Trip trip lang. Malay ko ba namang may mangilan-ngilan pa rin sa mga kakilala ko ang hindi pa makaget-over sa summer at gusto pang humabol dito. Nung una ang daming invited tapos sa mismong araw ang nakasama ko lang sa weekend getaway na ito ay apat.
Ang aming destinasyon: Cagbalete Island sa Mauban, Quezon.
Budget: 1,500
- All-in na 'to (fare, food, accommodation, etc.) kapag galing ka sa Manila. Syempre mas mababa kapag taga samin ka lang. :P Di ka na magugutom kasi yung sa amin, apat na meal ang kasya (i-menos na yung nawalang hotdog) tapos konting panghappy happy. Pwede ka pang bumili ng pasalubong dyan kaya sulit na sulit!
Where we stayed: Villa Cleofas
- Ang binayaran lang namin dito ay yung pwesto para sa tent (except dun sa isa na nagrent) at tsaka entrance. Malinis at madami ang CR. Pwedeng magrent/manghiram ng kitchen utensils pero mas advisable na magdala kayo ng sarili o bumili na ng mga kailangan niyo kasi mapapanganga ka sa mahal ng presyo.
Panalo ang view dito! Ito yung lugar na hindi mo mamimiss ang facebook at twitter. Hindi ka rin magmamadaling umalis para maabutan ang pinapanood mong telenovela o kaya naman basketball game. Samahan mo lang ng magandang music background habang nakahiga ka sa duyan. Swabe! Tamang chillax lang. O pwede ring HHWW ang emote sa napakalawak na sand bar. Hayyyy this is life talaga! :D
Hindi naman halata na masyado kaming nag-enjoy di ba?LOL
Kaya ayun, pag gusto mo munang magliwaliw kahit sa weekend lang na hindi ka manghihinayang sa gastos ito yung isang lugar na pwede mong puntahan. Hindi ka talaga magsisi, pramis! *wink*
*inggit*
ReplyDeleteang ganda naman jan. panalo pa yung budget.
ReplyDeletemapuntahan nga rin minsan.. hehehe
ReplyDeletewow, ganda! at low budget lang.. like!
ReplyDeleteGanda ng mga kuha! Travel blog na to?
ReplyDeleteParang ang sarap, saka ang mura niyan. Masubukan nga pumunta diyan.
ReplyDeleteGusto ko magtent din. Para maiba naman.
:)
Sulit yan. Gaganda ng mga pictures. Malamang DSLR ang ginamit nong kumuha. :)
Ganda ng view, ang gaganda pa nila oh.
Panis
Wow! I miss the beach! Mukhang sobrang saya. :D
ReplyDeletewow ang ganda naman dyan. kainggit.
ReplyDeleteWow nice place !
ReplyDeleteHi! Very nice blog! It's nice to know places, especially dito sa 'Pinas..
ReplyDeleteWould you mind following my blog too?
http://thetoiletthoughts.blogspot.com