Pages

Wednesday, May 26, 2010

Linger

Dahil wala pa po akong maipost na kwento ngayong araw na ito, (medyoLink natuyo ata ang utak ko) share ko lang..hahahaha

History: Bumibirit po ang isang blogger (GasolineDude) sa kanyang bahay, kaya naman naengganyo akong itry ang app na ginamit nia over the net (singsnap). Medyo nahirapan din ako bago maging success ang aking misyon dahil maraming restricted churva sa aking pc. Kaya naman one day ng may umabsent sa IT dept., gora agad ang lola niyo sa kanilang pwesto at bumirit na parang siya lang ang tao. Maririnig niyo siguro ang mga usapan sa likuran, pero wala na akong magagawa. THIS IS MY ONLY CHANCE at kailangan ko nang magmaganda!! LOL Feel free to comment , pag hindi ako nagreply ibig sabihin lumubog na ako sa kinatatayuan ko...hahaha ENJOY!!!

Tuesday, May 25, 2010

Monday, May 24, 2010

Practice Mode

“Gwen, konting tiis na lang malapit na”

“E masakit na nga. Ano ba naman kasi naisipan mo at sa akin pa?”

“E kanino? Alam mo namang first time ko’to, nakakahiya kung sa iba ko gagawin baka pagtawanan ako”

“Sus ba’t ka naman pagtatawanan, ok naman ah. Parang expert nga eh! Medyo mahaba pero swak na swak”

“Sure yun ha?”

Kakatok na sana ako sa pinto ni Gwen nang marinig ko ang kanilang usapan. Aba, malandi itong si Gwen may boyfriend na pala hindi man lang nagkukwento sa amin ni Harold at mukhang may ginagawa pang kababalaghan. Aalis na sana ako, nang marinig ko ang aking pangalan.

“Oo, swak nga sabi. Naku sige na tapusin na natin ‘to baka maabutan pa tayo ni Mica”

Nacurious ako, kung sino ang kasama ni Gwen sa loob. Kilala niya ako at parang pamilyar din ang kanyang boses. Kaya naman idinikit ko pa ang aking mga tenga sa pinto para maging mas malinaw sa akin ang kanilang usapan.

“O sige, steady ka lang, tsaka mamaya pa yun, tinext ako kanina may make-up class daw sila. O eto na…”

“ARAY! Dahan-dahanin mo naman , masakit sabi”

“Huwag mo naman ako, ipressure, pinagpapawisan na ko sa ginagawa mo eh.”

“Parang bang ako hindi pinagpapawisan dito noh. Walang hiya kasi ako pa pinagpraktisan”

&%$#@* si Harold ang nasa loob! Mga walanghiya, pinagtataksilan ako! Akala ko pa naman mahal na mahal ako ni Harold tapos bibigay lang siya kay Gwen. Mga Taksil!


“Naiintindihan mo naman ako diba? Ayoko lang kabahan kapag ginawa ko na ‘to kay Mica. Teka lalagyan ko na pampapadulas”

“Yuck! Bakit naman chocolate syrup pa nilagay mo, ang lagkit!”

“Ang arte naman neto, e yun lang nakita ko sa ref niyo eh. Tsaka dilaan mo na lang mamaya para libre hugas na. hahaha”

“Sira ulo. Sige na bilisan mo na lang pagtanggal. Dami mo pa sinasabi”

“Napakasungit mo naman. Palibhasa first time mo…matandang dalaga…hahaha”
“Gago, bakit ikaw din naman ah”

“Oo na first time natin pareho. O wag ka ng magulo huhugutin ko na. Pumikit ka na lang para hindi mo masyado maramdaman”

“Bakit naman kasi pinapapabalik balik mo pa, tapusin mo na nga”

“E para umepekto yung pampapadulas kaya ko ginagawa yun”

“Shit shit shit..ang sakit...AAAAAH!

Kasabay ng pagsigaw ni Gwen ay ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha. Pinilit kong pigilan ang aking paghikbi upang hindi nila mamalayan na pinakikinggan ko ang kanilang usapan. Kaya pala nitong mga nakaraang araw, hindi ko mapaghiwalay ang dalawa at matagal hindi nagpakita Harold. Never akong nagtanong kasi baka bumisita lang siya sa family niya sa Bohol, at isa pa matagal na silang magkabarkada ni Gwen. Pero bakit kailangang sila pa? Parang kapatid na rin ang turing ko kay Gwen, tapos siya lang pala ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin ni Harold. Kung kelan mahal na mahal ko na siya. Kahit masakit, pinakinggan ko pa rin sila, gusto kong marinig lahat-lahat.

