Hindi pa rin natatapos ang pagbuhos ng biyaya mula sa Kanya. Matapos ang ikatlong sabak ng BMIM na ginanap sa Cavite, nabigyan na naman ako ng pagkakataon upang magsilbing daan sa mga taong nagnanais na mapabuti ang kalagayan ng kapwa natin Pilipino. Sa darating na ika-28 ng Hulyo kasama ang bumubuo ng Isang Minutong Smile, The Kablogs Journal at iba pang Pinoy bloggers, bibistahin namin ang Childhaus (isang tahanan sa Proj. 8 sa Quezon City na pansamantalang kumupkop ng mga batang nagpapagamot dito sa Maynila) upang maghanda ng maliit na salu-salo at maghatid ng ngiti sa mga batang sa kasalukuyan ay mayroong pinagdadaanan.
Masustansyang almusal at tanghalian ang bubusog sa kanilang umaga kasabay ang programa na aming inihanda. Kantahan, sayawan, mga palaro kasama ang mga bata pati na rin ang kanilang tagapag-alaga ang pupuno sa isang araw na kapiling namin sila. Bukod dito ay naghanda rin kami ng regalo para sa mismong shelter upang mas matugunan nito ang pangangailangan ng mga kabataang kinukupkop nila.
Isa ring wishlist mula sa Childhaus ang sinisikap ng grupo na mabigyan ng katuparan. Inaanyayahan po namin kayo na makibahagi o kung mayroon po kayong kakilala na maaring magbigay ng ilan sa mga nasa listahan, ipagbigay alam po natin ito sa kanila at malugod po namin itong tatanggapin para sa mga bata.
CHILDHAUS WISHLIST
Medicine
1. Omeprazol
2. Tramadol
3. Amoxicillin (500mg)
4. Aluminum Hydroxide
5. Magnesium Hydroxide
6. Salbutamol Nebule
Medical Supplies
1. Ear Thermometer
Food and other groceries
- rice, milk, sugar noodles etc.
Housekeeping Products and Toiletries
1. Diaper (all sizes)
2. Lice Shampoo (Kwell,Licealiz etc.)
3. Disinfectant Spray/ Air Freshener (Lysol , Glade etc.)
4. Garbage bags
Others
- toys, pillows,books etc.
Para po sa karagdagang impormasyon kung papaano magiging bahagi ng proyektong ito, mangyari po lamang na mag-iwan ng mensahe
dito.
Maraming salamat at sana'y isa po kayo sa magbibigay ngiti sa mga bata ng Childhaus. :D