Pages

Monday, May 24, 2010

Practice Mode

“Gwen, konting tiis na lang malapit na”

“E masakit na nga. Ano ba naman kasi naisipan mo at sa akin pa?”

“E kanino? Alam mo namang first time ko’to, nakakahiya kung sa iba ko gagawin baka pagtawanan ako”

“Sus ba’t ka naman pagtatawanan, ok naman ah. Parang expert nga eh! Medyo mahaba pero swak na swak”

“Sure yun ha?”

Kakatok na sana ako sa pinto ni Gwen nang marinig ko ang kanilang usapan. Aba, malandi itong si Gwen may boyfriend na pala hindi man lang nagkukwento sa amin ni Harold at mukhang may ginagawa pang kababalaghan. Aalis na sana ako, nang marinig ko ang aking pangalan.

“Oo, swak nga sabi. Naku sige na tapusin na natin ‘to baka maabutan pa tayo ni Mica”

Nacurious ako, kung sino ang kasama ni Gwen sa loob. Kilala niya ako at parang pamilyar din ang kanyang boses. Kaya naman idinikit ko pa ang aking mga tenga sa pinto para maging mas malinaw sa akin ang kanilang usapan.

“O sige, steady ka lang, tsaka mamaya pa yun, tinext ako kanina may make-up class daw sila. O eto na…”

“ARAY! Dahan-dahanin mo naman , masakit sabi”

“Huwag mo naman ako, ipressure, pinagpapawisan na ko sa ginagawa mo eh.”

“Parang bang ako hindi pinagpapawisan dito noh. Walang hiya kasi ako pa pinagpraktisan”

&%$#@* si Harold ang nasa loob! Mga walanghiya, pinagtataksilan ako! Akala ko pa naman mahal na mahal ako ni Harold tapos bibigay lang siya kay Gwen. Mga Taksil!


“Naiintindihan mo naman ako diba? Ayoko lang kabahan kapag ginawa ko na ‘to kay Mica. Teka lalagyan ko na pampapadulas”

“Yuck! Bakit naman chocolate syrup pa nilagay mo, ang lagkit!”

“Ang arte naman neto, e yun lang nakita ko sa ref niyo eh. Tsaka dilaan mo na lang mamaya para libre hugas na. hahaha”

“Sira ulo. Sige na bilisan mo na lang pagtanggal. Dami mo pa sinasabi”

“Napakasungit mo naman. Palibhasa first time mo…matandang dalaga…hahaha”
“Gago, bakit ikaw din naman ah”

“Oo na first time natin pareho. O wag ka ng magulo huhugutin ko na. Pumikit ka na lang para hindi mo masyado maramdaman”

“Bakit naman kasi pinapapabalik balik mo pa, tapusin mo na nga”

“E para umepekto yung pampapadulas kaya ko ginagawa yun”

“Shit shit shit..ang sakit...AAAAAH!

Kasabay ng pagsigaw ni Gwen ay ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha. Pinilit kong pigilan ang aking paghikbi upang hindi nila mamalayan na pinakikinggan ko ang kanilang usapan. Kaya pala nitong mga nakaraang araw, hindi ko mapaghiwalay ang dalawa at matagal hindi nagpakita Harold. Never akong nagtanong kasi baka bumisita lang siya sa family niya sa Bohol, at isa pa matagal na silang magkabarkada ni Gwen. Pero bakit kailangang sila pa? Parang kapatid na rin ang turing ko kay Gwen, tapos siya lang pala ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin ni Harold. Kung kelan mahal na mahal ko na siya. Kahit masakit, pinakinggan ko pa rin sila, gusto kong marinig lahat-lahat.

“OA ka naman Gwen nahugot ko na, late reaction ka”

“Gusto mong sapakin kita? E sa masakit nga. Di ka na makakaulit”

“Teka lang, di ba pumayag ka na isa pa? Dali na Gwen pagbigyan mo na ko”

At talagang gusto pang umiskor ng isa ni Harold. @#$%!& niya, hindi na ba talaga siya makapaghintay. Akala ko pa naman matino siya, na ginagalang niya ang desisyon ko. Yun pala kaya hindi na siya nagrereklamo, may kinakalantari na siyang iba.


“Pwede naman kasing hindi na lang ipasok, wala namang pinagkaiba yun”

“Siyempre iba yung feel na feel mo. Bestfriend naman kita e, dali na. Kahit lumuhod pa ko sa’yo dito”

“Wow ang arte ng walanghiya, sige sige pero sa kabila mo na lang ipasok, tinorture mo yung ‘tong isa eh. Siguraduhin mo lang na malaki ang ibabayad mo sakin dito.”

“Haha mukhang pera, parang hindi kaibigan. Pero sige name your price, kung hindi lang para sa future naming ni Mica ‘to di ako papayag”

“Yan ang gusto ko sa’yo eh, hindi ka mahirap kausap.O siya simulan mo na ulet. Pero punasan mo muna yan. May syrup pa eh talagang malagkit ang feeling. Talaga bang kailangang lumuhod pa?”

“Oo naman para tunay na tunay ang dating”

“Hahaha ayun oh kinakabahan na sa pagdating ni Mica”

“Huwag mo nga akong pinapakaba pa lalo. Huwag ka ng maingay. Sisimulan ko na”

Ayoko ng makinig pa sa kanila. Parang tinarakan ako ng matalim na bagay sa aking dibdib at hindi ko na kaya pang huminga. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at mangiyak-ngiyak sa aking nasaksihan. Nakita ako ni Gwen sa aking pagpasok, ngunit sinenyasan ko siya na huwag ipaalam na andun ako.


