Thursday, February 9, 2012

Love Story #1

 

Susunduin ka ba niya?

Nino?

Mukhang nanaginip ka pa ah. Hanggang ngayon ba di ka pa rin makapaniwala?

Yeah.

Sus e matagal mo ng pangarap yang bestfriend mo di ba?

Oo nga pala.

Parang hindi ka masaya. May problema ba Janine?

Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na papayag siya…

Loka ka eh di ba nanligaw nga sa’yo yung tao? Naku Janine, be happy ok? Finally, nakuha mo na din yung gusto mo.

Yep. I should be happy . Smile

So susunduin ka nga niya?

Yeah, ayan oh andyan na nga siya. Sabay turo sa sasakyang paparating.

Sige na, mauna na ko sa’yo baka mainggit lang ako sa ka-sweetan niyo.

Hanah, san ka pupunta? Tara, lunch tayo. Sigaw ni Gerrard sa aking kaibigan.

Next time na lang ako sasama.Kailangan niyo ng quality time ni Janine. 

Sabagay. Niyakap ako ni Gerrard mula sa likuran sabay halik sa aking pisngi.

Bye Hanah. Sabay naming paalam sa kanya.

 

 

Tara babe, sakay na.

Pagsakay namin, hinawakan niya ang aking kamay habang nagmamaneho.

Kamusta?

Ayus lang. Kapagod sa work. Toxic.

Anong gusto mong dinner babe? Nakangiti niyang tanong sakin.

Kailangan ba talaga nating gawin to?

Alin?

Ito. Sabay taas ko ng kamay namin na magkahawak.

Kailangan nating masanay Janine. We’re a couple now.

Ngiti na lamang ang iginanti ko sa sinabi niya.

 

 

Pagkatapos ng ilang minuto, ay nakarating na kami sa aming pupuntahan.

Table for two. Gerrard Manalo.

This way sir.

 

Sori na-traffic kami.

Akala ko hindi na kayo darating eh. Buti na lang walang masyadong nagpareserve ngayong gabi, atin pa rin ‘tong spot. Sige  upo na para makaorder na tayo. Ay wait, magpapakuha pa tayo ng extra chair.

Naku kayo na lang, may tatapusin pa ko eh. Kelangan sa work bukas.

Sure ka?

Yep.

Gusto mo ihatid ka muna namin?

Hindi na, kaya ko na.

Sige Janine hindi na kami magpupumilit, ingat ka ha. Sarilinin ko muna ‘tong babe ko.

Yeah. Bye. Enjoy your dinner.

Bago ako umalis ay yumakap ulit sa akin si Gerrard.

Thanks Janine. Akala ko hindi ka papayag magpanggap na gf ko. Don’t worry mag-out din ako, kumukuha lang ako ng tiyempo. I love you bestfriend! Thanks talaga.

I love you din.

Pinilit kong sumagot sa kanya kahit parang may malaking nakabara sa aking lalamunan.

Mahal ko naman talaga siya. Kaya lang…

Nakuha ko nga sa wakas yung gusto ko pero hindi naman sa paraan na pinapangarap ko.

12 comments:

  1. Kaabang abang naman nitong love story, at may hidden agenda ito si Gerrard

    ReplyDelete
  2. Mads may pick-up line ako.

    Araw ka ba?

    Bakit?

    Kasi kahit ang layo mo, ang hot mo pa rin.

    Joke ba ito o totoo. Rbtl.

    ReplyDelete
  3. Nakatunganga lang ako. hahaha tapos biglang pagdating ko sa comments biglang may pick up line hahaha kainaman ka talaga Jkulisap. hahaha

    ReplyDelete
  4. "Nakuha ko nga sa wakas yung gusto ko pero hindi naman sa paraan na pinapangarap ko" <<<nainlove ako rito.

    Malapit na rin akong mag-out kaso wala akong bestfriend na yayakapin at ikikiss eh kaya di muna. hahaha

    ReplyDelete
  5. Winner 'to mars!!! :) Hahaha.

    I love it... Galing mo talaga maghabi ng mga love stories mars.

    You already! :)

    ReplyDelete
  6. ewan ko lang sa pickup line ni jkul. haha!

    see sabi ko sayo hindi ka kinakalawang, masyado ka lang maraming happy thots. aabangan ng rose ang next.

    ReplyDelete
  7. aww. grabe naman to. next na sis madz. nacurious ako sa susunod na mangyayari.

    "Nakuha ko nga sa wakas yung gusto ko pero hindi naman sa paraan na pinapangarap ko" --ang sakit sakit nito.

    ReplyDelete
  8. so sad. sana mali iniisip ko bout gerard. :D
    keep it up :D babalikan ko po ito :D

    ReplyDelete
  9. Eh yun lang! Eh kaya! Tsk tsk. Kawawa naman pala.

    ReplyDelete
  10. "Nakuha ko nga sa wakas yung gusto ko pero hindi naman sa paraan na pinapangarap ko" - tagos hanggang buto... hehehe

    mukang si ano ang talagang gusto nia...
    nakakaexcite..hehe

    ReplyDelete
  11. wwaaahhhh!! I smell paminta! Waaahhh!!!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design