Pages

Sunday, August 28, 2011

Same Shit Different Day




Dapa, dulas, talapid at lagapak queen. Ilan lang yan sa mga titulo na masasabi kong maikakabit sa aking pangalan kapag tinanong mo ako sa aking mga kaibigan at sa aking pamilya. Ewan ko ba pero iba nga yata ang halimuyak ng lupa at kalsada sa akin. Parang araw-araw eh gusto kong magdive kahit wala namang tubig. Minsan nga nasubukan ko na rin magdive sa mainit-init kong ebak noong ako ay bata pa. At ngayong matanda na, kalbaryo naman ang pag-uwi galing sa opisina, inaantay ko na lang na one day dumausdos ako pababa hanggang sa main gate ng aking pinapasukan. Ganyan ako ka-classic sa mga lagapakan moments. 

Kaya naman nitong uwi ko sa Bohol, ay  chinallenge ko ang aking sarili tutal araw-araw na naman akong nadidisgrasya, e bakit hindi ko pa ito itodo. Wala na naman sigurong mawawala sa akin.

August 28, 2011. 

Kabado na ako habang ikinakabit sa akin ang harness. Sabi ko sa sarili ko, sigurado pag-lagpak ko dito eh magmumura lang ako sa ere. P@#^% ina, ano ba itong pinasok ko parang sinetensyahan ko na ang sarili ko.  

Turn ko na. Pinalapit ako ni manong, kinabit ang mga dapat ikabit sabay tanong: Head down o yung isa? Tae hindi ko alam kung anong posisyon kaya ang sinagot ko na lang: Kuya, yung nakatiwarik! Pinahiga na ko, sabay sabit ng paa ko at pumosisyon daw na parang cool lang, yung kamay eh nasa may  ulo. Ayus na sana eh kaya lang nung tinanong ako ni manong ng pangalan ko, ang sabi ba naman eh baka daw mamaya makalimutan ko na pagbagsak ko. P@#$% ina, manakot ba!




At eto na nga, pagbaba nila sa akin, wapak! Eto na yata ang pinakamasarap na lagapak na naranasan ko  :). 








Habang sinsisway-sway ako sa ere na nakatiwarik eh hindi ako napamura. Ang tangi ko lang inuusal nun eh THANK YOU PO (repeat 100x) tapos nung nakasitting position na, shaks ang ganda ng view parang gusto kong tapakan yung mga puno at idutdot ang paa sa tubig. Shaks SUPER GANDA talaga, speechless ako! 





Nung iaakyat na nga nila ako parang gusto ko pang pigilan kasi iba yung pakiramdam, AS IN! Sana araw-araw na lang akong lumagapak nang ganito, may certificate pa! :))




Uwian na. At habang lulan ng sasakyan pauwi, naramdaman ko yung pagkaproud sa sarili ko. Sabi ko ok lang pala na madapa, madulas, matalapid at lumagapak. At least, hindi na ko natatakot kahit pa diyan sa PLUNGE na yan. SISIW!

Ang mahalaga ay kung paano ko inenjoy yung bawat moment na yun,kung paano ko hinarap at kung paano ako tumayo muli ---- taas noo ala model na pasway-sway ang hips habang pinapagpag ang dumi sa damit at tuhod. Nakangiti. 




*****

Lahok sa pakonteshit ni LioLoco \m/.

19 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaaahhhh ikaw na ate mads! ikaw na ang masaya sa bakasyon. aaaaaaaawwwwwwwwwwwwwww. Pero ako hindi ko susubukan yan sa buhay ko. nakaktakot. LOL

    ReplyDelete
  2. huwaw naman may sertipiko pa! :) kontakin kita pag uwi ko at magpapasama ako sa iyo!

    ReplyDelete
  3. nakakatakots yang ginawa mo sa iyong bakasyones. at may entry na you sa contest ni lio loco :D Grabe....

    ReplyDelete
  4. Wow. Nakakainggit. Gusto ko din mag-zipline. Gusto ko din yung ganun na nakatwembang. Haha.

    ReplyDelete
  5. HAWMAYGASH! ito panlaban mo. Isali ko kaya yung sakin. ahahaha

    ReplyDelete
  6. Hinggit!!! :-D nakakatuwa naman yung trip na yun?... hmn, kelangang maghanap na ako ng taga bohol na mag iinvite sa aking mag trip sa kanila.. :-D

    ReplyDelete
  7. cooool nga!!! ikaw na ang nag pa-sway sway sa ere!!!

    ReplyDelete
  8. ayun!!! lakas ng loob!! walang takot sa heights! kaw na :D

    ReplyDelete
  9. astig! sana masubukan ko rin yan :D

    ReplyDelete
  10. everytime na madadapa ka you didnt fall.The floor was depressed so you gave a hug.

    ReplyDelete
  11. huwwaaww! kakatakot naman yan.. pero kineri mo Madz! ikaw na!

    ReplyDelete
  12. congrats, madz!

    from now on, lampasan mo pa ang lahat ng challenges ng buhay.

    keep safe at maligayang bakasyon sa bohol!

    ReplyDelete
  13. ayus yan ah .. it take a lot of courage to do that... haha..

    sana makapag ganyan din ako ..
    COOL ate madz.

    ReplyDelete
  14. hello madz! salamat sa pagsali. paki-link na lang 'yung url ng datnet para ma-qualify sa ssdd pakonteshit!

    blogenroll! \m/

    ReplyDelete
  15. eksdi
    eksd
    eks
    ek
    e
    ek
    eks
    eksd
    eksdi
    Bawat bagsak at lagapak may natutunan. Magkakatalo lang sa application part.
    God bless sa contests!

    ReplyDelete
  16. napakadaring ng pose mo sa second pic! yays, enjoy magzipline lalo na pag napakataas ng line at bangin lang makikita mo sa baba! adventure yan! (;

    ReplyDelete
  17. ayun oh!.. hangtapang mu...... gusto ko rin magtry niyan.. hahahaha.... sabi nila... mostly daw ng nagplunge ay mga babae... so totoo ba na mas matapang ang mga babae kesa sa mga lalake.... wla lang... eheheheheheh

    ReplyDelete
  18. huwaw! gusto kong maexperience yan!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design