“OA ka naman Gwen nahugot ko na, late reaction ka”

“Gusto mong sapakin kita? E sa masakit nga. Di ka na makakaulit”

“Teka lang, di ba pumayag ka na isa pa? Dali na Gwen pagbigyan mo na ko”

At talagang gusto pang umiskor ng isa ni Harold. @#$%!& niya, hindi na ba talaga siya makapaghintay. Akala ko pa naman matino siya, na ginagalang niya ang desisyon ko. Yun pala kaya hindi na siya nagrereklamo, may kinakalantari na siyang iba.


“Pwede naman kasing hindi na lang ipasok, wala namang pinagkaiba yun”

“Siyempre iba yung feel na feel mo. Bestfriend naman kita e, dali na. Kahit lumuhod pa ko sa’yo dito”

“Wow ang arte ng walanghiya, sige sige pero sa kabila mo na lang ipasok, tinorture mo yung ‘tong isa eh. Siguraduhin mo lang na malaki ang ibabayad mo sakin dito.”

“Haha mukhang pera, parang hindi kaibigan. Pero sige name your price, kung hindi lang para sa future naming ni Mica ‘to di ako papayag”

“Yan ang gusto ko sa’yo eh, hindi ka mahirap kausap.O siya simulan mo na ulet. Pero punasan mo muna yan. May syrup pa eh talagang malagkit ang feeling. Talaga bang kailangang lumuhod pa?”

“Oo naman para tunay na tunay ang dating”

“Hahaha ayun oh kinakabahan na sa pagdating ni Mica”

“Huwag mo nga akong pinapakaba pa lalo. Huwag ka ng maingay. Sisimulan ko na”

Ayoko ng makinig pa sa kanila. Parang tinarakan ako ng matalim na bagay sa aking dibdib at hindi ko na kaya pang huminga. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at mangiyak-ngiyak sa aking nasaksihan. Nakita ako ni Gwen sa aking pagpasok, ngunit sinenyasan ko siya na huwag ipaalam na andun ako.


“Mica, alam kong nagtataka ka kung bakit matagal akong hindi nagpakita sa’yo. Sinadya ko yun, dahil gusto kong maging sigurado sa aking desisyon . Sa mga nakalipas na araw,kahit wala ka sa tabi ko alam mo bang nakasama rin kita? Nakasama kita sa bawat gabi, sa aking mga panaginip. Ayoko ng magising sa bawat panaginip na iyon. Ang bawat pangyayari sa panaginip kong iyon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan. Hindi ko maintindihan kung bakit pati pag-aaway at pagtatampuhan na eksena ay pinapangarap ko.

Dumating ang araw na ayoko ng makita ang mga panaginip kong iyon. Hindi dahil sa hindi na kita mahal Mica, pero dahil ayoko ng mabuhay sa mga panaginip na iyon. Gusto kong sabay nating gawing katotohanan ang lahat. Ngayon, sigurado akong hindi ko kakayanin na mawala ka. Isipin pa lang na hindi ikaw ang una kong masisilayan sa aking paggising at huling makikita sa pagpikit ng aking mga mata sa gabi, parang gusto ko na lang habambuhay na mahimbing. Mahal na mahal kita Mica. Will you marry me?”

Parang nabarahan ang aking lalamunan, habang pinapanuod siyang isuot ang singsing sa daliri ni Gwen. Parang automatic na nabura lahat ang mga naisip ko kanina pati ang sakit na naging dulot nito sa akin.Gusto ko sanang agawin ang singsing kay Gwen at isuot sa aking mga daliri. Pero alam ko, hindi na mahalaga yon. Walang singsing ang pwedeng pumantay sa pagmamahalan naming dalawa. Hindi pa rin ako makaimik habang papalapit ako sa kanya. Nagulat siya at namula ng mapansin niyang nandun ako. Bago pa siya makaimik niyakap ko na si Harold ng mahigpit at bumulong:

“Yes Harold, I will marry you.”

Wednesday, May 19, 2010

Hanggang Dito na Lang

“Good evening po tita”


“Ano lasing na naman ba?”


