Kung pwede lang akong bigyan ng grade para sa mga ginawa ko para lang makapagregister sa Milo Marathon para sa July malamang bibigyan ako ng mga organizer ng A+.
Una, bumili pa ako sa suking tindahan ng 220g na pack na produkto kasi ayon sa website, ito ang kailangang dalhin. Todo transfer pa ko ng laman nito sa garapon na hindi ko alam kung kelan mauubos kasi madalang na akong uminom nito. Tapos pagdating dun sa registration site eh may nakita ako na mga pakete na 1kilo tapos yung sachet na pang isang serving lang na pinagsama-sama. Nakakaloko lang. E di sana namulot na lang ako dun sa canteen na kinakainan ko kung nalaman ko lang agad na pwede pala yun.
Pangalawa, niresearch ko pa yung mga contact number ng mga registration site, sobrang limited lang kasi kaya kelangan itanong from time to time kung may available pa ba na slot para dun sa napili kong takbuhan, kasi baka mamaya pumunta nga ako tapos wala na naman pala (na nangyari sa akin sa Trinoma nung Wednesday).
Pangatlo, iniwan ko yung boss ko para dito. Oo, iniwan ko talaga, Kasi after ng training namin sa bagong opis, kinausap pa siya ng boss niya. E ang tagal, kaya ang ginawa ko, tinext ko na lang na nauna na ko kasi nga magpaparegister pa ko. Buti na lang mabait talaga si boss. :D
Pang-apat, inabala ko pa yung opismate/housemate/bff ko na samahan ako papuntang MOA galing sa opis kahit na iika-ika na siya at di makalingon dahil merong stiff neck. Tsuri talaga!
At pang lima, tinanggal ko talaga ng hiya ko at nakipagmatigasan ng mukha dun sa mga ateng na nagdidistribute ng race packet. Ganito kasi yun, after training akyat na kami ni bff sa MRT para mabilis ang byahe. Maagap naman kaming nakarating sa MOA, siguro mga 7pm (ang sched ng registration dun sa Toby's ay 12pm-8pm), Ang problema lang dahil hindi naman ako palaging nagpupunta dun, linsyak nagpaikot-ikot pa kami dun para lang hanapin yung store. Yung mga guard kasi na napagtanungan namin, iba-iba ang direksyon na sinasabi. So confusing!
So ayun na nga, sa huli eh nakita ko din siya at daliang humingi ng reg form kay ate. Tanda ko, wala pang 7:30 nun. Pero sabi nila close na daw, bumalik na lang ako bukas. WTF! Pagkatapos ng lahat-lahat, eh pababalikin lang nila ako! Nakiusap ako sa kanila, na kesyo ate galing pa ko Antipolo baka pwede namang mapagbigyan. Pero ayaw talaga, yun na lang daw may mga number ang ieentertain. E desperado na ko nun kasi, yun na lang yung chance ko para magregister.
Ang ginawa ko, lumapit ako dun sa isang may number, nakiusap ako kung pwedeng isabay yung sakin. Swerte, hindi daw marunong gumamit si kuya nung machine, kaya nag offer akong ako na lang ang maglalagay. In exchange, share kami sa number niya. Pumayag naman si kuya Edward. Yey!
Nung nagiinput na ko ng details, bigla akong tinanong nung isang ateng,asan daw number ko. Todo flash naman ako kasi nga inentrust na sakin ni kuya ang kanyang future lol. Maya-maya umiimik na ng mahina sino daw kayang nagbigay ng number sakin tapos nakasimangot na silang dalawa. Kinabahan ako kasi baka patigilin ako, pero diretso lang ako kunwari di ko naririnig at di ko nakikita na masama na ang tingin nila sa akin. Natapos ako sa pagrereg, at ibibigay ko na yung form kay isang ateng. Tinarayan ba naman ako sabay sabing, 'teka lang, madami pa 'tong nilalagay ko'. Deadma lang. Nginitian ko lang siya at naghintay hanggang kunin niya at ibigay yung singlet namin. Nagpasalamat na lang ako pagkabigay. Nginitian ko ulit., yung apologetic syempre.
Hindi ako proud sa ginawa ko, swear. Pero andyan na, may bib at singlet na ko (yey!). Pasensya na lang kina ateng na nabwisit sa'kin. Salamat siyempre kina kuya Edward at bff na tumulong para makapasok ako sa race. Para sa inyo yung takbo ko. :D
Sa mga kakilala at iba pang sasali, see yah! Takbuhan na! :D