ DOTS (analogy)
HIMIG PINOY (music)
REBUS (picture puzzle)
I MIX HUE (color wheel)
TUGZTUGZTUGZ (Philippine Dance)
DAGDAG-BAWAS (number sequence)
TAKOT KO LANG SA’YO (phobia)
BUGTONG NI BONG2x (riddles)
HULAAN MO ANYO KO (land and water formation)
IBUKA MO ANG NGALAN KO (Philippine Acronym and Abbreviations)
WHATS NEWS? (Current Events)
BLOGGER KA? DI NGA? (All about blogs and blogging)
DAMI KONG GUTOM (Filipino food/delicacies)
Hindi na nila yan binabasa pero nireremind ko na rin kung saan iikot ang laro. I know the feeling, kasi katulad nila ganito rin ako habang nasa pwesto ko:
- nanlalamig ang mga daliri
- mabilis ang mga mata
- kinakabahan pag pipindutin na ang enter na key
at higit sa lahat
- Nakaopen ang Google :))
Oo, hindi naman kasi required na puro stored knowledge lang. Madalas kelangan ang help ni Mr. Google para mas madaling makapuntos. Ingatan mo lang ang pagcopy-paste kasi baka mamaya buong article ang maisagot mo. Huli ka! Sino nga ba 'to guys?? hahaha
Minsan naman kahit yata yung experience ay napapasali katulad nung minsan ito ang tanong:
HALU-HALO: T P E L AK
Sumagot ang isa: KLEPTA
Ayun tawanan na ang lahat! Peklat po ang sagot, peklat! LOL
Sa pagtatapos ng laro ay ilalabas ang Final SB at hahatulan sa message board ng chatroll ang mga nagwagi at naglog-out na luhaan.
Madami pa kong naalala sa bawat larong ito. Minsan nga sabi ko sa isang kasali, nagsasawa na ko kasi ang hirap mag-ipon ng tanong. Pero sabi ko rin nakikita ko naman nag-eenjoy yung mga kasali kaya ayun, sinusubukan ko pa rin na pagdating ng Tuesday eh mauulit ang sagutan at kulitan na mala-elma muros sa bilis.
Hayyyyyyyyyy nakakamiss pala. :(
Ayan ha, special post pa 'to. Roll call na ko sa mga suki ko:
at sa iba pa na gustong makigulo sa amin
Sa Tuesday ala-una ng hapon, kitakits po ulit. Maghanda na kayo, i-open na ang google at hasain na ang typing skills. Quiz bee tayo :)
ugatet!!!
ReplyDeletejason
present! hehehe.
ReplyDeletesyang tunay. dami kong tawa dun sa longanisa na yan. at di pa nakuntento, habhab naman. LOL!
hala ayus to ah... para naman di magclog yung utak.. pwede sumali
ReplyDeleteISTAFET. hahaha nakakamiss nga! NEXT! UGATET!
ReplyDeletewahhhhhhhhhhhhhh!
ReplyDeletehindi na 'xD' ang kokoment ko dito
dahil napangiti ako nito at tunay nga naman na nakakamiss ang QB!
yehey
yipee
hahahaha
yes meron na ulit!
Andami kong tawa sa mga blooopers na yan lalo na pag di makuha ang sagot!
Nakakamiss din ang Payong OFW ni ser SG! At yung programming
ReplyDeleteSayang hindi na ako nakasali ulit sa quiz bee. :(
ReplyDeletePresent!... eheheheheh mei QB na ulet...
ReplyDeleteAYYY GRABE YAN! AYYY GRABE YAN! Wag na kase math! :))
ReplyDeletePresent!!
ReplyDeleteAw, namiss ko rin ang QB. Last quiz ata, kami ang nanalo. hihi.. kaso nalaglag ata ako kalagitnaan ng quiz, di na nakabalik. Kakahiya ke kuya pong..
Kitakits next week sa classroom, madz!! :D
kulet! hehehe!
ReplyDeletesarap sumali :)
ReplyDeletepede ba?
magandang araw
di naman ako makasali dito. tulog mode hahahah. weekends na lang gawin tohahaha
ReplyDeletewaaaah!!! andito me!!!! yipeee!!! present!!!
ReplyDeleteahahaha.. Istafet!.. peklat naman pala eh.. :))
ReplyDeleteJujoin ako later!
ReplyDeletesa chatroll 'to ni jkul? pwede bang manood lang? like nag re refresh every message yung window ng chatroll?
ReplyDeletemadz, me sasabihin ako...hindi naman importante.
nalilito ako sa pago-open ng blogpost mo sa bagong layout na to.
ako lang naman.yata.whaaaaaaa!
hi madz! nakakamiss nga... pati ung tawanan after ng QB.. kakaloka... at panginginig ng kamay habang nag aabang sa tanong... hay! kahit paminsan-minsan na lang ako nakakasali, sobrang namimiss ko kayong lahat... UGATET!
ReplyDeleteISTAFET!
NEXT....
-bebejho!