“Opo tita, tinawagan po ako nung kasama niya”


“Sige iakyat mo na sa taas. Salamat Paolo ha, naabala ka pa.”


“Ok lang po yun. Sige po tita akyat na po ako”


“Sige iho”


Nakatitig ako sa’yo habang humahakbang ako sa hagdan paakyat. Napakalaki na ng pinagbago mo samantalang dalawang buwan pa lang ang nakakalipas. Kumupis ang iyong mukha at malalim na rin ang itim sa ilalim ng iyong mga mata. Nawala na ang ngiti na madalas makita ko sa’yo noon. Napalitan ng lungkot, lungkot na hindi ko alam kung paano ko maaalis.


Unti-unti kitang inihiga sa iyong kama. Napakagaan mo, para kang papel na konting hangin lang ay malilipad na. Tinanggal ko ang iyong sapatos at medyas, iniayos ang iyong pagkakahiga. Matagal din kitang pinagmamasdan nang maalimpungatan ka.


“O, bat andito ka?”


“Lasing ka Jade, hinatid lang kita”


“Wow, dapat pala lagi nalang akong maglasing para lagi pa rin kitang makasama”


“Jade, dalawang buwan na ang nakalipas.”


“Yun na nga e, dalawang buwan na pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Hindi siya mawala.”


“Kaya ba umiinom ka para makalimot? Jade, tanggapin mo na kasi na wala na. Tapos na ang lahat.”


“Sa’yo lang naman tapos e. Sa akin, hindi pa.”


Bigla kang bumangon at aktong tatanggalin ang iyong damit. Mabilis akong tumalikod at parang napahiya sa iyong ginawa.


“Nahihiya ka na ngayon? Samantalang dati..”


“Jade, magpahinga ka na”


“Bakit ayaw mong sabihin ko? Tayo lang dalawa ang nandito parang katulad ng dati. Ibinigay ko sa’yo ang lahat, bakit kulang pa rin? Panget na ba ako sa paningin mo ngayon? Mataba na ba ako? May ayaw ka na ba sa mukha o katawan ko? Sabihin mo lang, babaguhin ko lahat”


“Wala kang pinagbago, ikaw pa rin yung Jade na nakilala ko. Maganda sa panlabas at panloob”


“Yun naman pala, anong problema?”


“May mga bagay lang na hindi natin nababago, yung hindi natin macontrol. Basta na lang natin nararamdaman at gumagawa tayo ng mga desisyon kahit nakakasakit tayo ng iba.”


“That’s bullshit! Ang sabihin mo nakahanap ka na lang ng iba. Pinagpalit mo na ko.”


Hindi na ako umimik. Pinakiramdaman ko na lang kung nakahiga na siya bago ko siya harapin. Kita ko sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman niya pero wala akong magawa. Nangyari na ang nangyari, wala akong kapangyarihan para ibalik ang lahat, para muli siyang sumaya. Gusto kong sisihin ang akin sarili. Bakit ba hinayaan kong maging ganito. Pero alam ko useless din, andyan na siya. Nakahiga at langong lango sa alak. Umupo na ako sa kanyang tabi, inaayos ang kanyang buhok.


“Jade, aalis na ako. Sana maging ok ka na. Ayokong makita ka na ganito dahil kung nasasaktan ka mas nasasaktan ako sa nangyayari sa’yo. Hindi ko kayang maging tulad tayo ng dati, ayokong masaktan si Dianne. Magiging kumplikado lang ang lahat. Pero hangga’t makakaya ko, aakayin pa rin kita. Bubuhatin hanggang masigurado na safe ka at bumalik sa dati mong sigla. Mahal na mahal kita Jade.. mahal na mahal..”


Tumayo na ako. Nagsimulang maglakad palabas ng pinto.


“Mahal din kita Carl. Sobra.”


Isinara ko na ang pinto at muling sumulyap sa iyong kwarto habang ako’y pababa sa hagdan. Alam ko matatagalan bago mo siya makalimutan. Alam ko dahil hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong kalimutan ka.

Thursday, May 13, 2010

Para sa mga %^$#@#$% sa Mundo

" O bat nandito ka na naman? May problema?"

"Gusto ko siyang makita.."

"Sino naman? Artista ba yan, politician o anime character"

"Seryoso naman ako"

"Yun na nga eh seryoso ka na naman, hulaan ko si Mark na naman yan ano?"

"May iba pa ba?"

"O bakit naman gusto mong makita yung *#@!^=% na yun?"

