Pages

Friday, September 28, 2012

25 Blessings I Received as I Turned 26



1. Napanood ang UpDharma Down ng libre kasama si Jhengpot na isa pa ring fanatic ng bandang ito. (Thanks ulit kuya Joey!)




 2. Nakapagdonate ulit ng dugo after 9 years. 




3. Nakapagcelebrate ng birthday in advanced kasama ang mga kaibigan para sa mga bata sa Baseco.



4. Nakapanood sa Cine Europa with friends.




5. Hot Choco and Donut  galing kay Mar.  Nice meeting you! Thanks sa treat! :) Also, nice seeing you again Bino. :)

6. Successful solo trip.


7. Libreng accommodation c/o coushsurfer host Fatima.





8. Libreng meal sa unang araw ng stay. (Thanks again Fati!)


Calamares, Liempo and Sisig

Tartufo

9. Nakasubok sa white water rafting c/o Kagay.



High Five from madz on Vimeo.

CDO water rafting from madz on Vimeo.
10. High Five.

Dahil mag-isa lang ako, nakasama ko sila sa group. Ang galing daw ng group namin sabi ng guide kasi hindi tumaob yung boat :D


L-R: Marielle, Bim, Cindy, Reache, Jan, Me



11. Nakapunta Divine Mercy Shrine (El Salvador, Misamis Oriental)


 - After ng water rafting, bumyahe na ko papunta dito para makaabot sa mass at magbakasakali na makakaakyat dun sa puso ng rebulto ni Jesus. Swerte ko na naman kasi may mababait na dalaga na sinamahan ako para umattend ng orientation at makaakyat sa taas. 





12. Mabait at di mahal sumingil na guide. 


 - Kapag pupunta kayo sa Bukidnon at feel niyong maghabal-habal, kontakin niyo lang po si kuya Bibot Sanchez. 


Kuya Bibot and I

13. May nakasama sa Dahilayan (fellow CS members)

  
14. Nasubukan ang pinakamahabang zipline sa Asia (ang yabang!)



15. First time sumakay sa kabayo.




16. Nasubukan din ang kauna-unahang anicycle sa Asia. (ang yabang ulit!)

Anicycling at Kampo Juan from madz on Vimeo.


17. First time na tumawid (at bumalik) sa hanging bridge.




18. Mga pagkaing bumusog sa akin during my trip.


Mindy's Restaurant

Dear Manok Restaurant


19. Nakapasok sa Museum of Three Cultures.





20. Magandang panahon. 

 - Seryoso parang pinagbigyan talaga ko, kasi kapag nasa loob ako ng bahay o resto umuulan. Tapos kapag may activity na sa labas, tumitigil na siya. 



21. Madaling access sa CDO. 

 - Mapa at ilang instructions lang, all set na ko na gumala galang mag isa.




22. Cancelled Camiguin Trip.


   -thankful na rin ako na hindi ako tumuloy dahil nga masama ang panahon. Nakakatrauma daw yung byahe sabi nung mga nakasama ko sa Dahilayan.

23. Nakaabot sa last trip ng jeep papuntang airport.


24. Special post mula sa mga bloggers.



Poi

MJ


Bino

25. Got home safe at makakauwi naman ngayon sa province para makasama ang family. :)


Salamat po ulit sa mga bumati. Sa susunod na September ulit! ^_^

Thursday, September 20, 2012

Random Post

Tutal naman nauuso ang mga random post, e makikigaya na rin ako. Magkaron man lang ng update ‘tong inaagiw na bahay ko.

- Busy ako ngayon, as in. Pati opismate/housemate ko di na ko makausap. Tatayo na lang ako sa pwesto kapag iihi o iinom ng tubig. Ay tsaka pala pag kakain. Buong oras sa opis, nakaupo lang ako, nagbibilang kung ilang beses lumabas sa tv yung palabas sa buong taon. Lumipat na kasi ng kabilang channel si boss. Alam na. Pagod pero blessed na rin. Open-mouthed smile

- Sobrang MIA na ko, pero wag kayong mag-alala namimiss ko kayo. Big time.

- Malapit na yung gala ko pero hanggang ngayong nagdadalawang isip pa rin ako kung tutuloy. HIndi ko pa nga napiprint yung ticket ko. Tapos ngayon pa ko inubo at sinipon Sign ba ito? I don’t know. Pero magpapack na rin ako ng gamit bukas. Sa Sabado na ko magdedecide, pag naiwan na ng eroplano.

- Last time, nagpunta kami sa Central ng mga housemate ko. Narealize ko hindi na pala yun yung crowd ko. Kating kati na kong umuwi, at kating kati na rin ako kasi madaming nangangagat. Mas ok na pala ko ngayon sa padinner, dinner, nood ng movie. Mga gawaing makakauwi pa ako ng maayos at maaga. Yung inumang walang humpay, sawa na yata ako.

- Sana sa mga nangyayari sa opis, magkaron din ng pagbabago sa sweldo ko. Higher! Higher! Higher!

