Pages

Sunday, May 9, 2010

Grazie Mille!!

Ngayon araw na ito marami akong gustong pasalamatan. Pinangungunahan ko na kayo hindi ako endorser, masyado lang silang naging mahalaga para sa akin sa loob ng 23 yrs. (di ako sure). Kumbaga kung wala sila, hindi rin ako makakapagsulat sa blog na ito. Simulan natin ang listahan:



1. Airmail envelope - salamat sa border mo sa tagiliran, naipapadala ng tita ko ang nais niyang ibalita sa aking mama kung ano na ang nangyayari sa amin ni ate sa Italy. Dahil sa'yo napapawi ang lungkot ng mama ko kasi kalakip ng mga sulat na iyon ay litrato namin. Ikaw ba naman makakita ng magagandang nilalang pag hindi ka natuwa..LOL

2. Post Office (kasama ang mga empleyado) - Salamat dahil hindi naliligaw ang aming sulat at walang ibang nakakalaam ng laman nito maliban sa amin (baka kasi kunin picture ko :P )

3. Polaroid - Salamat dahil maganda yung mga litratong natatanggap namin kay mama at siyempre salamat sa bulsa sa likod kapag nadevelop ang litrato mo.. nasisingitan ni mama ng pera kapag nagpapadala (yun naman talaga ang totoong reason ng pagpapasalamat na 'to :D)

4. SPEED - papaliwanag ko pa ba?? Dito kasi nagpapadala si mama ng pang allowance sa bahay, mga ilang taon din yun.

5- PLDT at DIGITEL - Salamat dahil kahit mahal ang binayaran namin sa internet nung nagpakabit kami sa inyo, naging tulay pa rin kayo upang palaging may update kami nila mama sa isa't isa. Kahit pa noon hindi ko masyadong kinakausap si mama, malaki rin naitulong niyo kasi atleast alam namin na safe ang bawat isa.

6. Goldilocks- Salamat sa mga cake na ibinenta mo sa amin tuwing may handaan lalo na noong 7th birthday ko. Hindi ko makakalimutan yung araw na 'yun kasi si Mama pa yung umorder sa inyo from Italy ng cake ko.. HOW SWEET!!

7. Magnolia Pinipig - Salamat sa'yo kasi nakakapagbonding kami ng mama ko lalo na nung nagstay na siya dito sa Pilipinas. Good to know na may similarities pala kami ng mama ko sa pagkain. hehe

8. Sacred Heart College (Lucena City) - Salamat sa retreat na ibinigay niyo sa amin. Dito ko unang nareceive ang sulat galing kay mama na para sa akin lang talaga. Hanggang ngayon nakatago pa rin sa akin iyon. Naiyak kaya ako dito.

9. Jollibee - Hindi ko matandaan kung anong taon ito. Pero ito ang pinakaunang beses na lumabas kami nila mama at ate nung mother's day. Sobrang saya ko nito kasi nagbonding kaming tatlo. Ang mama kasi tamad lumabas lalo na pag may okasyon, nakokornihan siya.

10. Manasa Resort (Tayabas, Quezon) - Dito daw ako naghysterical nung nagbreak kami ng boyfriend ko. Although may ibang nangyari dito na hindi maganda, naramdaman ko parin ang pag alalay ni mama sa akin kahit hindi niya masabi.

11. MMG Hospital - SALAMAT!

12. Globe Telecom - Salamat kasi nauso sa inyo ang roaming, kahit pa 15 ang text, ok lang masabi ko lang sa mama ko na namimiss ko na siya.

13. Yahoo Messenger at Skype (ngayon) - Salamat sa voice chat at webcam capabilities niyo. Atleast kahit bumalik na si mama sa Italy, nakikita at nakakausap ko pa rin siya.

14. Lucena City - salamat kasi sa loob ng halos 12 years, nagkasama kami ng mama ko yung hindi panandalian lang kungdi yung sa pag gising at pagtulog ko araw-araw alam kong andiyan siya.

15. At pinakahuli kong pasasalamatan ay ang nag-iisa at ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko, ang aking MAMA. Gusto kong sa susunod na Mother's Day tanging 14 at 15 na lang ang pasasalamatan ko. Hindi ko maisulat kung anong gusto kong sabihin sa iyo. Alam kong marami akong naging pagkukulang bilang anak. Pero babawi ako mama, bumalik ka na at..Miss na kasi kita. Gusto kong marinig mo mula sa kin ang mga gusto kong iparating, yung andito ka sa harap ko, yung mayayakap kita. Miss na miss na kita Mama. Sa ngayon, magttyaga muna ako sa YM o Skype, dahil alam ko kailangan mo ng panahon. I Love you Mama... Happy Mother's Day!



10 comments:

  1. *sniffs* ganda naman ng mga pasasalamat mo.. im sure miss na miss ka na din ng nanay mo.. nice piece!

    ReplyDelete
  2. Wala si IPHONE na pinaglalagyan ng Globe Sim Card? lolzz

    Happy Mother's day sa inyong nanay :)

    ReplyDelete
  3. happy mother's day to your mom! =)

    ReplyDelete
  4. sis goosebumps ang inabot ko ng binabasa ko na ang number 15~~haysss...ingat ka lagi ha ang love your mama forever~~

    ReplyDelete
  5. happy mother's day sa iyong mama. sa pagtatantya ko parang gusto mo sumunod sa italy ke mama mo. lol

    ReplyDelete
  6. @roanne: Salamat po ^_^

    @adik: talagang ganun ang epek??

    @pare: tadew ka talaga, sana di ka na nagcomment (nabubuking tuloy ako :P). Salamat sa pagbati ^_^

    ReplyDelete
  7. Nice dedications and thanks sa nanay mo... Belated Happy Mother's Day sayo! :P Pero kelanman naman ndi nabebelated ang Mother's Day di ba kasi araw-araw Mother's Day! ^_^

    ReplyDelete
  8. kahit late...happy mothers' day sa kanya


    pareho pala tayo, nahysterical rin ako sa manasa resort..haha..siguro dun nagsimula kang maging hartleschiq hehe...peace

    ReplyDelete
  9. this is sweet...nanay ko ksi di kami close, di ako lumaki sa kanya kaya sana, magkaron din ako ng courage nagawin ang gina gawa u na sobrang thankful sa mama u...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design