Pages

Monday, February 27, 2012

Pasabook (12) RESULT



Hello :D Tapos na naman ang weekend, hope naenjoy niyong lahat! Salamat nga pala sa 24 bloggers na sumali sa anniversary edition ng aking pasabook. Good to know na marami pa rin pala sa atin ang nahihilig sa pagbabasa. 


Ito na nga pala yung list ng sumali at syempre yung resulta kung sino ang napili ni random.org.








Congrats PaQ! Ipadala mo sa na lang sa hartlesschiq@gmail.com yung mailing address mo (full name included), para matanggap mo na ang librong ito. :D 





P.S.

Kung ikaw ang unang makakabasa at magkokomento sa post na ito at nandito ka ngayon sa Pinas, maswerte ka dahil makakatanggap ka rin ng libro na matatanggap ng nanalo. Alam mo na kung saan ipapadala. :D Happy Monday!

Wednesday, February 22, 2012

Pasabook (12)

Yieeeee sarap naman isulat nung title nitong post ko, akalain mo yun isang taon na pala yung munting pakulo ko. Ang saya lang. Sarap kumain ng vanilla-flavored ice cream :D 


At dahil dyan, sige gawin ulit nating special. Hihingi ako sa inyo ng regalo: isang libro. :D


Hindi po ako nagjojoke, talagang reregaluhan ninyo ako ng libro. Pero hindi kayo gagastos. hahaha Kinabahan ka ba?  


So paano mangyayari yun? 


Hmmmm... 


1. Kunwari may mabait na nagbigay sa'yo ng pera, sabihin nating mga limang daan o kaya isang libo, (at nagbigay talaga ng budget LOL) . Kaya lang sabi niya ang perang yan ay pambili lamang ng libro na gusto mong mabasa at gusto mong ipabasa kay Madz. Anong libro yung bibilhin mo?


2. Kung may idea ka na kung anong libro yun, sige magcomment ka lang sa baba, malay mo masyadong malakas ang hatak ng imagination mo at biglang makatanggap ako ng regalo mo na ibibigay ko din sa'yo :D. 


3. Isang comment, isang libro lang po ha. Wag pasaway! :P 


4. Muli, bukas lang po ito sa mga blogger na nandito sa Pinas. Saka na po tayo maglelevel-up kapag may budget na :)


5. Wag patagalin ang pag-iisip, hanggang February 24, 2012 (Friday) lang po ang tatanggapin na mga comments. Bumalik na lamang po sa February 27, 2012 para malaman kung ikaw ang napili ni random. org at  ipadala dito : hartlesschiq@gmail.com ang inyong mailing address.




Aantayin ko yung mga librong regalo ko ha! :D

Tuesday, February 21, 2012

A Series of (Un) FORTUNATE Events



Madalas kapag nasisimulan tayo sa umaga ng isang di kaaya-ayang pangyayari (hal. pagka-late sa trabaho dahil hindi gumana yung alarm ng telepono), pakiramdam natin parang may chain of bad vibes na throughout the day. Yun bang nag-aabang ka na kung ano pang kamalasan ang pwedeng mangyari na hindi na natin napapansin na meron din namang magandang nangyari sa atin sa araw na yun.

Nagkaroon ng proyekto si Pablo Quaderno kasama ng ibang taga-Tumblr na tinawag nilang Blog Mo, Ipasuot Mo. Layunin nito na damitan ang mga kabataang salat sa maayos na pananamit katulad ng t-shirt na mayroong tatak ng blogname at url ng magdodonate. Simpleng gawain subalit siguradong malaki ang maitutulong sa kapwa lalo na sa mga kabataan.

Bago pa ang mismong araw ay nagkaroon muna sila ng group sa FB na siyang naging daan upang malaman ko ang kanilang proyekto at walang pasubali naman akong nagsabi na susuportahan ko sila. Subalit sa mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi ako nakadalo sa kanilang mga pulong at hindi rin ako nakapagbigay ng t-shirt (loser lang noh). 

Pero gusto ko talagang sumama kaya naman kinapalan ko na yung mukha ko at nagtanong kay Paq kung pwede ba akong sumali kahit wala naman akong dinonate kumbaga manpower yung maiaambag ko sa araw na yun. At sa awa ng Diyos, pwede naman daw. 

