Pages

Tuesday, February 21, 2012

A Series of (Un) FORTUNATE Events



Madalas kapag nasisimulan tayo sa umaga ng isang di kaaya-ayang pangyayari (hal. pagka-late sa trabaho dahil hindi gumana yung alarm ng telepono), pakiramdam natin parang may chain of bad vibes na throughout the day. Yun bang nag-aabang ka na kung ano pang kamalasan ang pwedeng mangyari na hindi na natin napapansin na meron din namang magandang nangyari sa atin sa araw na yun.

Nagkaroon ng proyekto si Pablo Quaderno kasama ng ibang taga-Tumblr na tinawag nilang Blog Mo, Ipasuot Mo. Layunin nito na damitan ang mga kabataang salat sa maayos na pananamit katulad ng t-shirt na mayroong tatak ng blogname at url ng magdodonate. Simpleng gawain subalit siguradong malaki ang maitutulong sa kapwa lalo na sa mga kabataan.

Bago pa ang mismong araw ay nagkaroon muna sila ng group sa FB na siyang naging daan upang malaman ko ang kanilang proyekto at walang pasubali naman akong nagsabi na susuportahan ko sila. Subalit sa mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi ako nakadalo sa kanilang mga pulong at hindi rin ako nakapagbigay ng t-shirt (loser lang noh). 

Pero gusto ko talagang sumama kaya naman kinapalan ko na yung mukha ko at nagtanong kay Paq kung pwede ba akong sumali kahit wala naman akong dinonate kumbaga manpower yung maiaambag ko sa araw na yun. At sa awa ng Diyos, pwede naman daw. 

Feb. 19, 2012

Maagap akong gumising para makarating sa tagpuan. Isang tao lang ang kilala ko dun sa group kaya naman nung hindi ko siya macontact, parang nag-alangan akong pumunta. Mahiyain din naman ako paminsan-minsan  :D 

Natuloy din naman ako pero ilang minuto akong nakatingin sa kanila mula sa malayo kasi nga wala yung contact ko. Paano ko sila nakilala? Yung isa dahil sa bangs tapos yung isa, sa mukha nung nakasideview siya. Nung may nadagdag pang isa sa grupo nila, sabi ko na lang: sige na nga maghapon ko din naman silang makakasama so simulan ko na ngayong makipagbonding. Maya-maya pa ay dumating na yung kakilala ko at yung may pasimuno. Off we go to our destination.

Binalak namin na magdala na ng makakain ng mga bata, pero nag-inarte ang crew dun sa fastfood na bida ang saya. Kaya naman bahala-na-mamaya-sige-padeliver-na-lang-tayo ang emote namin pagpunta sa park na walang tao.Yep, bokya, itlog, nada, zero ang population sa park. Buti na lang may plan B sila (feeling ko nga hanggang plan Z meron eh :D ) kung saan nakasalamuha namin ang mahigit 30 kabataan.

So ano ang nangyari sa ilang oras na yun? 

PURE FUN! Pak na pak yung palaro ni Joleah na dodge ball (ang galing nilang umilag, meron pang nagha-high jump) at the boat is sinking (nauna kami, nauna kami!!!) Tapos nung bigayan na nung t-shirt kanya kanyang sigawan per group at matunog na matunog yung The Karakas nadaan yata sa kulay ng shirt LOL. Bagamat may ilan na hindi nakatanggap ng t-shirt, bumawi naman kami sa pagkain. :D Lahat eh umuwing busog. Pati kami busog din hindi man sa pagkain pero dun sa feeling na nagtagumpay yung unang sabak. Yeah boy!

Maswerte din siguro kami sa mga batang nakasama namin kasi madali silang sumunod at hindi masyadong pasaway. Bonus pa yung mga magagaling bumanat at hataw pumose kapag piktyuran na (hello kay antonette sa gabi :D )



Isa nga lang yata ang hindi natuloy dun sa plano eh, yung inspirational speech ni Joleah. Sayang inabangan ko pa naman.   

After that day, dun ko narealize yung sinasabi ko sa itaas. Madami ngang nangyaring hindi naman kasama sa plano pero in the end maganda pa rin ang kinalabasan. Masasabi ko pa ngang pumabor pa ito sa akin.

1. Kung hindi na-late si Paq, hindi ako maglalakas loob na iapproach sina Joleah, Jaypee at Julianne at makipag-usap sa kanila. Salamat po sa masayang araw at bonding moments natin :) Nice meeting you din po ser JH Alms at Dwayne.


2. Kung hindi nag-inarte si ate crew ng fastfood kung saan bida ang saya, malamang madami sa mga bata doon ang hindi makakakain (20 lang kasi yung plano naming bilhin). 

3. Kung may tao dun sa park na una naming pinuntahan, e di siyempre di namin makikilala yung mga batang very attentive at sobrang taas ng energy. 

