Thursday, May 13, 2010

Para sa mga %^$#@#$% sa Mundo

" O bat nandito ka na naman? May problema?"

"Gusto ko siyang makita.."

"Sino naman? Artista ba yan, politician o anime character"

"Seryoso naman ako"

"Yun na nga eh seryoso ka na naman, hulaan ko si Mark na naman yan ano?"

"May iba pa ba?"

"O bakit naman gusto mong makita yung *#@!^=% na yun?"

"Wala gusto ko lang ng closure.."


"PAMBIHIRA, hindi na nga nagparamdam after ibreak mo sa text tapos nagka gf agad. Hindi pa ba yun closure sa'yo?

" Eh kaya naman hindi na nagparamdam yun kasi sabi ko nung tinext ko siya wag nang magreply"

"Ikaw, hindi ko alam sa'yo kung tanga ka o tanga ka. Sino ba namang matinong lalaki ang susunod sa sinabi mo? %#@+!$^& tatlong taon kayo tapos pumayag lang makipagbreak sa'yo sa text? Wala lang talagang bayag yung #$%@&*!# yun kaya hindi masabi sa'yo na nakahanap na siya ng iba"

"Oi sobra ka, ok naman siya nung kami pa e. Kahit nga ikaw bumilib dun di ba?"

"Haller, di kaya siya perfect! Tsaka pakisampal naman ako kung may nakilala ka ng tao na hindi nakakagawa ng masama kahit gaano pa kabait. My dear, tanggapin mo na kasi na hindi na kayo magkakabalikan. At ewan ko naman sa'yo kapag bumalik ka pa dun, spell desperada na talaga."

"Hindi naman ako makikipagbalikan sa kanya e, gusto ko lang na masigurado sa sarili ko na wala na kong nararamdaman sa kanya. Alam mo yun, yung kapag nakita ko siya, wala lang, nakita ko lang siya."

"Hambalusin kaya kita ng magising ka!! E ano, kung makita mo siya? Magbabago ba ang ikot ng mundo at magsosorry siya dahil sa kagaguhan niya? Girl akala ko ba ok ka na? Sino na naman bang magaling ang nakausap mo?"

"Nagkainuman kasi kami kagabi sa dorm, ayun napag usapan na naman."

"Sabi ko na nga ba e, kasi naman ang hilig makinig sa mga inggitero't inggitera. Insecure yung mga yun kasi masaya ka ngayon sa status mo. Palibhasa ang gusto yata e palaging may pinaglalambitinan. O eto itatanong ko sa'yo, pa'no pag hindi kayo nagkita hanggang sa pumanaw na yung #$%&@! yun? Magpapakalosyang ka? "

"Siyempre hindi, hindi lang siya ang lalaki sa mundo."

"Exactly my point. Huwag mo munang problemahin ang mga bagay na hindi pa dumadating kasi mapupuno lang ng takot yang puso mo. Enjoyin mo lang ang life mo araw-araw, kahit na maraming #$^@*! sa mundo."

"Parang ganun kadali noh?"

"Kasi yun ang iniisip mo, na mahirap. Nasa utak lang naman yan eh. Oo, hindi naman maikakaila na minahal mo yung $#@^&% na yun. Pero past na yun, I mean my place na siya sa puso mo, hayaan mo naman yung iba na makapasok diyan. Paano ka makakattract ng possible candidate for bf position kung navivibes nila na hindi ka pa ready? At tsaka kung feel mo naman maging matandang dalaga forever and ever, e di go lang! Malay mo dun ka mas magiging masaya"

"Haha patawa ka talaga. Ewan ko ba napapaisip lang naman ako kapag may nag-uungkat nun. Inggit nga siguro."

"Tignan mo nga ako"

"Nakatingin naman ako ah!"

"O di sige titigan mo ko sa mata. Ngayon, sino nakikita mo?"

"AKO"

"Masaya ka ba ngayon? Kahit wala kang boyfriend?"

"Oo naman. Marami akong nadidiscover sa sarili ko. Maraming nakikilala"

"May nagpaparamdam ba sa'yo ngayon or nanliligaw na?"

"Meron. Pero date date lang. Nag eenjoy ako ngayon."

"Naaalala mo pa ba siya?"

"Mas madalas ang hindi"

"Pwedeng favor?"

"Ano yun?"

"Pakilala mo nga sa'kin yung mahilig mag-ungkat niyang first love mo. Dyombagin ko lang ng slight!"

"Sira, hindi na kelangan noh. Nagets ko na"

"Ok ka na?"

"Oo"

"Ay siya, labas na! Kanina pa nangangatok ate mo, naparami yata kain kanina"

"Salamat ha"

"Wala yun, alam ko naman babalik ka pa ulit!"

"Oo na...ikaw na..ikaw na"

"Favor ulit pwede?"

"Ano na naman?"

"Pwedeng magsuklay ka? Pumapangit ako e! Baka lalong ma-zero lovelife natin niyan sa itsura mo.."

15 comments:

  1. anu naman nadidiscover sa sarili pag walang bf? lol..

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D Pinatagal pa usapan eh, sige na magsuklay na! lolzz

    ReplyDelete
  3. Aba at mukhang tawang tawa kayo sa post ko at lahat eh laughing out loud ang style...

    @indecent: adik lang ^_^

    @bulakbulero: sikretong malupit!! hahaha Mukhang yun lang part na yun ang binasa mo ah. tsk

    @Lord: Katamad magsuklay sa umaga,pagkaligo na lang :P

    ReplyDelete
  4. @muse, uu nag control F ako, tapos hinanap ko yung part nayan.

    ReplyDelete
  5. hahaha pootek!! ako din pala..kala mo ha

    ReplyDelete
  6. uber like :D pero san ka jan? yung masarap upakan o yung uupak? :D

    ReplyDelete
  7. Ano naloka na?
    LOL

    I always do this..
    kapag feel ko mag-emote ..talk to yourself sa mirror marami kang marerealize. ^^

    ReplyDelete
  8. uy! ikaw ba yan?

    oo ako nga ito... ikaw... ikaw din ba yan?

    syempre ako ito.

    malamang ikaw nga yan kais ako ito eh..

    aw!!! anlabo... =)

    ReplyDelete
  9. Nice yan ha! Gusto raw nyang manigurado na may feelings pa sya.. muahahahaha! =))

    ReplyDelete
  10. nice nice!parang timang lang sis ah..hehehe matagal ko ng di gingawa yan..magawa nga uling kausapin ang sarili ko baka may discover akong bago..hehehe

    ReplyDelete
  11. ang kulit ng conversation---pero I kinda agree---mahirap din talaga kung wlang closure and ending ng relationship....

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design