Saturday, May 8, 2010

Hanggang Kailan

"ang ganda niya noh"


(Oo ang ganda mong titigan)
"yeah, cute siya"

"CUTE? Ano ba namang description yan, diyosa nga e!"

(ako kaya, anong itsura ko kapag tinitignan mo 'ko?)
"Sige, sabi mo e. Sabagay kulang na nga lang alayan mo ng bulaklak e"

"Uy selos naman si bestfriend. Wag ka mag-alala kahit maging gf ko 'yan ikaw pa rin no. 1 girl ko!"

(Number 1 nga pero kaibigan lang..)
"Dapat lang aba ilan na inilakad ko sayong babae na naging gf mo. Dugo't pawis ko yan, lahat naman walang nagtagal"

"E bes ano magagawa ko, wala sa kanila yung hinahanap ko. Walang spark, walang magic."

(Wala rin bang spark at magic kapag magkasama tayo?)
"Sus may spark at magic ka pang nalalaman. Alam ko naman na YUN lang habol mo dun sa mga naging gf mo"

"Hoy miss sobra ka naman. Oo nga nag-eenjoy ako DUN walang duda, pero alam mo yun hanggang dun lang e, hindi ko madala hanggang next level. Wala e, may kulang"

(Kaya kong punan yun, pansinin mo lang ako)
"Masyado kasing mataas ang standard mo eh, akala mo naman perfect ka"

"Ang perfect mo kasi e, wala akong mahanap na katulad mo. Alangang ikaw di ba, bestfriend kaya kita"

(Ok na sana kaya lang kelangan bang i-emphasize na magkaibigan lang talaga)
"O bat naman ako napasali diyan. Wala ka ng mahahanap na tulad ko kaya humanap ka na ng di perfect na girl..haha"

"Wow ang kapal din nitong isang 'to. May mahahanap din ako, siyempre tutulungan mo ko di ba?"

(Bat kasi naghahanap ka pa?)
"Ay ano pa. Yun naman ang papel ko sa'yo eh. Dakilang tulay"

"haha... grabe ka bes, nag-eenjoy ka din naman di ba? Alam ko namang pareho tayo ng tipo. JOKE"

(ARAY!)
"Tadew ka ah. Di ako tibo!Batukan kita diyan nakita mo."

"Joke nga lang. Bat kasi hanggang ngayon wala kapang bf. Aba simula ng magkakilala tayo wala ka pang pinapakilala sa akin ah!"

(Paano simula ng magkakilala tayo ikaw na lang ang inukutan ng mundo ko)
"Akala mo lang yun, hindi ko lang pinapakilala sa'yo"

"Ows? Imposible naman, eh hindi na nga tayo naghihiwalay eh. Paanong makakalusot sa akin yun? Ang sabihin mo maselan ka lang masyado, pareho lang pala tayo e"

(Hindi ako maselan. Nakita ko na kasi yung gusto ko)
"Hindi yun dun. Basta."

" Best tayo na lang kaya?"

(Shit sabihin mong seryoso ka..)
"Kalokohan mo."

" O bat ayaw mo? Ayaw mo nun parehong perfect magkakatuluyan. hahahaha Swerte mo sa'kin pag nagkataon. Ganda mo talaga, tayo na lang kasi. Huwag ka ng maselan, mamahalin naman kita...hahahaha Joke lang best ha, baka mapikon ka"

(Swerte ko talaga pag nangyari yun. Oo nga sana tayo na lang)
"Ang kapal mo talaga! Tigilan mo na nga yan. Alam ko naman kung bakit ka naglalambing eh. Magpapalakad ka na naman"

"Kilalang kilala mo talaga 'ko bes. Ano lalakad mo na ko kay Lisa niyan? Ka-org mo naman yun di ba?"

(Sasaktan mo na naman ako...)
"Di naman ako makatanggi sa'yo eh..Sige sige ako bahala."

"AYUN!! Lakas ko talaga sa'yo kaya ba ikaw number one na babae sa buhay ko e! Excited na ko!"

(Ako hindi excited na masaktan ulit..)
"Diyan ka na nga. May klase pa ko e. Libre mo ko ulit ng pinipig kapag napasagot mo na si Lisa ha? Sige maya na lang ulet sa tambayan. Bye!"

"Bye" (I Love you.. Kelan mo kaya mapapansing mahal kita? Kelan mo kaya ako itutulay sa puso mo?)




17 comments:

  1. naalala ko ang kanta ni bugoy.paano na kaya di sinasadya. ahahahaha

    ReplyDelete
  2. Akala q ung conversation na 2. Dun sa kay kim chu at gerald andrs0n? Kc abot sa mag bestfriend un eh.. Ang hrap tlaga pg best friend mu ung mahal mu ai..

    ReplyDelete
  3. Haha sabi ko na nga ba malilink 'to sa movie na un e ^_^

    Napakacommon na scenario pero komplikado pa rin...

    ReplyDelete
  4. Parang totoo talaga...hehehe

    ReplyDelete
  5. Haha ayan na naman kayo... FICTION po yan.. ^_^

    ReplyDelete
  6. aww!!ang hirap naman ng ganyan. :( bakit kaya hindi pwedeng sila na lang? nice story! :)

    ReplyDelete
  7. nice nice!

    Patience is a virtue.

    The bridge is always the owner.

    Nakakarelate ako nyan. In fact, my bes is now my girlfriend.. matagal din kami nagtatago ng mga nafefeel namin sa isat isa...

    :)

    ReplyDelete
  8. awwwww!!!! ang ganda ng ending!!!! kakakilig na nakakasad!!!! nice! nice!! super cute ng story~

    :D

    btw..happy mother's day to all the mothers in the world! ^_^
    (p.s. check out my latest post if you have time,,.thanks :3)
    sana follow mu din ako ahehe

    ReplyDelete
  9. saktan na yannnn!!!!

    happy mother's day sau!

    ReplyDelete
  10. @batanggala: ganun nga yata tlaga e, may mga bagay na hindi pwede kahit ipilit..hehe salamat sa paggala mo sa bahay ko:D

    @demonyito: WOW good for you, atleastnagkaron kayo ng happy ending :))

    @♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫: Happy mother's day din sa mom mo!! Checking ur blog na :D

    @indecent: hahaha sinong sasaktan..cge reresbak ako..LOL

    ReplyDelete
  11. haha pampelikula nga.

    mahirap nga ang ganyan kung magkataong mangyari. or... pwede din namang frends with benefits. :P

    ReplyDelete
  12. hahaha ngaun ko lng nabasa at nabusy ako sa outerspace..batukan mo silang dalawa ng matauhan ano hahaha..adik din eh

    ReplyDelete
  13. haha yaan mo pag nakilala ko na sila gulping batok talaga ang aabutin nila sa akin..:P

    ikaw na ang inlove adik..LOL

    ReplyDelete
  14. awww sinong inlove?ako waahahahaa...inlove sa isang marsian nyahaha

    ReplyDelete
  15. hi po :) mejo bago po ako dito,ay hindi mejo bago tlga..ganda nman nito..nag enjoy po tlga ako..keep it up po.God bless

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design