"Wala gusto ko lang ng closure.."


"PAMBIHIRA, hindi na nga nagparamdam after ibreak mo sa text tapos nagka gf agad. Hindi pa ba yun closure sa'yo?

" Eh kaya naman hindi na nagparamdam yun kasi sabi ko nung tinext ko siya wag nang magreply"

"Ikaw, hindi ko alam sa'yo kung tanga ka o tanga ka. Sino ba namang matinong lalaki ang susunod sa sinabi mo? %#@+!$^& tatlong taon kayo tapos pumayag lang makipagbreak sa'yo sa text? Wala lang talagang bayag yung #$%@&*!# yun kaya hindi masabi sa'yo na nakahanap na siya ng iba"

"Oi sobra ka, ok naman siya nung kami pa e. Kahit nga ikaw bumilib dun di ba?"

"Haller, di kaya siya perfect! Tsaka pakisampal naman ako kung may nakilala ka ng tao na hindi nakakagawa ng masama kahit gaano pa kabait. My dear, tanggapin mo na kasi na hindi na kayo magkakabalikan. At ewan ko naman sa'yo kapag bumalik ka pa dun, spell desperada na talaga."

"Hindi naman ako makikipagbalikan sa kanya e, gusto ko lang na masigurado sa sarili ko na wala na kong nararamdaman sa kanya. Alam mo yun, yung kapag nakita ko siya, wala lang, nakita ko lang siya."

"Hambalusin kaya kita ng magising ka!! E ano, kung makita mo siya? Magbabago ba ang ikot ng mundo at magsosorry siya dahil sa kagaguhan niya? Girl akala ko ba ok ka na? Sino na naman bang magaling ang nakausap mo?"

"Nagkainuman kasi kami kagabi sa dorm, ayun napag usapan na naman."

"Sabi ko na nga ba e, kasi naman ang hilig makinig sa mga inggitero't inggitera. Insecure yung mga yun kasi masaya ka ngayon sa status mo. Palibhasa ang gusto yata e palaging may pinaglalambitinan. O eto itatanong ko sa'yo, pa'no pag hindi kayo nagkita hanggang sa pumanaw na yung #$%&@! yun? Magpapakalosyang ka? "

"Siyempre hindi, hindi lang siya ang lalaki sa mundo."

"Exactly my point. Huwag mo munang problemahin ang mga bagay na hindi pa dumadating kasi mapupuno lang ng takot yang puso mo. Enjoyin mo lang ang life mo araw-araw, kahit na maraming #$^@*! sa mundo."

"Parang ganun kadali noh?"

"Kasi yun ang iniisip mo, na mahirap. Nasa utak lang naman yan eh. Oo, hindi naman maikakaila na minahal mo yung $#@^&% na yun. Pero past na yun, I mean my place na siya sa puso mo, hayaan mo naman yung iba na makapasok diyan. Paano ka makakattract ng possible candidate for bf position kung navivibes nila na hindi ka pa ready? At tsaka kung feel mo naman maging matandang dalaga forever and ever, e di go lang! Malay mo dun ka mas magiging masaya"

"Haha patawa ka talaga. Ewan ko ba napapaisip lang naman ako kapag may nag-uungkat nun. Inggit nga siguro."

"Tignan mo nga ako"

"Nakatingin naman ako ah!"

"O di sige titigan mo ko sa mata. Ngayon, sino nakikita mo?"

"AKO"

"Masaya ka ba ngayon? Kahit wala kang boyfriend?"

"Oo naman. Marami akong nadidiscover sa sarili ko. Maraming nakikilala"

"May nagpaparamdam ba sa'yo ngayon or nanliligaw na?"

"Meron. Pero date date lang. Nag eenjoy ako ngayon."

"Naaalala mo pa ba siya?"

"Mas madalas ang hindi"

"Pwedeng favor?"

"Ano yun?"

"Pakilala mo nga sa'kin yung mahilig mag-ungkat niyang first love mo. Dyombagin ko lang ng slight!"

"Sira, hindi na kelangan noh. Nagets ko na"

"Ok ka na?"

"Oo"

"Ay siya, labas na! Kanina pa nangangatok ate mo, naparami yata kain kanina"

"Salamat ha"

"Wala yun, alam ko naman babalik ka pa ulit!"

"Oo na...ikaw na..ikaw na"

"Favor ulit pwede?"

