Pages

Friday, April 1, 2011

Ang sagot ni Yssa



“Pare ano na? Di ka pa ba sinasagot ni Yssa?”

“Di pa nga eh”

“Ilang  buwan ka nang nanliligaw ah. Pakipot naman masyado”

“Mukhang ikaw pa ang naiinip. Sa totoo lang hindi ko naman napapansin na ganun na pala katagal.”

“Naku pare inlove ka na yata. Delikado yan.”

“Ano namang delikado dun? Kaya ko nga siya niligawan di ba para mas lalo ko siyang makilala”

“Di na ko makikipagtalo sa’yo. Basta kung bastedin ka niya, andito lang ako. Tara magpapakalasing tayo.”

“Gago! Mag-iinom tayo kasi sinagot na ko ni Yssa.Itaga mo yan sa bato, Caleb”

“Lakas ng fighting spirit mo! Good Luck!”

Kung gaano kalakas ang fighting spirit ko noong magkausap kami ng barkada ko, ganun din kalakas ang kaba sa dibdib ko. Mukhang hindi na ako makatayo sa pwesto ko. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko malalaman kung nakuha ko ba ang puso ni Yssa. Muli kong tinignan ang monitor ng aking computer. Hindi ako makapaniwala.

“Spike favor, ok lang?”
“Sige anu yun”
“Check mo naman yung bagong post ko sa blog ko”
“Nagbblog ka pala”
“Oo naman hindi ko lang pinagkakalat. Check mo naman baka may masasabi ka”
“Sige. Ano bang site?
“Bigay ko na lang sayo mamaya.”


At ito na nga nabasa ko na. Wala akong masabi. Parang sasabog ang puso ko sa sinulat niya sa kanyang blog.

Blog ni Yssa  (Buksan sa ibang tab/window)


Ilang minuto pa ang lumipas ay sinara ko na rin ang aking computer. Tumayo na ako at nagsimulang magpalit ng damit. Tinawagan ko na rin si Caleb. Mag-iinom kami. Palabas na ako ng bahay ng biglang tumawag si Yssa.

"Nabasa mo na?"
"Sana diniretso mo na lang ako Yssa.."
"Nahihiya kasi ako Spike. Wala ka bang itatanong?"
"Ano pang itatanong ko e basted na nga ako."

Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Yssa. Sa sobrang pikon ay binabaan ko siya ng telepono. Kailangan ba niya yung gawin?Pagtawanan ako? Nakakaloko ba siya? 

Malapit na ako kina Caleb ng mabasa ko ang text ni Yssa.

"Spike sori, ndi q nmn cnsdya n pgtwnan k.kala q kc npncn mo. Gusto ko kasing maging special. Hindi naman umubra. May ellipsis s ktb ng letter q. Ang passwrd yung gs2 mng mrng mula skin.walang space :D"

Dali-dali akong naghanap ng computer shop upang muling makita ang sinulat na iyon ni Yssa. Pagbukas ko ng blog niya ay hinanap ko agad ang ellipsis na sinsabi niya. 

Matapos kong basahin muli ang post na iyon ni Yssa, tumuloy pa rin ako kina Caleb. Mag-iinom pa rin kami. Pero iba na ang dahilan. Ibang-iba na.

14 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!! Ang ganda ng post na ito! Pramis.. tapos nakailang hula din ako kung ano..kase di ko nahulaan agad..pero pangatlong try nahulaan ko password!! Ang danda!! :)

    ReplyDelete
  2. pootek! Kinilig ako dun ah. Tagal ko ring nahanap ang sinasabing ellipsis. Kala ko naman part siya ng sentence. Tsaka, parehas kami ni Ate Kamila. Sa pangatlong try ay dun lang naging tama hula ko. haha. Kala ko pa naman nung una eh yung typical na "Oo". Di pala, higit pa pala dun! Wooh! congratz pare!

    ReplyDelete
  3. ang kesooooooooooo. parang may inspireysyen ka. hahaha! kelangan ko pa talagang maglogin sa laptop para sa ellipsis madz. hindi makita sa mobile. :D

    so ikaw ba si yssa? :D

    ReplyDelete
  4. ang tanga ko di ko mahulaan ung password hehehe. pero gusto ko yung storya heheheh

    ReplyDelete
  5. nakakakilig...
    as in...hehehehe
    naka 2 try ako bago tumama...

    ang cute ng stori...

    ReplyDelete
  6. elipsis pala tawag sa tatlong tuldok na yun. hahaha. astig nmn..hehe. pano gumawa nun mads. astig eh. galing..

    ReplyDelete
  7. astiiiig!!! wala na kong masasabi pa. hehe:)) nakatatlong test ako ng password. bow ako sayo ate madz. :)

    ReplyDelete
  8. anong post ni Yssa? hehe! gandang kwento, hang haba..pero binasa ko..

    ReplyDelete
  9. Unang try ko palang tama na password! Yahoo...

    Galeng mo talaga magsulat! Asteeg...

    May pinaghuhigutan ba to?

    ReplyDelete
  10. sissy i love this!!!

    ReplyDelete
  11. the story is great! i guess i need to backread all your post. Na-add na rin pala kita sa blogroll ko para madali akong makapunta dito. xD

    ReplyDelete
  12. whaaaa... ok pa rin naman pala. love...it pulls you down and push you up.

    ReplyDelete
  13. inspired na inspired ka friend. kakainggit. hahaha! really clever! :D

    ReplyDelete
  14. waaaaaaaaaaaa! kinilig ako? bakit!!! pootek!

    nahulaan ko sa ILANG beses ko na try. at kinilig ako! shet!

    TURUAN MOKO KUNG PANO GUMAWA NG LECHENG ELISPIS PASSWORD NA YAN! imessage mo sakin sa fb! dali na! nagmamakaawa ako! hahaha!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design