Tutal naman nauuso ang mga random post, e makikigaya na rin ako. Magkaron man lang ng update ‘tong inaagiw na bahay ko.
- Busy ako ngayon, as in. Pati opismate/housemate ko di na ko makausap. Tatayo na lang ako sa pwesto kapag iihi o iinom ng tubig. Ay tsaka pala pag kakain. Buong oras sa opis, nakaupo lang ako, nagbibilang kung ilang beses lumabas sa tv yung palabas sa buong taon. Lumipat na kasi ng kabilang channel si boss. Alam na. Pagod pero blessed na rin.
- Sobrang MIA na ko, pero wag kayong mag-alala namimiss ko kayo. Big time.
- Malapit na yung gala ko pero hanggang ngayong nagdadalawang isip pa rin ako kung tutuloy. HIndi ko pa nga napiprint yung ticket ko. Tapos ngayon pa ko inubo at sinipon Sign ba ito? I don’t know. Pero magpapack na rin ako ng gamit bukas. Sa Sabado na ko magdedecide, pag naiwan na ng eroplano.
- Last time, nagpunta kami sa Central ng mga housemate ko. Narealize ko hindi na pala yun yung crowd ko. Kating kati na kong umuwi, at kating kati na rin ako kasi madaming nangangagat. Mas ok na pala ko ngayon sa padinner, dinner, nood ng movie. Mga gawaing makakauwi pa ako ng maayos at maaga. Yung inumang walang humpay, sawa na yata ako.
- Sana sa mga nangyayari sa opis, magkaron din ng pagbabago sa sweldo ko. Higher! Higher! Higher!
- Wish ko lang ay magpabook na yung travel buddy ko sa dream trip namin next year. At sana madali kaming palusutin sa airport. Mag couch surf lang kasi ako, baka hanapan ako ng madaming papel. At yung ticket dun sa gusto kong puntahan dun sana may available pa. Di ko alam kung tama o wrong timing na nagpabook ako ng holiday dun.
- May Spanish Film Fest sa Oct., may bayad nga lang unlike nung Cine Europa at Koream Film Fest (still on-going) na libre. Ako na ang kuripot. haha
- Inaantay kong mahuli ako ng IT personnel namin na ginagamit ko ang account ng opismate ko para makapag FB. Naiinip na ko.
- Speaking of inip, ang love life ko ngayon ay puro paghihintay. Paghihintay sa wala. hahaha
- Iniisip ko minsan, may magsusurpresa sa’kin. Yung makakasama ko sa byahe. haha wishful thinking lang. Iskeyri lang talaga magsolo trip pero kakayanin. Aja!
- Pag di ako natuloy, bili na lang ako ng bike. takte ilang taon ko nang gustong bumili hindi matuloy tuloy yung endless love bike ko.
- Nagbura ng number at nag unfriend sa FB. Wala ring effect, kasi may email pa nga pala. haha Pramis, last ko na yun.
- Hindi ko na alam kung pano pa i-maintain ang blog na ‘to. Wala na kong maikwento. Said na said talaga.
- Wala munang special something sa Pasabook ngayong birthmonth ko. Nakulangan sa preparation. Sorry
- Ngayon lang ako na conscious sa edad ko. Parang ayaw ko na tuloy magbirthday.
- Sana matuloy ulit yung outreach next month.
- Ang dami kong namimiss na blogger. Bat hindi na ulit kayo nagsusulat ha, ang gagaling niyo pa naman. Penge ng talent please.
Yan na lang muna, wala na ko maisip.Babayush.
matumal nga ngayon ang mga blogero.
ReplyDeleteat ramdam ko ang random post mo lol
honga, magilan ngilan ang may post.
ReplyDeleteyung sa pag-inum, siguuro na out-grow mo na yun at tapos ka na sa party stage, nasa relax stage ka na na umiiwas sa maiingay na crowd.
yung sa lablayp, darating din yan.....
mmm.. nag-iisip tuloy ako kung mag-ramdom post din ako.. hehehhe tamang gaya-gaya lang.. :p mei nabasa rin akong ramdom post... kasama ba talaga ang lablayp... lol! :D
ReplyDelete"- Inaantay kong mahuli ako ng IT personnel namin na ginagamit ko ang account ng opismate ko para makapag FB. Naiinip na ko."
ReplyDeletehaha..naka relate ako dito!
:robot
Hahahah! sobrang randon nito ah. Random collection.
ReplyDeletegang kailan yun korean film fest parang gusto kong pumunta. sa mega yun di ba?
ReplyDeleteito tlga ang matatawag na random post. .. hehe
ReplyDeletepakiramdam ko pa naman ako na ang mananalo sa pasabook ngayong buwan. sayang .. tnt