Feb. 19, 2012

Maagap akong gumising para makarating sa tagpuan. Isang tao lang ang kilala ko dun sa group kaya naman nung hindi ko siya macontact, parang nag-alangan akong pumunta. Mahiyain din naman ako paminsan-minsan  :D 

Natuloy din naman ako pero ilang minuto akong nakatingin sa kanila mula sa malayo kasi nga wala yung contact ko. Paano ko sila nakilala? Yung isa dahil sa bangs tapos yung isa, sa mukha nung nakasideview siya. Nung may nadagdag pang isa sa grupo nila, sabi ko na lang: sige na nga maghapon ko din naman silang makakasama so simulan ko na ngayong makipagbonding. Maya-maya pa ay dumating na yung kakilala ko at yung may pasimuno. Off we go to our destination.

Binalak namin na magdala na ng makakain ng mga bata, pero nag-inarte ang crew dun sa fastfood na bida ang saya. Kaya naman bahala-na-mamaya-sige-padeliver-na-lang-tayo ang emote namin pagpunta sa park na walang tao.Yep, bokya, itlog, nada, zero ang population sa park. Buti na lang may plan B sila (feeling ko nga hanggang plan Z meron eh :D ) kung saan nakasalamuha namin ang mahigit 30 kabataan.

So ano ang nangyari sa ilang oras na yun? 

PURE FUN! Pak na pak yung palaro ni Joleah na dodge ball (ang galing nilang umilag, meron pang nagha-high jump) at the boat is sinking (nauna kami, nauna kami!!!) Tapos nung bigayan na nung t-shirt kanya kanyang sigawan per group at matunog na matunog yung The Karakas nadaan yata sa kulay ng shirt LOL. Bagamat may ilan na hindi nakatanggap ng t-shirt, bumawi naman kami sa pagkain. :D Lahat eh umuwing busog. Pati kami busog din hindi man sa pagkain pero dun sa feeling na nagtagumpay yung unang sabak. Yeah boy!

Maswerte din siguro kami sa mga batang nakasama namin kasi madali silang sumunod at hindi masyadong pasaway. Bonus pa yung mga magagaling bumanat at hataw pumose kapag piktyuran na (hello kay antonette sa gabi :D )



Isa nga lang yata ang hindi natuloy dun sa plano eh, yung inspirational speech ni Joleah. Sayang inabangan ko pa naman.   

After that day, dun ko narealize yung sinasabi ko sa itaas. Madami ngang nangyaring hindi naman kasama sa plano pero in the end maganda pa rin ang kinalabasan. Masasabi ko pa ngang pumabor pa ito sa akin.

1. Kung hindi na-late si Paq, hindi ako maglalakas loob na iapproach sina Joleah, Jaypee at Julianne at makipag-usap sa kanila. Salamat po sa masayang araw at bonding moments natin :) Nice meeting you din po ser JH Alms at Dwayne.


2. Kung hindi nag-inarte si ate crew ng fastfood kung saan bida ang saya, malamang madami sa mga bata doon ang hindi makakakain (20 lang kasi yung plano naming bilhin). 

3. Kung may tao dun sa park na una naming pinuntahan, e di siyempre di namin makikilala yung mga batang very attentive at sobrang taas ng energy. 

4. Kung hindi ako pumunta, paniguradong mas magiging malungkot ako kasi hindi ko makikitang nag-eenjoy at nakangiti yung mga bata. Humbling experience. Mapalad talaga ako na napasama sa unang sabak ng proyektong ito. Salamat po! :D

Isa ring patunay nito ay yung isa sa mga bata nung araw na yun. Malaki yung t-shirt na napapunta sa kanya, kaya naman sinabi ko na makipagpalit na lang siya dun sa maliit ang nakuha. Imbes na sumunod ang sinabi niya sa akin ay ok lang daw na malaki yung size kasi ibibigay niya na lang sa tatay niya. awwww natunaw ako dun.

*************

Sa hinaba-haba ng post ko, gusto ko lang naman sabihin e kung hindi man kayo nakasama sa unang sabak ng proyektong ito, may susunod pa po! :D Maaari pa rin po kayong magbahagi ng panahon, pera at lakas para makatulong sa iba. Kung wala man dyan yung kaya niyong ibigay, sige lang ibigay niyo lang. Basta ang alam ko lang at naniniwala ako na MAY MAGAGAWA KA! :)

Magkita-kita po tayo sa susunod pang mga proyekto. Abangan lamang po ang iba pang updates sa kanilang blog at FB group.

Tuesday, February 14, 2012

1-4-3


Wala akong date mamaya. Malamang pagkatapos ko nito sa trabaho eh uuwi lang ako sa bahay namin na parang regular na araw lang. Pero hindi ako bitter at hindi rin ako malungkot dahil kung hindi dumating ang araw na 'to malamang wala akong ilu-look forward sa mga susunod na buwan. :D Salamat sa Cebu Pacific, naka-avail din ako ng seat sale nila sa wakas. :))) 


Uuwi ang mama ko ngayong August (Yey!) at kasama sa balak niya ay dalawin ang lolo at lola ng kapatid ko sa Mindanao. Kaya naman pagkakita ko pa lang nung ad sa Facebook hinanap ko agad kung may available ba papunta dun. 

