Pages

Thursday, June 7, 2012

KM3: Tinig (Anunsiyo)


Ano ba ang kaya kong ibigay? Isa lang akong regular na manggagawa. Yung sweldo ko, hindi pa kayang pambuhay ng pamilya. Kumbaga pang single, pang isang bibig, pang isang luho. Paano ako tutulong?

Unang sabak ko noon sa kawanggawa. Ni hindi ako nakadalo sa pagpupulong para dito. Walang budget . Kaya kunwari busy, wala, umalis, tulog, di na babalik. Muling nangulit ang pasimuno, kung ano lang daw ang kayang ibigay. Paano yan katawan ko lang ang pwede? Ang ibig kong sabihin eh lakas ng katawan lang. Taga-buhat ng bubuhatin at taga anu ng kahit anung pwede kong gawin. Hindi naman sila nagreklamo. Sige pwede na yan. Pagsapit ng mismong araw, gamit na gamit ang aking lakas. Maligaya akong umuwi. Sabi ko kahit pagsawaan niyo nang maging TAGA ako, ayus lang, uulit pa rin ako.

Yung unang sabak na iyon ay nasundan pa ng ilan. Meron para sa bata. Meron para sa matanda. Minsan nga meron ding para sa mga puno, naiinip din kaya silang mag-isa kaya kailangang paramihin. Ok, corny ng huling linya ko.

Marami akong natutunan sa lahat ng sabak kong iyon. Nawala ang hiya ko nang makita ang mga batang nangangailangan ng damit, ng mga batang umaasang malalamnan ang kanilang mga tiyan kahit isang araw lang. Lalo naman sa mga matatandang naghahanap lang naman ng kakwentuhan. Yung pagkukwentuhan nila ng mga karanasan nila bago sila dumating sa kalagayan nila ngayon. Sa lahat ng ito, gamit na gamit ang aking katawan. Tenga, bibig, mata, ilong at ang naglalakihan kong maskels este braso pala. 

Sa hinaba haba ng litanya kong ito ang gusto ko lang naman sabihin eh ako pa rin naman ‘to. Yung ordinaryong manggagawa na sumusweldo na hindi kayang ipambuhay ng pamilya. Yung pang single, pang isang bibig, pang isang luho. Pero kasi, may magagawa pala ako, kahit na maging taga- anu lang ng kahit anu para sa iba.

Ikaw, ano ba ang pwede kong ibigay? Paano kita matutulungan?

14 comments:

  1. umabot ba sa deadline? :D

    ReplyDelete
  2. Tulad ng karaniwang manggawa, katawan ko lang din ang ginagamit ko sa paghahanapbuhay dito sa disyerto Madz, ang katawan kong siksik liglig dyooowk! Umabot ito Mads!

    ReplyDelete
  3. Tinig ng manggagawa at sapol na sapol na tayo dyan :)

    sana tanggapin ito ni lulu kuli. naleyt ka ng 2 minuto.

    ReplyDelete
  4. magandang halimbawa ka mads. pagpatuloy mo yang anunsyo mo. \m/

    ReplyDelete
  5. gudluck!
    katawan ko rin lang ang pwede kung ibigay!

    ReplyDelete
  6. katawan kung katawan.. hehehe.. buti umabot, madz.. kaya naman kasi talaga eh..

    ReplyDelete
  7. kahit huli kumakapit pa rin! Ibang tinig naman ito. Para sa ating maghapong nagbabanat ng buto.

    ReplyDelete
  8. galing sis.... mahusay ang akda.. :tup

    ReplyDelete
  9. busilak ang puso ng may kawanggawa. tulad mo at ng mga naging kasama mo.

    nandun ang kasiyahan :)

    ReplyDelete
  10. iba talga ang akda pag galing sa puso .

    sayang ung 2 minutes na un :/

    ReplyDelete
  11. ahaha, ang ganda ng kwento mo. ang ganda rin ng font at ambience ng bahay mo.

    hello! ngayon lang uli ako napadaan. regards! ;)

    ReplyDelete
  12. Like ko ito. (Hehe, wala akong makitang like button.) Manalo't matalo man ang entry mong ito, saludo ako sa entring ito at sa mismong nagsulat.

    Ipagpatuloy mo pa ang pagsusulat... at ang pagtulong sa kapwa.

    Fellowship through service above self.

    ReplyDelete
  13. Maaalala mo ang KM3 dahil sa 2minutes mong pagkalate Madz.

    Ang ganda ng mensahe ng tinig mo dito.

    Kahit taga-ganun, taga-ano hindi dapat nila-lang, dapat ipagpatuloy ang pagyakap sa kapuwa kahit sa maliit o malaking paraan basta kaya.

    Salamat at nalate ka, buti na lang hindi 12hours eh. Makikisuyo nga ho ng bayad. :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design