“Good evening po tita”
“Ano lasing na naman ba?”
“Opo tita, tinawagan po ako nung kasama niya”
“Sige iakyat mo na sa taas. Salamat Paolo ha, naabala ka pa.”
“Ok lang po yun. Sige po tita akyat na po ako”
“Sige iho”
Nakatitig ako sa’yo habang humahakbang ako sa hagdan paakyat. Napakalaki na ng pinagbago mo samantalang dalawang buwan pa lang ang nakakalipas. Kumupis ang iyong mukha at malalim na rin ang itim sa ilalim ng iyong mga mata. Nawala na ang ngiti na madalas makita ko sa’yo noon. Napalitan ng lungkot, lungkot na hindi ko alam kung paano ko maaalis.
Unti-unti kitang inihiga sa iyong
“O, bat andito ka?”
“Lasing ka Jade, hinatid lang kita”
“Wow, dapat pala lagi nalang akong maglasing para lagi pa rin kitang makasama”
“Jade, dalawang buwan na ang nakalipas.”
“Yun na nga e, dalawang buwan na pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Hindi siya mawala.”
“Kaya ba umiinom ka para makalimot? Jade, tanggapin mo na kasi na wala na. Tapos na ang lahat.”
“Sa’yo lang naman tapos e. Sa akin, hindi pa.”
Bigla kang bumangon at aktong tatanggalin ang iyong damit. Mabilis akong tumalikod at parang napahiya sa iyong ginawa.
“Nahihiya ka na ngayon? Samantalang dati..”
“Jade, magpahinga ka na”
“Bakit ayaw mong sabihin ko? Tayo lang dalawa ang nandito parang katulad ng dati. Ibinigay ko sa’yo ang lahat, bakit kulang pa rin? Panget na ba ako sa paningin mo ngayon? Mataba na ba ako? May ayaw ka na ba sa mukha o katawan ko? Sabihin mo lang, babaguhin ko lahat”
“Wala kang pinagbago, ikaw pa rin yung Jade na nakilala ko. Maganda sa panlabas at panloob”
“Yun naman pala, anong problema?”
“May mga bagay lang na hindi natin nababago, yung hindi natin macontrol. Basta na lang natin nararamdaman at gumagawa tayo ng mga desisyon kahit nakakasakit tayo ng iba.”
“That’s bullshit! Ang sabihin mo nakahanap ka na lang ng iba. Pinagpalit mo na ko.”
Hindi na ako umimik. Pinakiramdaman ko na lang kung nakahiga na siya bago ko siya harapin. Kita ko sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman niya pero wala akong magawa. Nangyari na ang nangyari, wala akong kapangyarihan para ibalik ang lahat, para muli siyang sumaya. Gusto kong sisihin ang akin sarili. Bakit ba hinayaan kong maging ganito. Pero alam ko useless din, andyan na siya. Nakahiga at langong lango sa alak. Umupo na ako sa kanyang tabi, inaayos ang kanyang buhok.
“Jade, aalis na ako.
Tumayo na ako. Nagsimulang maglakad palabas ng pinto.
“Mahal din kita Carl. Sobra.”
Isinara ko na ang pinto at muling sumulyap sa iyong kwarto habang ako’y pababa sa hagdan. Alam ko matatagalan bago mo siya makalimutan. Alam ko dahil hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong kalimutan ka.
waaaaaaaahh nakakiyak naman ang kwento na ito. uhmmm ang galing.
ReplyDeletepootek.. ang galing mo pala magsulat. itry mo kaya yung mga kabana-kabanata parang yung sa ipis ni kiki...
ReplyDelete\m/
nice. based on actual experience ba to?
ReplyDeletetama si bulakbolero , gawin mong kabanata para may bitin epek! hihi
ReplyDeleteawwww!!! bakit bakit bakit? gusto q malaman ang buong story!! bwahhhhh.. etchosera aq pasensya na po ehhee..
