Pages

Tuesday, January 31, 2012

Lagaw kita sa Iloilo =)

Wala pa po ako dun. Papunta pa lang. :D Salamat sa kapatid ni opismate, finally makakapunta na rin ako ng Iloilo. :D

Last year, pinadala sa akin ni opismate ang itinerary at (posibleng) budget namin para sa trip na ito.


Yown, dalawang araw lang naman akong magpapagulong-gulong sa buhangin at magpapasunog kay haring araw bago maglibot sa city proper. Shaks walking uling ako nito malamang. hahaha Wish ko lang makilala ko pa sarili ko pag-uwi.

At dahil may itinerary na, feeling ko wala man lang akong contribution sa trip na ito. Kaya naman bilang ganti, ay gumawa ako ng aking ILOILO CHALLENGE. Oo ang arte ko lang. LOL

1. Makarating sa airport ng hindi nagtataxi mula sa bahay - Haller Antipolo to NAIA3, ang gastos! Sayang ang miles LOL (See challenge no.3)

2. Magdala ng SUPER LIGHT na bagahe. - Oo wag sanang magaya sa Baguio trip ang bitbit ko. :D

3. Magtipid. - sana ang magastos ko lang ay yung andun sa itinerary.

4. Magkaron ng bagong kakilala. - Ilang oras lang naman akong maghihintay kina opismate dahil mauuna ako sa kanila. Eto na ang chance na magkaroon ng kakwentuhan na taga-doon. :D

5. Walang update sa FB, Twitter at text - tukso layuan mo ako LOL Huwag niyo ko masyadong mamiss ha! :P

6. Macapture yung sunrise at sunset.  - sana magamit ko na yung hihiramin kong camera. Next time ko na bibitbitin si Luna.

7. Snorkeling - matututo ba kong maglangoy dito??

8. Makakain ng:

 - mangga sa Guimaras
 - La Paz Batchoy sa Ted's o Decos'
 - siopao sa Roberto's (anu kayang mas masarap king o queen siopao?)
 - native litson manok sa Tatoy's Manokan
 - BURGER (oo malaki talaga) sa Perri Tod's
 - sizzling Bulalo sa The Mango Tree

9. Kumatok at humiling sa lahat ng simbahan na mapupuntahan. - Bye muna sa bloghopping, say hello naman to church hopping. :D

10. Magsulat ng story either romantic or horror about sa place.  - Yan ang natututunan sa workshop. LOL

11. Mag-uwi ng Ilonggo este salita ng mga Ilonggo (Hiligaynon) pala. - nakita ko lang sa net yung "lagaw". Gusto ko matuto ng iba.

12. Malagyan ng check yung isa sa nakalagay sa bucket list ko. - hulaan niyo kung ano yun :))

13. I-enjoy ang bakasyon. - Kung anuman ang mangyari na wala sa plano, ADVENTURE!


Weeee, ilang araw na lang makikita na kita! Sayted me much! Sana magawa ko lahat yung challenge. :D

Monday, January 30, 2012

Pasabook (11) RESULT

Ayown back to work na naman at bago ko magsimulang magkutingting dito sa trabaho, i-announce  ko na muna yung nanalo.

Eto pala yung list ng sumali.Minus na dito yung mga nagcomment na hindi taga-Pinas (pasaway talaga kayo).



Tapos eto na yung result ayon kay random.org. :D





Congrats Jason! :D Send mo na lang yung mailing address (name included) dito : hartlesschiq@gmail.com.

Sa susunod na buwan ulit! Happy Monday everyone :D

Friday, January 27, 2012

Pasabook (11)



Gusto ko pa sanang ipagpaliban ito hanggang next week kaya lang wala akong maisip na pang update kaya ayun bumigay na din ako. :D

Unang pasabook ngayong taon. Swerte agad kasi nakasalamuha ko ang awtor ng librong gusto kong ibigay.

Sa mga nagbasa ng previous post malamang alam niyo na kung anong libro ito. Para naman sa ngayon pa lang nakasilip sa bahay ko, ito po yung pwede niyong makuha ngayon sa pasabook:





Ayun so kung wala ka pa nito, basahin lang ang mechanics sa baba kung papaano makasali: 

1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.

2. Mag-iwan lamang ng comment sa post na ito. Kahit anong comment basta lumabas lang pangalan niyo. :D
3. One entry per blogger lang po.

4.Hanggang January 29, 2012 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Monday  (January 30, 2012) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.

Wala munang freebies ha! Sa susunod na Pasko na lang ulit. 
Ang bonus na lang siguro pag ikaw ang nanalo eh makikita mo sa unang pahina ng libro ang pirma ng awtor with matching dedication pa. :D



Saturday, January 21, 2012

Openbook

Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin nito pero dahil nakita ko na si Ricky Lee ang magiging guest nila ay naghakot ako ng ilang tao na pwedeng makasama. Buti na lang nauto ko si Essa na sumama at magpareserve ng seat.


Dumating ang Biyernes. Tamad na tamad ako. Pero nakapunta pa rin ako, hahaha secret na lang kung paano nawala ang aking topak . Pagdating namin dun, nakita ko agad siya. Casual lang ang suot tsaka pagala gala lang dun sa resto. Para ngang isa lang sa mga customer.