Tapos, ayun mayamaya lang, tsaaraaaan! Nakabook na kami. :D Hihihihi syempre kelangang itapat sa may holiday para di agad mabawasan ang leave.  




Pagkatapos nun, parang ayaw ko pang isara yung window. Parang kinakati pa akong gumala. At dahil pangarap kong magtravel mag-isa at gusto ko itong maging special trip, I decided na gawin ito sa birthday ko. :D 



After kong magbook nito, tsaka ko lang narealize na pareho palang sa Mindanao ang aking destinasyon. Mindanao hopping it is! Nakakatuwa na parang sinasabi sa akin na time na ma-explore ko naman ang part na iyon ng bansa. :) 

Naghahanda na ako ng itinerary ko para sa CDO (isama na natin ang Camiguin at Bukidnon) trip, so kung meron po makakabasa na nakapunta na dun, feel free to suggest kung saan pwedeng mag-stay at kung saan- saan ako pwede pumunta.

Wala akong kadate ngayong Valentine's day. Pero naiihi pa rin ako sa kilig at masaya ang puso ko.Excited na kong gumala, malapit ko nang isuot ang costume ni Dora  :D

Happy Heart's Day sa lahat!

Thursday, February 9, 2012

Love Story #1

 

Susunduin ka ba niya?

Nino?

Mukhang nanaginip ka pa ah. Hanggang ngayon ba di ka pa rin makapaniwala?

Yeah.

Sus e matagal mo ng pangarap yang bestfriend mo di ba?

Oo nga pala.

Parang hindi ka masaya. May problema ba Janine?

Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na papayag siya…

Loka ka eh di ba nanligaw nga sa’yo yung tao? Naku Janine, be happy ok? Finally, nakuha mo na din yung gusto mo.

Yep. I should be happy . Smile

So susunduin ka nga niya?

Yeah, ayan oh andyan na nga siya. Sabay turo sa sasakyang paparating.

Sige na, mauna na ko sa’yo baka mainggit lang ako sa ka-sweetan niyo.

Hanah, san ka pupunta? Tara, lunch tayo. Sigaw ni Gerrard sa aking kaibigan.

Next time na lang ako sasama.Kailangan niyo ng quality time ni Janine. 

Sabagay. Niyakap ako ni Gerrard mula sa likuran sabay halik sa aking pisngi.

Bye Hanah. Sabay naming paalam sa kanya.

 

 

Tara babe, sakay na.

Pagsakay namin, hinawakan niya ang aking kamay habang nagmamaneho.

Kamusta?

Ayus lang. Kapagod sa work. Toxic.

Anong gusto mong dinner babe? Nakangiti niyang tanong sakin.

Kailangan ba talaga nating gawin to?

Alin?

Ito. Sabay taas ko ng kamay namin na magkahawak.

Kailangan nating masanay Janine. We’re a couple now.

Ngiti na lamang ang iginanti ko sa sinabi niya.

 

 

Pagkatapos ng ilang minuto, ay nakarating na kami sa aming pupuntahan.

Table for two. Gerrard Manalo.

This way sir.

 

Sori na-traffic kami.

Akala ko hindi na kayo darating eh. Buti na lang walang masyadong nagpareserve ngayong gabi, atin pa rin ‘tong spot. Sige  upo na para makaorder na tayo. Ay wait, magpapakuha pa tayo ng extra chair.

Naku kayo na lang, may tatapusin pa ko eh. Kelangan sa work bukas.

Sure ka?

Yep.

Gusto mo ihatid ka muna namin?

Hindi na, kaya ko na.

Sige Janine hindi na kami magpupumilit, ingat ka ha. Sarilinin ko muna ‘tong babe ko.

Yeah. Bye. Enjoy your dinner.

Bago ako umalis ay yumakap ulit sa akin si Gerrard.

Thanks Janine. Akala ko hindi ka papayag magpanggap na gf ko. Don’t worry mag-out din ako, kumukuha lang ako ng tiyempo. I love you bestfriend! Thanks talaga.

I love you din.

Pinilit kong sumagot sa kanya kahit parang may malaking nakabara sa aking lalamunan.

Mahal ko naman talaga siya. Kaya lang…

Nakuha ko nga sa wakas yung gusto ko pero hindi naman sa paraan na pinapangarap ko.

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design