"Ano na naman?"

"Pwedeng magsuklay ka? Pumapangit ako e! Baka lalong ma-zero lovelife natin niyan sa itsura mo.."

Sunday, May 9, 2010

Grazie Mille!!

Ngayon araw na ito marami akong gustong pasalamatan. Pinangungunahan ko na kayo hindi ako endorser, masyado lang silang naging mahalaga para sa akin sa loob ng 23 yrs. (di ako sure). Kumbaga kung wala sila, hindi rin ako makakapagsulat sa blog na ito. Simulan natin ang listahan:



1. Airmail envelope - salamat sa border mo sa tagiliran, naipapadala ng tita ko ang nais niyang ibalita sa aking mama kung ano na ang nangyayari sa amin ni ate sa Italy. Dahil sa'yo napapawi ang lungkot ng mama ko kasi kalakip ng mga sulat na iyon ay litrato namin. Ikaw ba naman makakita ng magagandang nilalang pag hindi ka natuwa..LOL

2. Post Office (kasama ang mga empleyado) - Salamat dahil hindi naliligaw ang aming sulat at walang ibang nakakalaam ng laman nito maliban sa amin (baka kasi kunin picture ko :P )

3. Polaroid - Salamat dahil maganda yung mga litratong natatanggap namin kay mama at siyempre salamat sa bulsa sa likod kapag nadevelop ang litrato mo.. nasisingitan ni mama ng pera kapag nagpapadala (yun naman talaga ang totoong reason ng pagpapasalamat na 'to :D)

4. SPEED - papaliwanag ko pa ba?? Dito kasi nagpapadala si mama ng pang allowance sa bahay, mga ilang taon din yun.

5- PLDT at DIGITEL - Salamat dahil kahit mahal ang binayaran namin sa internet nung nagpakabit kami sa inyo, naging tulay pa rin kayo upang palaging may update kami nila mama sa isa't isa. Kahit pa noon hindi ko masyadong kinakausap si mama, malaki rin naitulong niyo kasi atleast alam namin na safe ang bawat isa.

6. Goldilocks- Salamat sa mga cake na ibinenta mo sa amin tuwing may handaan lalo na noong 7th birthday ko. Hindi ko makakalimutan yung araw na 'yun kasi si Mama pa yung umorder sa inyo from Italy ng cake ko.. HOW SWEET!!

7. Magnolia Pinipig - Salamat sa'yo kasi nakakapagbonding kami ng mama ko lalo na nung nagstay na siya dito sa Pilipinas. Good to know na may similarities pala kami ng mama ko sa pagkain. hehe

8. Sacred Heart College (Lucena City) - Salamat sa retreat na ibinigay niyo sa amin. Dito ko unang nareceive ang sulat galing kay mama na para sa akin lang talaga. Hanggang ngayon nakatago pa rin sa akin iyon. Naiyak kaya ako dito.

9. Jollibee - Hindi ko matandaan kung anong taon ito. Pero ito ang pinakaunang beses na lumabas kami nila mama at ate nung mother's day. Sobrang saya ko nito kasi nagbonding kaming tatlo. Ang mama kasi tamad lumabas lalo na pag may okasyon, nakokornihan siya.

10. Manasa Resort (Tayabas, Quezon) - Dito daw ako naghysterical nung nagbreak kami ng boyfriend ko. Although may ibang nangyari dito na hindi maganda, naramdaman ko parin ang pag alalay ni mama sa akin kahit hindi niya masabi.

11. MMG Hospital - SALAMAT!

12. Globe Telecom - Salamat kasi nauso sa inyo ang roaming, kahit pa 15 ang text, ok lang masabi ko lang sa mama ko na namimiss ko na siya.

13. Yahoo Messenger at Skype (ngayon) - Salamat sa voice chat at webcam capabilities niyo. Atleast kahit bumalik na si mama sa Italy, nakikita at nakakausap ko pa rin siya.

14. Lucena City - salamat kasi sa loob ng halos 12 years, nagkasama kami ng mama ko yung hindi panandalian lang kungdi yung sa pag gising at pagtulog ko araw-araw alam kong andiyan siya.

