Yieeeee sarap naman isulat nung title nitong post ko, akalain mo yun isang taon na pala yung munting pakulo ko. Ang saya lang. Sarap kumain ng vanilla-flavored ice cream :D
At dahil dyan, sige gawin ulit nating special. Hihingi ako sa inyo ng regalo: isang libro. :D
Hindi po ako nagjojoke, talagang reregaluhan ninyo ako ng libro. Pero hindi kayo gagastos. hahaha Kinabahan ka ba?
So paano mangyayari yun?
Hmmmm...
1. Kunwari may mabait na nagbigay sa'yo ng pera, sabihin nating mga limang daan o kaya isang libo, (at nagbigay talaga ng budget LOL) . Kaya lang sabi niya ang perang yan ay pambili lamang ng libro na gusto mong mabasa at gusto mong ipabasa kay Madz. Anong libro yung bibilhin mo?
2. Kung may idea ka na kung anong libro yun, sige magcomment ka lang sa baba, malay mo masyadong malakas ang hatak ng imagination mo at biglang makatanggap ako ng regalo mo na ibibigay ko din sa'yo :D.
3. Isang comment, isang libro lang po ha. Wag pasaway! :P
4. Muli, bukas lang po ito sa mga blogger na nandito sa Pinas. Saka na po tayo maglelevel-up kapag may budget na :)
5. Wag patagalin ang pag-iisip, hanggang February 24, 2012 (Friday) lang po ang tatanggapin na mga comments. Bumalik na lamang po sa February 27, 2012 para malaman kung ikaw ang napili ni random. org at ipadala dito : hartlesschiq@gmail.com ang inyong mailing address.
Aantayin ko yung mga librong regalo ko ha! :D
Wednesday, February 22, 2012
Pasabook (12)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
zsa-zsa zaturnnah :D wala akong new book na maisip
ReplyDeleteEngkantado ni Domingo Landicho. P298 lang yata iyon. Pwedeng magdagdag ng isa pang libro hehehe.
ReplyDelete-Tong
Catching Fire by Suzanne Collins! hehehe
ReplyDeleteTHE ART OF FIELDING.... Naiintriga ko sa book na to.. hehe, sana makaisa naman dito :)
ReplyDelete-MD
Tuesdays with Morrie by Mitch Albom
ReplyDeleteAngel: A Maximum Ride Novel
ReplyDeleteby James Patterson x
woooot...happy anniversary sa iyong pasabook pakulo...dahil di pa ako nanalo kahit isa lang sa iyong pakulo..eto na:
ReplyDeleteMillennium Series by Stieg Larsson... series talaga hano... :)
Sana manalo ako... :))
Mockingjay by Suzanne Collins! Ito na lang kasi ang hindi ko natatapos sa Hunger Games trilogy! Hehe!
ReplyDeletepasali na rin hehhe
ReplyDeletethe secret of happy ever after by lucy dillon
Stainless longganisa
ReplyDeleteby: bob ong
dear random.org ,
choose me or else??
hahaha...
Bartimaeus (The Ring of Solomon)
ReplyDeleteBy Jonathan Stroud
Hehehe
Happy Anniv PasaBook :D
It Only Hurts When I Pee: RJ Ledesma's Guide to Bodily Gases, Hair Loss and Pink Parts by Rj Ledesma. Obviously. :) Wala lang mukhang kyut 'tong libro na 'to eh.
ReplyDeleteMga Talinhaga sa Laylayan ni Elizabeth Morales Nuncio.
ReplyDeleteMatagal ko nang pinapangarap yang libro na yan :D
gusto kong basahin ang MAGANDA PA ANG DAIGDIG ni Lazaro Francisco.. ;) lalang, trip kong iendorse ang sariling atin.. :D
ReplyDeleteLumayo Ka Nga sa Akin by Bob Ong....
ReplyDeleteyay!!! sana mapili ako!!!! ^_^
>.<
im torn between have a little faith or for one more day. both books are by mitch albom tsk pero sige have a little faith na na lang hehehe
ReplyDeleteAte Madz peram na lang ng AMAPOLA. O kaya yung blue book mo ni Ricky Lee. Hehehe. Ang gulo ko, isa lang nga. Yung Amapola na lang te Madz. :))
ReplyDelete#sanamapili :)
Amapola, yong hilaw na manuskrito niya, o kung hindi kaya, sige na nga, kahit anong Librong Pinoy.
ReplyDeleteTrip to Quiapo na lang pala Mads.
Hehehehe.
he he ... ano pa ba kundi ang libro kong " Bakla Bakla Paano Ka Ginawa ? " at ang soon to be released " Paano Kung Walang Bakla Sa Mundo ? " ... hopefully by June ay mai-release na ... bigyan na lang kita ng complimentary para save ko na ang 1k he he he ... : )
ReplyDeleteAhm.. For One More Day by Mitch Albom.. hehe maganda yun. Kaso kalahati palang nababasa ko. :)
ReplyDeleteSana ako naman mapili! Happy Anniv sa pasabook! :D
The Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom. \m/
ReplyDeleteAmapola (Ricky Lee)
ReplyDeleteay di ako pwede sumali :(
ReplyDeleteLigo Na U, Lapit Na Me ― Eros S. Atalia,
ReplyDeletesna palarin...hehe
the book thief by markus zusak
ReplyDeletenung nabasa ko 'yung blurb niya, parang gustung-gusto ko talaga siyang hablutin sa book stand at bayaran sa cashier. kaso andami ko pa talagang pending na kelangang basahin. pfft.
congrats sa pasabook na 'to, madz. 'yung totoo? natutuwa ako sa pakulo mo kasi pinapalawig nito 'yung pagkahilig ng mga tao sa pagbabasa.
dahil naniniwala akong people who read are people who lead.
i thank you! XD