Birthday ngayon ng big boss namin at lahat kami dito sa opis ay may free lunch. At dahil pare-pareho na meron ng pagkain, jampacked ang pantry. Kaya naman humanap na lang kami ng table na pwedeng maki-share. Swerte lang kasi may pwesto pa dun sa mga editor/friends namin. Yung isa dun ka-birthday ko at habang kumakain nagkakantyawan kung anu daw plano.
Me: O kuya, ikaw na bahala sa birthday natin ha. Nakabakasyon ako eh.
Kuya: Ako din nakabakasyon.
Editor: Oo nga naman, gusto ko yung spaghetti at cake.
Me: Ayun o nagpaparinig na sayo si (Editor)! hahaha
Editor: Hindi. Sa'yo ko nagpaparinig.
Me: Ba't ako?
Editor: Di ba dati may nagpa-cake at spaghetti sa'yo nun.
Me: (Silence)
Friend: Sino? .... Patay na yun eh.
Me: (Silence) Kelan nga yun? Ano ba nauna yung pizza o yun?
Kuya: Yung pizza.
Me: Ah oo sa bahay nga pala ko last year.
Editor: May sapatos pa nga tsaka shirt. Sarap nun eh.
Friend: Patay na nga yun...ayan na-sad na si Madz.
Me: (Silence)
Malay ko ba naman na naalala pa nila yung celebration kong yun. Na naalala ka pa nila. Kakabit ka na pala talaga ng birthday ko. Nakakalungkot lang. :(