Sabi nila ang unang ulan daw ng Mayo ay nakakapagpagaling. Sahurin mo daw ang bawat patak at sigurado, na isang taon kang makaiiwas sa sakit.
Muli kong tinignan ang kalangitan. Nakita ko na ang mga signos, inaantay ko na lamang ang kanyang pagbadya. Una, ikalawa, ikatlong patak. Inihaya ko muna ang aking mga paa at sinisiguradong andiyan na siya. Nang tuluyan ko nang naramdaman ang lamig, sumugod na ako para magtampisaw. Hinayaan ko nang maliguan ang buo kong katawan, niyakap ang tubig na nagbibigay lunas.
Heto na ang sinasabing nagpapagaling ng sakit, nakapapawi ng ating dinaramdam.
Buong puso ko itong tinanggap.
Unang ulan ng Mayo.
Unang araw na wala ka na.
(imahe mula sa google)
Ang sakit sa puso nung huling tatlong linya.
ReplyDeleteouch. parang ramdam ko eto ah.
ReplyDeleteang paniniwala sa unang ulan ng mayo ay ang daming mga bagay at pangyayari na nagpapaalaala kung anu ngyari sa nakaraan.
Iyan ang mga gustong gusto kong sulatin. Maiksi pero ang lalim ng nais ipahiwatig ng unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo. Kahulugan nito'y nyewannn.
ReplyDeleteHabulin mo ako. :)
bakit ba kaakibat minsan ng "ulan" ang pagiging "malungkot"? hindi ko rin alam pero basta pag umuulan, gloomy din ang lahat.. nakakatamad, nakakatamad, nakakatamad etc.. hehe
ReplyDeleteMaikli lang pero tagos sa damdamin.
ReplyDeleteakala ko nung una ikaw yung nasa larawan. may hawig sa malayuan.
ReplyDeleteAWWWWWW. </3
ReplyDeletehaizt...
ReplyDeletesaan hinugot toh? lalim eh..
ReplyDeletemukhang di ako nakapasok. hehehehe.
ReplyDeletegreat seeing you again. good luck!!!
grabe naman yung last line. ang daming pumasok sa isip ko na malulungkot na bagay. haaaay
ReplyDelete*isang malalim na buntong hininga*
ReplyDeleteang sakit nito sa dibdib ate mads :)
Magkakaroon na nang mas iba pang kahulugan ang unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo. Maliban sa panlabas na nasisilayan sa ating katawan. Pinapawi din ang mga sakit na nasa loob ng ating kaibuturan.
ReplyDelete