Patawarin mo ako kung paglalakad ko'y bumabagal pa
At ang bawat segundo mo'y nauuwi sa wala
Gusto ko lang magkaroon ng dahilan para makasama ka
Habang hindi pa bumabalik ang berde sa pagkapula
- Pauwi na kami noon galing sa awarding ng KM3 sa MOA. Wala lang, nagkataon kasi na habang naglalakad kami lagi na lang 5 seconds to go, turn na nang mga sasakyan na tumawid. Sayang yung time noh, kung binilisan lang namin maglakad e di sana di kami nag antay ng ilang segundo.
Pagdating ko sa bahay naisip ko, pano kung hindi sayang yung ilang segundo na yun na nakapark ang mga tao? Na meron dun na masaya pa na nag aantay ng oras. Pumasok na naman ang pagkahopeless romantic ko. Nilagay ko na naman yung sarili ko sa sitwasyon. Na magkasama kami ng taong gusto ko na hindi niya alam na gusto ko siya o pwedeng naghiwalay na kami nung taong mahal ko. haha I know parehong nagnanakaw lang ng sandali. Yung iilang segundo na sobrang precious para sa'yo. Napipicture ko siya, parang ako yung direktor ng eksena, pero ako din yung gumaganap na nakikita ko yung nakikita nung babae habang nakatingin siya dun sa lalaki na nag-aantay na mag signal na yung traffic light na pwede nang lumakad. Ang haba noh, pero alam ko alam mo yung dinidescribe ko.
Naisip ko din dahil sawa ng magbasa ng romantic ek ek ang ilan dito sa blog ko, pwede ko namang gawing pampamilya. Na may tatay na sobrang busy at sinamahan yung anak niya sa mall. Na kahit dun sa mall, hindi pa rin siya iniintindi ng tatay, busy lang sa pamimili. Tapos ayun nung pauwi na, babagal ng lakad yung bata, maiinis yung tatay kasi di sila nakaabot sa pagtawid. Biglang hahawakan nung bata yung kamay ng tatay niya, sabay ngingiti ng pagkatamis-tamis. Ganyan. Na minsan yung mga malilit na bagay, yung kakaunting sandali yun, yung nakaapekto sayo ng sobra. O di ba, pang commercial lang.
Isusulat ko na sana eh, kaya lang nagkaroon ako ng problema. Nalimutan ko kung ilang segundo yung andun sa stoplight. Haha ewan ko naging crucial sakin yung information na yun. Ilang tao na rin yung pinagtanungan ko, na-google ko na rin pero wala akong makuhang sagot.
May nagbigay sa akin ng sagot, yun nga lang di ko pa rin maisulat. Parang pelikula na lang na gasgas na sa utak ko. Yung ako yung artista tapos yung guy. oh well never mind. Blurred siya. haha
Minsan talaga may mga kwento na hanggang utak mo na lang. Yung di mo kayang i-execute ng maayos sa tunay na buhay.
Ganyan.
Minsan, ganitong-ganito ako mag-isip kahit sa kalsada biglang nag daydream. Hehe!
ReplyDeleteMadalas mangyari sa akin 'yan... pagkaharap na bolpen at papel saka namang biglang mawawala lahat..:))
ReplyDeletemagbaon ka palagi ng nookbook tsaka bolpen, adre.. pag may naisip ka, sulat mo na kaagad.. kahit magulo pa.. pag nasa mood ka na, saka mo na lang ayusin.. para hindi sayang.. hehehe
ReplyDeleteno comment. Charot!
ReplyDeletemay gusto akong icomment. kaso dito na lang muna sa utak ko. hahaha. ma-senti eh. lols
hello.. nagbabalik me.. kung di mo na ako naaalala.. hmmm.. ako yung sa road to kill.. kung di pa rin.. nyahaha.. nakakaungkot naman yun..
ReplyDeletehahahahaha...
saludo pa rin ako sa imagination mo..