Pages

Tuesday, November 29, 2011

Kung Sana…

 

Sana hindi ka na lang umalis…

Sana pinigilan mo ako..

Would it make a difference?

I would have stayed if you asked me to…

Nakilala ko si Jen sa internet. Mula sa YM chat ay nakaabot kami sa Fb at Twitter. At hindi pa kami natapos doon dahil pagkalipas lang ng ilang buwan ay nagdecide kami na magkita. Sa unang pagkikita na iyon, ay nabuo na ang desisyon sa aking isipan na ayoko nang makipagsagutan sa status at makipagpalitan ng banat lines sa kanya sa internet. Gusto ko si Jen. Gusto ko siyang makasama habambuhay.

Niligawan ko siya. Kung hindi man ako nakakapunta sa kanila ay iniimbitahan ko naman siya sa labas para mamasyal o kumain. HIndi na kami gaanong nag-oonline. Nagpatuloy lang kami na ganun hanggang sa ang tangi na lang namin naisagot sa mga nagtatanong sa aming paghahiatus ay ang status namin sa FB na ‘in a relationship’

Masaya kami sa piling ng isa’t isa. Bawat araw na dumadaan ay pinupuno namin ng mga alala na magkasama kaming dalawa. Maging ang mga pamilya namin ay natutuwa dahil malaki daw ang naging improvement namin. Naging inspirasyon namin ang bawat isa. Kaya naman ng minsan may oportunidad na dumating para kay Jen ay hindi na namin ito pinalagpas. Kahit pa nga nangangahulugan ito na magkakahiwalay kami.

Inaalala lang kita noon, sayang yung opportunity

Sa atin, hindi ka ba nanghinayang?

Dumating sa punto na talagang naghiwalay kami. Nakipagkalas ako kay Jen. Baka kasi hindi niya kayanin. Baka hindi ko kayanin. Mahirap eh. Malayo kami sa isa’t isa. Malapit naman sa tukso.

Ilang beses kong pinigilan yung sarili ko na sumagot sa mga status niya. Nagsilbi akong stalker sa babaeng nagpapatibok pa rin ng aking  puso. Madalas kinakaya ko pero minsan gusto ko nang bumigay. Katulad na lang ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay sinimulan kong tumipa ng mga letra para sa kanya.

Natakot ako Jen. Naduwag. Hindi ako nagtiwala sa kaya nating gawin na magkasama. Pero ngayon, kaya ko na. Jen, pwede pa ba?

Kung itinanong mo sa akin yan dati, siguradong oo ang magigigng sagot ko. Pero ngayon, hindi ko na yata kayang magrisk para sa ating dalawa.

Sana hindi ka na lang umalis…

Sana pinigilan mo ako..

Would it make a difference?

I would have stayed if you asked me to… Sorry Dave, now is too late.

 

 

*subok lang na kwento gamit ang live writer Smile with tongue out

11 comments:

  1. Baka sadyang di pa lang talaga oras... LOL At pinatulan talaga ang kwento... LOL

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng simula... malungkot sa ending..:(

    ReplyDelete
  3. kainamang storya 'to. di ako makarelate.

    ReplyDelete
  4. ehem.....kakalungkot ng mga stories natin now a days ah....bakit kaya?! hmmmmm :D

    ReplyDelete
  5. "I would have stayed if you asked me to…"

    sis! hmmm ehem ehem lol

    ReplyDelete
  6. Parang.. Okay. Haha. Ang lakas maka-quotable quotes. Pangpelikula.

    ReplyDelete
  7. kasi di namn nagtatanong eh.... marami kasing namamatay sa maling akala... haitz.... eheheheheh... :D

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design