4. Kung hindi ako pumunta, paniguradong mas magiging malungkot ako kasi hindi ko makikitang nag-eenjoy at nakangiti yung mga bata. Humbling experience. Mapalad talaga ako na napasama sa unang sabak ng proyektong ito. Salamat po! :D

Isa ring patunay nito ay yung isa sa mga bata nung araw na yun. Malaki yung t-shirt na napapunta sa kanya, kaya naman sinabi ko na makipagpalit na lang siya dun sa maliit ang nakuha. Imbes na sumunod ang sinabi niya sa akin ay ok lang daw na malaki yung size kasi ibibigay niya na lang sa tatay niya. awwww natunaw ako dun.

*************

Sa hinaba-haba ng post ko, gusto ko lang naman sabihin e kung hindi man kayo nakasama sa unang sabak ng proyektong ito, may susunod pa po! :D Maaari pa rin po kayong magbahagi ng panahon, pera at lakas para makatulong sa iba. Kung wala man dyan yung kaya niyong ibigay, sige lang ibigay niyo lang. Basta ang alam ko lang at naniniwala ako na MAY MAGAGAWA KA! :)

Magkita-kita po tayo sa susunod pang mga proyekto. Abangan lamang po ang iba pang updates sa kanilang blog at FB group.

24 comments:

  1. nice project! =) keep up the good work guys

    ReplyDelete
  2. Proud of you Ineng. Wala ako don, at tulo laway ang pagka-inggit ko. Kailangan kasi na matanggal ang mga asin (uric acid) asin lang tawag ko, kaya di umubra ang oras. Sa susunod dapat makasama na ako.

    Kongrats kay PaQ at sa mga nagpasimuno. :)

    May next pa, April or May? Kay Essa naman.

    ReplyDelete
  3. Nakakainlove ka naman. Cheers sa inyong lahat!

    ReplyDelete
  4. @Bon yep maganda talaga yung naisip nilang proyekto. Salamat po. Sana next time, makasali po kayo :D

    ReplyDelete
  5. @J.Kulisap ako din kuya proud sa sarili ko :D Oo next time talaga sumama ka na, para makikipagtakbuhan ka dun sa mga bata, awan ko lang pag hindi napagod si gout.. LOL

    Uwo, sayted na din ako dun kay Essa, makikisit-in ako sa workshop hahahaha

    See you soon :)

    ReplyDelete
  6. ayos everything works together for good nga namn..

    sana sa susunod makasama na ko :)

    Congrats Paq aat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang event na ito.

    ReplyDelete
  7. @akoni wahahahaha kakainlove ba lolo? kowww sali ka sa kasunod ha! tignan natin kung gwapings sa mga kids pag nakasuot sila ng tshirt ni akonilandya :))

    ReplyDelete
  8. maraming salamat sa pagtulong sa amin.. hindi ganun ang tagumpay ng Unang Sabak kung wala kayo.. aasahan namin ang muli mong pagsama sa susunod pang mga proyekto..

    ReplyDelete
  9. @bagotilyo "makakasama ako sa susunod" , yan i-chant mo mula umaga hanggang gabi, pag naman di ka pa napunta awan ko na lang :))))

    ReplyDelete
  10. @JH Alms Congrats po sa project! Wala pong problema, hangga't kaya, maasahan niyo po ang suporta ko :)

    ReplyDelete
  11. Nakakaiyak naman 'tong post mo Bb. Madz! :D Salamat sa suporta at syempre sa iniambag mong lakas at pera. :) Hehe.. Grabe! Ang saya talaga. Sa susunod, sana mas marami pa tayo. :) Rakenrol!

    ReplyDelete
  12. @PaQ Pakiramdam ko e dadami pa tayo, maganda naman kasi yung layunin nung project. :) Rakenrol!

    ReplyDelete
  13. Wiw. *IYAK TAWA* Nakakaiyak yung post ni Ate Mads! Hehe. Nice meeting you te. Next time ulet. Congrats ulet sa BMIM. Hanggang sa muli! ^_^

    ReplyDelete
  14. Tell me next time pra makapagbigay ako sa mga bata.. I hope I can have the same project here. Love you sissy!

    ReplyDelete
  15. @Stariray nice meeting you din joleah :)Buti na lang pinansin mo ko :))

    ReplyDelete
  16. @ImerYousef sige ate inform kita kung kelan ulit kami magkakaron ng ganitong activity. Love you din sis!

    ReplyDelete
  17. awwww... :angel
    nakaka touch naman..
    nakaka inspire...
    nakakahawang maging mabait at giving ^^
    nice!!
    humahanga ako sa inyo lahat ^^

    ReplyDelete
  18. @hana banana salamat po :) actually nadamay lang ako sa kabaitan nila. sana mahawaan din kita na sumuporta sa proyektong ito :)

    ReplyDelete
  19. @superjaid yep, maganda po talaga kaya sana sa susunod makasama ka namin :)

    ReplyDelete
  20. huhuhuhu.... ang saya nio.. sayang di ako nakasama... sa susunod na proyekto nalang ulet... :D Keep it up guys!... :D

    ReplyDelete
  21. @shyvixen yey sasama siya sa susunod ^_^

    ReplyDelete
  22. wow bait bait naman congrats sa project nyo!!

    ReplyDelete
  23. @iya salamat sis! sama ka next time ah! :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design