Wednesday, August 3, 2011

Luha ng Isang Alaala



Kanyang daliri sa aking mga labi,
gumuguhit na parang sili
Alab na nadarama ng katawan
tumatagos sa buong kaibuturan

Naglapat  mga labing sabik
Nanunuyo ang bawat halik
Dila'y nagsasalimbayan, bumibilis
Tulad ng tibok ng pusong nagmamahal, nagnanais

Marahas na halik unti-unting naging dampi
hanggang matirang kapit ay ibaba ng labi
Sa paghugot ng hininga lingkis ay napigtal
Nagkatinginan, mata'y naiwang umuusal

Kanyang daliri sa aking mga labi,
ngayo'y isa na lamang guni-guni
Tanging naiwan at nalalasahan
pait ng luha sa kanyang paglisan




*** Lahok sa pacontest ni iya_khin

21 comments:

  1. nadama ko naman to'ng tulang to. ang lungkot sobra

    ReplyDelete
  2. nice nice. ganda ng lapat. edi ikaw na din ang lumuluha.

    ReplyDelete
  3. ikaw na ang may mapait na panlasa xD
    beri beri nays!
    galing!

    ReplyDelete
  4. galing... luha na kung luha...lab et!

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng pagkakahabi. mahusay na pagkakalahad. ramdam ko ang bawat bitaw ng mga salita. magaling!

    ReplyDelete
  6. Ang lalim naman ng pananagalog. LOL!

    ReplyDelete
  7. Tula ng halik, galeng!

    Halikan na, may pinaghuhugutan ba to MAdz?

    ReplyDelete
  8. Ang ganda ng areglo mo Mads.

    Masarap ang lapat.

    May lara ka pang nalalaman. Alam mo ang lara?

    ReplyDelete
  9. Nai-imagine ko habang binabasa ko... :(

    ReplyDelete
  10. Bff, sino ba naaalala mo diyan? Sapakin ko na. LOL

    ReplyDelete
  11. hmmmm... may pinaghugutan. halata naman! lol

    ReplyDelete
  12. Ngayon hindi na ako nanaginip at lalong wala ng muta ang aking mga mata habang binabasa ko ang iyong tula.

    May nakabitin sa aking isipan. Nangingiliti. Bago ang sakit ng paglisan ano kaya ang nagyari pagkatapos ng halikan? hmmmm

    ReplyDelete
  13. nakakain ba ng ampalaya sa kadahilanang mapait ang panlasa?! kainaman my friend...katapos makipaghalikan bigla nalang iiwan..ano 'to 1 nyt stand?! masapok nga yan! lol

    salamat sa pagsali!

    ReplyDelete
  14. Ang galing.. Parang teleserye. Parang last kiss tapos babye. Ikaw na ate.

    ReplyDelete
  15. Uhaw na uhaw sa pag-ibig. Pengeng tubig

    ReplyDelete
  16. nangagat lang ng labi sabay layas hehehe...

    ReplyDelete
  17. Lungkot lang.

    Madz, kapag ako nangailangan ng editor, baka naman pu pwedeng...hehe!

    ReplyDelete
  18. ate nakakamiss ang mga ganitong post mo.hindi ka na ulit gumagawa ng mga kwento?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design