15. At pinakahuli kong pasasalamatan ay ang nag-iisa at ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko, ang aking MAMA. Gusto kong sa susunod na Mother's Day tanging 14 at 15 na lang ang pasasalamatan ko. Hindi ko maisulat kung anong gusto kong sabihin sa iyo. Alam kong marami akong naging pagkukulang bilang anak. Pero babawi ako mama, bumalik ka na at..Miss na kasi kita. Gusto kong marinig mo mula sa kin ang mga gusto kong iparating, yung andito ka sa harap ko, yung mayayakap kita. Miss na miss na kita Mama. Sa ngayon, magttyaga muna ako sa YM o Skype, dahil alam ko kailangan mo ng panahon. I Love you Mama... Happy Mother's Day!



Saturday, May 8, 2010

Hanggang Kailan

"ang ganda niya noh"


(Oo ang ganda mong titigan)
"yeah, cute siya"

"CUTE? Ano ba namang description yan, diyosa nga e!"

(ako kaya, anong itsura ko kapag tinitignan mo 'ko?)
"Sige, sabi mo e. Sabagay kulang na nga lang alayan mo ng bulaklak e"

"Uy selos naman si bestfriend. Wag ka mag-alala kahit maging gf ko 'yan ikaw pa rin no. 1 girl ko!"

(Number 1 nga pero kaibigan lang..)
"Dapat lang aba ilan na inilakad ko sayong babae na naging gf mo. Dugo't pawis ko yan, lahat naman walang nagtagal"

"E bes ano magagawa ko, wala sa kanila yung hinahanap ko. Walang spark, walang magic."

(Wala rin bang spark at magic kapag magkasama tayo?)
"Sus may spark at magic ka pang nalalaman. Alam ko naman na YUN lang habol mo dun sa mga naging gf mo"

"Hoy miss sobra ka naman. Oo nga nag-eenjoy ako DUN walang duda, pero alam mo yun hanggang dun lang e, hindi ko madala hanggang next level. Wala e, may kulang"

(Kaya kong punan yun, pansinin mo lang ako)
"Masyado kasing mataas ang standard mo eh, akala mo naman perfect ka"

"Ang perfect mo kasi e, wala akong mahanap na katulad mo. Alangang ikaw di ba, bestfriend kaya kita"

(Ok na sana kaya lang kelangan bang i-emphasize na magkaibigan lang talaga)
"O bat naman ako napasali diyan. Wala ka ng mahahanap na tulad ko kaya humanap ka na ng di perfect na girl..haha"

"Wow ang kapal din nitong isang 'to. May mahahanap din ako, siyempre tutulungan mo ko di ba?"

(Bat kasi naghahanap ka pa?)
"Ay ano pa. Yun naman ang papel ko sa'yo eh. Dakilang tulay"

"haha... grabe ka bes, nag-eenjoy ka din naman di ba? Alam ko namang pareho tayo ng tipo. JOKE"

(ARAY!)
"Tadew ka ah. Di ako tibo!Batukan kita diyan nakita mo."

"Joke nga lang. Bat kasi hanggang ngayon wala kapang bf. Aba simula ng magkakilala tayo wala ka pang pinapakilala sa akin ah!"

(Paano simula ng magkakilala tayo ikaw na lang ang inukutan ng mundo ko)
"Akala mo lang yun, hindi ko lang pinapakilala sa'yo"

"Ows? Imposible naman, eh hindi na nga tayo naghihiwalay eh. Paanong makakalusot sa akin yun? Ang sabihin mo maselan ka lang masyado, pareho lang pala tayo e"

(Hindi ako maselan. Nakita ko na kasi yung gusto ko)
"Hindi yun dun. Basta."

" Best tayo na lang kaya?"

(Shit sabihin mong seryoso ka..)
"Kalokohan mo."

" O bat ayaw mo? Ayaw mo nun parehong perfect magkakatuluyan. hahahaha Swerte mo sa'kin pag nagkataon. Ganda mo talaga, tayo na lang kasi. Huwag ka ng maselan, mamahalin naman kita...hahahaha Joke lang best ha, baka mapikon ka"

(Swerte ko talaga pag nangyari yun. Oo nga sana tayo na lang)
"Ang kapal mo talaga! Tigilan mo na nga yan. Alam ko naman kung bakit ka naglalambing eh. Magpapalakad ka na naman"

"Kilalang kilala mo talaga 'ko bes. Ano lalakad mo na ko kay Lisa niyan? Ka-org mo naman yun di ba?"

(Sasaktan mo na naman ako...)
"Di naman ako makatanggi sa'yo eh..Sige sige ako bahala."