Lumabas ulit kami kasi daw kelangan pang magparegister. 200 lang ang entrance pero nadagdagan ng 700+. Kasi naman eh, naglagay pa sila ng libro dun, napabili tuloy ako :)) Buti na lang pwedeng magpa-autograph ^_^

Masaya yung event, o mas magandang sabihin na nasiyahan ako. Sobrang nakarelate lang kasi ako sa talk niya. Para ngang gusto ko na lang sumigaw ng, "Wow normal pala ako, ayan ang proof sa harap ko" :)) Marami siyang kinuwento at ito yung ilan sa mga nakuha ko sa kanya:

1.  Ok lang na maging tanga o sa term niya ay maging naive, dahil dito marami kang nadidiscover, maraming surprises at madami kang natututunan.

2. Yung mga eksena sa buhay mo na walang closure o yung mga "bubog" na naiwan dyan sa puso mo eh isa sa mga nagbibigay sayo ng inspirasyon. Pero di naman ibig sabihin na kailangan mong dumaan sa mga ganun, yun eh kung meron lang naman :).

3. Research. Research . Research. Mahalaga talaga ito sa pagsusulat dahil mas nabibigyan mo ng buhay ang mga karakter sa iyong kwento. Para kahit hindi mo pa nararanasan, dahil lang sa pagmamasid at pagbabasa, naiintindihan mo yung nararamdaman ng tao sa isang sitwasyon.

4.  Kapag nagustuhan mo ng gawin ang isang bagay, yakapin mo ito ng buong buo at huwag kang bibitaw. Hindi 25%, hindi rin 50%, kundi 100% (o kung may 101% pwede din) ang ibigay mong effort at focus para dito.  Hindi lang siya basta gusto kundi gagawa ka ng paraan para makuha siya, para matutunan siya.

5. Humility. Hanga ako sa kanya dito, hindi mo siya makikitaan ng angas kahit na ganun siya kasikat. Bow ako sa kanya lalo na dun sa libreng paworkshop niya. Wala lang parang giving back the blessings and sharing your talent na walang kapalit. Crush ko na yata si sir Rico. :))

Kumuha ako ng video. Update ko na lang mamaya. Ngayon pictures muna :)



book signing 


e di syempre dapat may picture kaming dalawa :)

 yung mug kay essa yan, pero nagpalit kami 
kasi ang napanalunan ko sa raffle eh yung book na meron na ako :P


Salamat nga pala kay Essa, dahil sinamahan niya ako. At kay kuya Paul na nagtyagang kumain ng onion rings (di rin naman natin naubos ^_^). Ang swerte nating tatlo, umattend lang tayo ang dami pa natin nahakot pabalik, freebies mula sa raffle at ilang aral mula kay sir Rico.


Dahil sa feeling lucky ako sa event na ito, syempre share ko din sa inyo yung blessing. Abangan na lang po ang pasabook para ngayong buwan. Happy Long Weekend sa lahat! :)

Monday, January 16, 2012

My First Baby :)



Last year, naisipan ko lang naman na regaluhan ang sarili ko para sa Pasko, loser much? Hindi naman. I think of it as a reward for myself dahil nakaraos ako ng isang taon na buong buo :) At ang napili ko ngang regalo ay isang toy camera.

Wala akong idea tungkol dito at hindi rin naman ako expert sa pagkuha ng picture. Kaya lang nainlove ako sa itsura niya. hahaha Sabi pa ni bulakbolero nung minsan kung nagagandahan lang daw ako, wag ko ng bilhin kasi sayang lang di ko naman gagamitin. Pero dahil likas na matigas ang ulo ko at once na set na yung utak ko sa isang bagay, gagawa ako ng paraan makuha siya. Kahit pa ako yung bubuo sa camera. ^_^

Yep, its a DIY (do-it-yourself) camera. Ito siya nung makuha ko:




At ito naman siya pagkatapos ng... hmmmm sabihin na nating mga dalawang oras na pagkakalikot, pagscrew,pag unscrew, pagscrew ulit,  pagbaklas, pagbalik etc. Update ko mamaya itong post para dun sa video habang ginagawa ko siya (remembrance lang ^_^).



Meet my first baby, Luna :)


After ko siyang mabuo, alam ko na ang next step. Test shots. Para malaman kung gumagana ba si Luna. Bumili ako ng tatlong rolyo ng film at nagsimulang kumuha. Sa loob ng opis, sa labas, sa banyo. Oo kahit saan na maisipan ko. Ang hirap kayang mag-ubos ng 72 shots. :)) 

Tapos syempre dahil film ang ginamit ko, kailangan ko itong ipadevelop. Akala ko mahal yung magagastos ko kasi sa research ko konti na lang nagpprocess ng film dito tsaka yun nga mahal. Pero ayun nung makuha ko na yung result, nagrefund pa ko. Kasi ... kasi... walang lumabas na kahit anu dun sa film. Iyak na ko eh. Tinabi ko muna sa Luna. Heartbroken :(

Pero mga ilang araw lang, hindi na ako mapakali. Gusto kong malaman kung anu yung mali. Kaya naman bumili ako ng film. Isang rolyo lang (wag kasi masyado excited). At naisipan kong picturan yung harapan ng bahay namin. Konting ingat sa pag-ikot sa kasunod na frame, sa pagklik (di ko alam tawag eh) at sa pagrewind. Manual nga pala yan lahat kaya spell eyfort talaga :)

Pagbalik ko sa photo shop, sabi ko agad "ano wala ba?" Syet si ate lumapit dun sa kasama tapos sabi " ito ba yung walang laman?". May gulay, wala na naman huhuhuhu

Nabuhayan na lang ako ng loob kasi pag-abot sakin ni ate ang sabi "may walong nakuha, kunin mo na lang yung refund". YEY! Gumagana si Luna.






Konting research at experiment na lang, alam ko makukuha ko rin ang perfect shot :)








 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design