ReplyDeleteyan lang kc ang gusto kong malaman minsan, bkt hnd na pde kht mahal pa?? bakit??! wahhhhh afected much! lolz.
my ym ka? wentuhan tau! ehehe.
tnx pla sa dalaw, ni add po kta :)
nakakaiyak.. ayoko ng mga ganyang kwento. hindi na ako babalik dito. joke! hehe, i love it!
ReplyDeleteako ba 'to?
ReplyDeletekapareho ng isa sa kabanata ng buhay ko lol
galing :)
two thumbs up for this.
rak on!
Una sa lahat, salamat po sa pagdaan sa aking bahay :D
ReplyDeletePangalawa,
@Kiki: wow may ganung effect ba? eto ang panyo oh :)
@Parekoy at Keso: Uhmm di ko pa siya nattry baka kasi mawalan ako ng isusunod na story..hahaha
@gillboard: fiction lang po ser :D
@Kayedee: nabitin po ba kayo? ako din po eh gusto ko rin yan malaman, nagtatanong pa rin ako :) Salamat nga pala sa pag add. Pm mo nalang po ako dito sa blog ko (found at the right corner of my blog, below the linklist :P)
@Karen: hala, wag naman. suki na kaya kita dito sa bahay ko. Oh eto rin panyo pampunas jan :)
@shiena dae: hehe nakakarelate po ba? hmmmm siguro ikaw ang makakasagot ng tanong ni kayedee :D
at Pangatlo,
dahil may nabitin sa istorya kong ito at may nagrerequest na magkaron ng episode ang aking kinukwento, susubukan ko pong gumawa :D pers taym ko po yung gagawin kaya sana pagpasensyahan na :))
ganda naman nito..sana madugtungan mo pa sis..hehehe ^_^
ReplyDeletenakakalungkot naman. :( iba talaga ang nagagawa ng love. i'll wait for the next story! :)
ReplyDeleteang galing ng kwento medyo bitin ng onti..more more !
ReplyDeletehays hayuf naman oo pag-ibig na naman ba to ayeee ang hirap eh ano! masarap nga when u fall in love pero masakit din nman kahit pa sobrang nahiwa pa yang kamay mo parang mas masakit pa rin ang masaktan hehehe
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaahhhh... pooteeekk! ehehe! nadala ako! ahaha... lalo na ung part na..
ReplyDelete*""Bigla kang bumangon at aktong tatanggalin ang iyong damit. Mabilis akong tumalikod at parang napahiya sa iyong ginawa.
“Nahihiya ka na ngayon? Samantalang dati..”""*
grabehh... medyo parang nakakarelate din sa story... :D
hehe.. saka anu un? mahal pa ang isa't isa pero si guy meron nang diane... babaero! ehehe.. nacurious ako at nabitin... ehehe.. I'll wait for the continuation of this story ahh hehe :D
ang galing mo magsulat!
keep it up! :)
Ay naglalagablab na love story ito hehehe
ReplyDelete@superjaid and renz: Bitin ba talaga? hmmmm napapaisip ako parang ayoko ng dugtungan. Kayo nalang mag-isip ng story behind my story..hahaha (katamaran lang talaga:D)
ReplyDelete@batanggala: hehe may tinatapos na kong istorya..hahanguin ko na mamaya :))
@anonymous: huwaw talagang dun sapart na yun ikaw nakarelate..hehe salamat po sa pagdaan sa bahay ko
@glentot: nagcomment ka yata ngayon..ang halay mo talaga..LOL tnx sa pagdaan
tsugz!.. akala ko tunay na heksperyens mo madz.. hehe...:) nice nice..para lang akong nagbabasa ng PH romance pocketbook... ayeee..:D
ReplyDeletecgeh isipin mo lang siya ng isipin. yan ang gusto mo eh. pero ito lang yan, mag isip ka ngayon masaktan. may isang araw pa rin sa buhay mo na makakalimutan mo siya. :) at pag nangyari yun be more wiser, hope it helps..
ReplyDelete