"AYUN!! Lakas ko talaga sa'yo kaya ba ikaw number one na babae sa buhay ko e! Excited na ko!"

(Ako hindi excited na masaktan ulit..)
"Diyan ka na nga. May klase pa ko e. Libre mo ko ulit ng pinipig kapag napasagot mo na si Lisa ha? Sige maya na lang ulet sa tambayan. Bye!"

"Bye" (I Love you.. Kelan mo kaya mapapansing mahal kita? Kelan mo kaya ako itutulay sa puso mo?)




Monday, May 3, 2010

Dahil Inlove ako...

"bagay sau...bt ka nagpagupit?db gurls nagppgupit pag broken? :P"

Yan ang reply na natanggap ko pagkatapos kong ipangalandakan ang mukha ko sa lahat ng numero na nasa aking phonebook. Nakakatawa na sa lahat ng tinext ko ay siya lang ang nagreply at yan pa ang laman ng kanyang mensahe.

"di nmn ako broken, buong buo nga e, nag uumapaw pa :P"

Buti na lang kabaligtaran ang nararamdaman ko, tsk kung siguro nung last year yun baka nasungitan ko pa si SLEX (code name ng nagtxt ).

Oo inlove ako ngayon. Alam mo yung feeling na kahit anong aberya pa ang dumating, nakangiti ka pa rin. Yung parang baliw lang. Parang kanina, umaapaw ang trono sa aming mansion. Ang aking housemates ay hysterical to the max na ang drama at baka bumuga ng malakas ang bulkan sa banyo. Paktay kakaibang lava ang lalabas. Pero wapakelz ang lola mo, kulang na lang maglunoy sa tubig, dumapa sa sahig at ikampay kampay ang feet. Parang ang bango bango ng paligid at puro puso ang lumulutang. Adik nga e.. adik sa kanya...

At di pa nakuntento, may I group message ang inlababo. Ilang kanta rin yun, nagmistulang dalikdik queen habang tinatype ang lyrics ng kanta. Nagsimula sa Summer Sunshine, napunta sa I Don't Wanna Sing, sinundan ng Di na Natuto at sinundan pa ulet ng I need to be Next to you, Knocks me off my Feet at natapos sa Let's just Fall in Love ni Jason de Castro... Spread the L-O-V-E, 'ika nga.

Ayun oh may nagtext pa :

"weh? Kanino?"

"di m rn nman kilala, bsta inlove ako sa kanya :P"

Nagreply ang curious na katext:

"ayiii...gud 4 u...inlove ba sau?"

Nakanang tanong iyan, napatumbling naman ako dun, 4x pa. Pero dahil uber nga sa kasiyahan ito ang tangi kong naireply:

"may feelings :D"

Taray! Pero hindi ko rin naman talaga masasagot ang tanong niya, basta inlove ako. Wala na lang basagan ng trip..

Natahimik ang lahat. Mukhang wala ng magugulo sa kabaliwan ko. Kaya naman dumayo ako sa aking blog. Nangapit bahay at nagbulakbol sa bahay ng may bahay..ayiii at may naabutan pa nga. ahahaha Ipagpatuloy niyo yan, konting damoves pa pare. Nagpaalam na ako at baka makaistorbo pa. Kunwari natutulog pero naninilip sa kanila..hahaha spread the love mga kapatid ^_^

Holiday nga ang araw na ito at magcecelebrate ako. Sarap kaya ng pakiramdam. Parang tanga lang..hahah Parang lasing, lango sa pagmamahal niya..takte kesong keso

Actually hindi naman kami, inlove lang ako sa kanya at siya may feelings. Ayokong madaliin baka magtampo ang tadhana at mabulilyaso pa. Magbabago din ang status namin sa FB, sa ngayon currently dating muna ^_^

Goodluck naman jan...hahaha adik talaga ko.


****PAALALA: FICTION po ito. Kung may pangalan o pangyayari na sa tingin niyo ay halaw sa tunay na buhay, nagkakamali po kayo. Hindi kayo yan kaya wag magfeeling.LOL Ang totoo lang po jan ay yung nagpagupit ako. Post ko din bukas!!!

O ETO NA!!!hahaha pagpasensyahan na, hindi ko ito napaghandaan. BEFORE and AFTER yan. Halata na naman siguro..LOL Kung hindi niyo nagustuhan, huntingin niyo yung kasama ko sa pic. Siya ang may sala. hahahah

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design