The longest journey begins with a single step.
- Lao Tzu
Wala akong damit.
Wala akong pants.
Baka hindi ko makaya.
Baka hindi ako magising ng maagap
Minsan talaga kapag nauunahan tayo ng takot na gawin ang isang bagay marami tayong mga dinadahilan na kesyo ganito ganyan at marami pang iba para lamang makaiwas. Madalas kahit gawa-gawa lang natin ang mga dahilan na ito ay nagiging katotohanan na rin dahil ito ang tumatatak sa ating isipan. Sa huli, walang nangyayari sa atin. Naiiwan na lang tayo na nangangarap at nanghihinayang dahil hindi tayo sumubok. Lalo lang nagiging mababa ang tingin natin sa ating sarili.
Ganyan din ang naramdaman ko sa una. Excited ako na nagpalista sa isang kaibigan para sa isang event pero nung malapit na yung mismong araw, madami ng excuses akong naiisip para magcancel. Natatakot kasi ako na baka hindi ko kaya, na baka mamaya mahimatay ako dun o kaya naman baka hindi ako makatapos.
"Believe in yourself and good things do start happening."
-from the book The Magic of Thinking Big
Wala akong damit.
- may libreng singlet na kasama yun
Wala akong pants.
-may nakita ka na sa Marikina, bilhin mo na
Baka hindi ko makaya.
- wala naman masama kung susubok di ba?
Baka hindi ako magising ng maagap
-nauna ka pa nga sa alarm
Buti na lang nakakuha ako ng motivation sa isang libro na kasalukuyang binabasa ko. Natalo ni Ms. Triumph si Ms. Defeat. :)
"It does not matter how slowly you go so long as you do not stop. "
Ilang oras kong binuno yung takbong iyon, na sabi nila eh wala pang isang oras matatapos mo na. Pero ok lang kasi first time ko naman at kung makikita mo lang yung ngiti sa mata ko nung marating ko ang finish line, hayyy parang ako na yung champion. LOL
oo may libreng Champion na powder :)) |
nag-aantay na magbukas ang mall :) |
Hay, sarap lang. Next time na takbo ko, kakayanin ko na siya ng wala pang isang oras. Ako pa! Sama ka ha!
nice \m/
ReplyDeletegaleng. milo naman. asteeg!
ako sama.. hehehehe... 5k run sa milo tayo madz.... try natin ng 40 mins... hehehehehe....
ReplyDeleteayun oh, sama ako pag uwi ko, praktisado yata ako! hehehe… ayain mo rin si iyah na kinakarir ang jogging…
ReplyDeleteasan ang sabon? hehe
ReplyDeletenanjan ka din pala hahaha.. anong tinakbo mo 5k? 3k lang kami hahaha!
ReplyDeleteoo, nga, eh...bakit kaya ganoon na ang dami talaga nating dahilan pagdating sa mga bagay na para sana sa atin?
ReplyDeleteNice one....
Hi, paano ba mailagay mga emoticons mo na yan sa aking blog site?
ReplyDeletehahaha!kering keri lang gurl!!! tayo ng tumakbo at magbawas ng baby fats! lol kahirap!!! pero i like your quotes kakarelate me!
ReplyDelete-iyah
WOW. Pangarap kong makisali sa ganyang mga fun run eh. Di ko na nagawa. Tsk. Congrats Ate. You made it.
ReplyDeletebuong buhay ko hnd ako nakatakbo para magjogging.. hehe kakaingit naman yan madz :p
ReplyDeletecongrats,madz. :D
ReplyDeleteang ganda ng post na to. hindi ko alam kung bakit pero napangiti talaga ako. =D thank you for sharing sis madz..=D
ReplyDeletedapat talaga subok lang ng subok kahit pa madap bangon lang ng bangon hanggang makarating sa finish line
baby steps, sunod nyan 10k na! :)
ReplyDeletecongrats. si little sister ko tumakbo rin. ayun. gamit na namin yung nakuha niyang free champion detergent heheheh
ReplyDeletelike na like ko ung pagkakaintro mo dito ate mads dito.. very real , tagos sa buto.
ReplyDeleteayos na experience yan :)