Kapag umuuwi ako galing sa lakad, ito ang madalas kong marinig sa mga kasama ko sa bahay.Siyempre ang lagi kong sagot ay 'hindi kaya' o kaya naman yung expression ng mukha na nagsasabi ng 'ngiiiii' (hindi ko maexplain, sorry naman). Tapos susundan pa ng tanong na sinong kasama mo, ilan kayong lumabas etsetera etsetera. Sagutin ko man lahat basta nalaman nilang may lalaki sa kasama ko, isa lang ang conclusion nila: nakipag-date ako.
Monday, March 11, 2013
Nakipag-date ka no
Friday, March 1, 2013
Project Smile 2013
Sa darating na ika-23 ng Marso taong kasalukuyan ay magdaraos ng isang proyekto ang Isang Minutong Smile para sa mga kabataan ng Alay Pag-Asa Foundation. Hangarin ng proyektong ito na makatulong sa pagbibigay ng maayos at delikadidad na edukasyon sa mga batang walang pangtustos para dito.
Kaya naman po humihingi kami ng suporta mula sa inyo na sana’y maging kaisa din namin kayo sa hangaring ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libro na pupuno sa silid-aklatan na inihahanda ng foundation, matututo at mahihilig ang mga bata sa pagbabasa. Makakatulong din tayo sa paghubog di lamang sa intelektual na aspeto kundi pati na rin sa karakter ng isang bata mula sa mga librong ibabahagi natin na kapupulutan ng aral.
Bukod po sa mga aklat ay maaari din tayong magbigay ng mga kagamitan sa paaralan katulad ng:
1. Lapis
2. Papel
3. Pambura
4. Kwaderno
5. Pangkulay (Crayons)
6. Panukat (Ruler) atbp.
Suportahan po natin ang proyekto ng Isang Minutong Smile at bigyang ngiti ang mga kabataang nagnanais matuto at maging katulad natin na nagsusumikap marating ang mga pangarap.
Para po sa mga nais tumulong maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Maridel Mangaron – hartlesschiq@gmail.com
Zyra Bambico – blessedzyra@gmail.com
O kaya naman ay sa opisyal na pahina ng Isang Minutong Smile.
Maraming Salamat po!
Saturday, February 16, 2013
Solo in SG
Last weekend ay natuloy din ang gala na matagal kong pinag-isipan kung ipupush through ba o hindi. Matutuloy, kasi sayang naman ang pamasahe at ito yung dream trip namin ko nung 2012 o hindi, dahil mag-isa lang akong pupunta. Halos ilang buwan ko ding pinag-isipan ‘to. Tapos lalo pang lumamang yung hindi kasi wala kaming bonus. Dun pa naman nakaasa yung pocket money ko para sa trip na ito. So mga January, sabi ko ‘ Madz, siguro next time na lang. Magbook na lang ulit.’ :(
Pero ewan ko ba, ganun lang siguro ako kamahal ni Lord. Come February, bigla na lang may dumating na blessing at presto hindi na ko mamumulubi. Ask and you shall receive talaga ang nangyari. Sobrang thankful!
Bago pa man ako makalabas ng bansa, isa sa kinatatakutan ko e yung sa Immigration. Marami kasing nagsasabi at nababasa ko din sa mga forum na mahigpit daw lalo na kung babae at mag-isa lang. Pero ayun, bukod sa kung tourist o working e wala na siyang ibang tinanong at dire-diretso na kong nakapasok sa loob. Maya-maya lang, hello Singapore na!
Naging maulan yung duration ng stay ko doon pero di rin naman ako napigilan nito. Marami pa rin naman akong nagawa katulad ng:
1. Ma-access lahat ng MRT lines.
-Kulang na lang dun ako tumira kasi paikot-ikot lang ako dun. Haha Sana pala ang binili ko na lang yung tourist pass para unlimited sa MRT ride tsaka sa bus. :P (Nagpplay sa utak ko yung sound effect kapag nagsasara yung pinto)
2. Makasakay sa bus.
– isang beses lang naman pero alert na alert ako kasi dito walang pasaway. Sa designated bus stop ka talaga nila ibababa.
3. Makita in the flesh si Merlion .
-Yun nga lang walang evidence. Hindi ko din alam kung bakit di ako nakapagpapicture.
4. Tumira sa isang hostel.
- Para ka lang nakatira sa boarding house nito. Yun nga lang iba’t ibang lahi at iba’t ibang amoy din. LOL
5. Meet new friends.
– saktong pagdating ko doon ay may meet up ang CS SG group para salubungin ang Chinese New Year. Masaya naman, nakakapagod lang yung mahabang lakaran. Magrereklamo na sana ako buti na lang nilibre nila ko ng food. Natikman ko yung satay ba yun. Parang barbeque din, may variety lang (mutton,beef, pork and chicken) tapos i-didip sa sauce.
6. Makatikim ng SG food – bukod dun sa satay ay natikman ko din ang chicken rice pati yung kaya toast. Nakita ko din yung kachang kaya lang di ako natempt bumili kasi parang halu-halo slash snow ball lang ang datingan. Di rin ako mahilig sa crabs so it’s a no-no to chili crabs. Ang gusto ko sana mai-try yung ice cream na 1$. Madami kasi nagsasabi masarap daw yun.
7. Art Science Museum – Namangha talaga ako dun sa lego. Grabe ang galing galing niya! Tapos yun ding tungkol sa photography maganda din. Sulit yung bayad ko dito. :D
8. DIY Walking tour – Nakakagana maglakad sa SG, halos magkakalapit din lang kasi yung attractions and feeling ko kahit late na at mag-isa lang ako hindi ako madidisgrasya dun.
9. Nakapunta sa Universal Studios. – Finally, check na check na talaga yung sa bucket list ko na makasakay sa roller coaster! :D Thanks nga pala kay Arvin (archieviner sa twitter) at sa family niya kasi sila yung nakasama ko sa USS.
10. Meet SG Blogger
Bukod diyan e may mga FAIL moments din naman ako katulad ng maiwan ang passport sa money changer at muntik nang maitapon yung disembarkment form. Pero natabunan na siya nung saya ko during this trip. Kumbaga, bawing bawi na! Sana makabalik ulit ako dito sa SG dahil marami pa kong gustong puntahan. At sana please lang di na umuulan. Hehe
Next year plano ko naman ay Vietnam-Cambodia-Thailand trip.Wish ko maging ganito din kasaya. :D