- Wish ko lang ay magpabook na yung travel buddy ko sa dream trip namin next year. At sana madali kaming palusutin sa airport. Mag couch surf lang kasi ako, baka hanapan ako ng madaming papel. At yung ticket dun sa gusto kong puntahan dun sana may available pa. Di ko alam kung tama o wrong timing na nagpabook ako ng holiday dun.

- May Spanish Film Fest sa Oct., may bayad nga lang unlike nung Cine Europa at Koream Film Fest (still on-going) na libre. Ako na ang kuripot. haha

-  Inaantay kong mahuli ako ng IT personnel namin na ginagamit ko ang account ng opismate ko para makapag FB. Naiinip na ko.

- Speaking of inip, ang  love life ko ngayon ay puro paghihintay. Paghihintay sa wala. hahaha

- Iniisip ko minsan, may magsusurpresa sa’kin. Yung makakasama ko sa byahe. haha wishful thinking lang. Iskeyri lang talaga magsolo trip pero kakayanin. Aja!

- Pag di ako natuloy, bili na lang ako ng bike. takte ilang taon ko nang gustong bumili hindi matuloy tuloy yung endless love bike ko. Open-mouthed smile

- Nagbura ng number at nag unfriend sa FB. Wala ring effect, kasi may email pa nga pala. haha Pramis, last ko na yun.

- Hindi ko na alam kung pano pa i-maintain ang blog na ‘to. Wala na kong maikwento. Said na said talaga.

- Wala munang special something sa Pasabook ngayong birthmonth ko. Nakulangan sa preparation. Sorry Sad smile

- Ngayon lang ako na conscious sa edad ko. Parang ayaw ko na tuloy magbirthday.

- Sana matuloy ulit yung outreach next month.

- Ang dami kong namimiss na blogger. Bat hindi na ulit kayo nagsusulat ha, ang gagaling niyo pa naman. Penge ng talent please. Smile with tongue out

Yan na lang muna, wala na ko maisip.Babayush.

Saturday, September 8, 2012

A Day with the Malaya Kids



Maraming salamat:

*CouchSurfing Pinoy Volunteers at Malaya Kids Ministry na siyang umalalay sa amin sa araw na ito. Special mention kay mommy Angela at sa kanyang nanay na siyang nagluto ng masarap at nakakabusog na pagkain para sa mga bata.

*Kay maskman na gumawa ng larger version ng story book na Ang Barumbadong Bus.

*Sa mga kaibigan ko sa blogsphere: Ani, Kuya Kuli at Poi (salamat ulit sa school supplies! :D ) na sumamang nagpasaya ng mga bata,

*Sa SG bloggers na nagpaunlak ng ilang papremyo para sa games.

*Sa mga kaibigan ko: sina Junnie (bff) at Jessa (salamat sa candies! :D) na palaging nandiyan para sa akin.

*Sa kapatid ko na nag-share para sa cake (love you sissy! :-*)

*Sa Inyo na nagbigay ng pagkakataon para maipagdiwang ang nalalapit kong kaarawan kasama ang mga batang ito.

Wednesday, September 5, 2012

Birthday Blues

Birthday ngayon ng big boss namin at lahat kami dito sa opis ay may free lunch.  At dahil pare-pareho na meron ng pagkain, jampacked ang pantry. Kaya naman humanap na lang kami ng table na pwedeng maki-share. Swerte lang kasi may pwesto pa dun sa mga editor/friends namin. Yung isa dun ka-birthday ko at habang kumakain nagkakantyawan kung anu daw plano.

Me: O kuya, ikaw na bahala sa birthday natin ha. Nakabakasyon ako eh.

Kuya: Ako din nakabakasyon. 

Editor: Oo nga naman, gusto ko yung spaghetti at cake.

Me: Ayun o nagpaparinig na sayo si (Editor)! hahaha

Editor: Hindi. Sa'yo ko nagpaparinig.

Me: Ba't ako?

Editor: Di ba dati may nagpa-cake at spaghetti sa'yo nun.

Me: (Silence) 

Friend: Sino? .... Patay na yun eh.

Me: (Silence) Kelan nga yun? Ano ba nauna yung pizza o yun?

Kuya: Yung pizza.

Me: Ah oo sa bahay nga pala ko last year.

Editor: May sapatos pa nga tsaka shirt. Sarap nun eh.

Friend: Patay na nga yun...ayan na-sad na si Madz.

Me: (Silence)

Malay ko ba naman na naalala pa nila yung celebration kong yun. Na naalala ka pa nila. Kakabit ka na pala talaga ng birthday ko. Nakakalungkot lang. :(


Monday, September 3, 2012

Pasabook (18) Result

Eto na po yung result ng pasabook natin for the month of August.


Yung iba po, hindi nakasali kasi kulang yung info na hinihingi ko. 




Congrats Jhengpot! Email mo na lang sa akin yung mailing address mo (hartlesschiq@gmail.com) or pwede rin naman tayo mag meet. :)

Thanks sa mga sumali. Abang na lang po ulit tayo sa mga  kasunod na pasabook. :D

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design