“Mica, alam kong nagtataka ka kung bakit matagal akong hindi nagpakita sa’yo. Sinadya ko yun, dahil gusto kong maging sigurado sa aking desisyon . Sa mga nakalipas na araw,kahit wala ka sa tabi ko alam mo bang nakasama rin kita? Nakasama kita sa bawat gabi, sa aking mga panaginip. Ayoko ng magising sa bawat panaginip na iyon. Ang bawat pangyayari sa panaginip kong iyon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan. Hindi ko maintindihan kung bakit pati pag-aaway at pagtatampuhan na eksena ay pinapangarap ko.

Dumating ang araw na ayoko ng makita ang mga panaginip kong iyon. Hindi dahil sa hindi na kita mahal Mica, pero dahil ayoko ng mabuhay sa mga panaginip na iyon. Gusto kong sabay nating gawing katotohanan ang lahat. Ngayon, sigurado akong hindi ko kakayanin na mawala ka. Isipin pa lang na hindi ikaw ang una kong masisilayan sa aking paggising at huling makikita sa pagpikit ng aking mga mata sa gabi, parang gusto ko na lang habambuhay na mahimbing. Mahal na mahal kita Mica. Will you marry me?”

Parang nabarahan ang aking lalamunan, habang pinapanuod siyang isuot ang singsing sa daliri ni Gwen. Parang automatic na nabura lahat ang mga naisip ko kanina pati ang sakit na naging dulot nito sa akin.Gusto ko sanang agawin ang singsing kay Gwen at isuot sa aking mga daliri. Pero alam ko, hindi na mahalaga yon. Walang singsing ang pwedeng pumantay sa pagmamahalan naming dalawa. Hindi pa rin ako makaimik habang papalapit ako sa kanya. Nagulat siya at namula ng mapansin niyang nandun ako. Bago pa siya makaimik niyakap ko na si Harold ng mahigpit at bumulong:

“Yes Harold, I will marry you.”

19 comments:

  1. ahhh.. ang sweet naman..

    aiyt.. medyo lumas--------- utak ko dito, haha!!

    Way to go, Harold!

    ReplyDelete
  2. wow...eto na ata ang pinaka-sweet na story na narinig ko..

    malibog at first huh..

    hehehe...

    ReplyDelete
  3. nyahahaha... asteeg! isa na namang panalong entry!


    pero amfufu.. chocolate syrup tlaga ang ginamit na pampadulas... ewww... :P

    ReplyDelete
  4. tsk! sagwa! nadumihan ang busilak at walang bahid malisya kong pag-iisip!

    nice post btw!

    ReplyDelete
  5. wahahaha:)))) masyado kong naintriga sa kwentong to. at kinikileeg ako. wehehehehe:))) super sweeet, mas sweet pa sa chocolate syrup. hihihi:))

    ReplyDelete
  6. mas sweet ako jan..di ba madz? wahahahaha!

    ReplyDelete
  7. bwahahha di lng pala pang pa hyper ang chco syrup pampadulas din talga ano nyahahaa..
    ang sweet naman ano ng choco syrup hahhaa...joke
    galing mo talga sis~~~the best ka!!

    ReplyDelete
  8. sabi ko na na iknew it ayun ang un,,hehehe. nice stry..:D

    ReplyDelete
  9. sino ba sumulat nito si Danielle Steel? okey sa alrayt. =)

    ReplyDelete
  10. ANG LAKAS KAYA NG UTOT NG GUMAWA NG "PRACTICE MODE" wahahahaha!

    ReplyDelete
  11. hahahha, so yun pala yun, ang dumi ng utak ko. naimpluwensyahan na talaga ko ni chuck, wahaha. joke lng peace.

    ReplyDelete
  12. astig! haha. lab ko to!!!

    akala ko nung una, nurse tapos karayom ung tinuturok, nagtaka ako me chocolates. haha.

    ReplyDelete
  13. tsugz!..at ang dami kong iniisip habang binabasa ang wentong ito.. haha... naalala ko ang mga wentong pelikula ng mga chimay na ganyan sa mga amo.. haha..pero nakakatuwa.. at nakakakiliiiggg..:) ayii.. :)

    ReplyDelete
  14. senxa naman at ngayon lang ako napadaan para makipagkwentuhan sa mga masisipag magbasa at magskip read sa post ko :))

    @mharliz: sweet ba? mas sweet pa sa chocolate syrup?

    @mjomesa: nagblush naman ako sa comment mo *(^_^)*, salamat at naswitan ka sa kanila.:) hindi kaya ma-L yan..sakto lang..hahahaha

    @parekoy: ayan ang isang halimbawa ng isang SKIP READER. Di dahil friends na tayo e madadala mo ko niyang "panalong entry" churva mo. :D

    @indecent: oo nga pangalan pa lang, parang walang bahid ng malisya at kahalayan ang utak mo :))

    @Batang G: as in kilig ba? buti hindi ka napaihi? hahahaha

    @anonymous aka JB Lopez:wala ka kayang kasweetan sa katawan.Mahiya ka nga sa balat mo at isa pa hindi mo ko narinig umutot dahil kinancel ko agad yung call. Kaw nga ang nagppraktis pa sa pagkanta, kala mo hindi ko maririnig ha :)) tnt

    @Unnie: kailangang maging resourceful sa panahon ngaun sis..hahaha kailangan pag bibili ka ng something e pwedeng gamitin sa lahat..LOL

    @kiki: hehe wow nahulaan agad, siguro binasa mo agad yung ending noh? hahaha another skip reader :P

    @shiena: shocks, mai-compare ba kay Danielle Steel..speechless *(^_^)*

    @KESO: hahaha tsk tsk beware of chuck na ba?

    @toilet: aylabyutu :)) hmmm binigyan mo ko ng idea...

    @leng: hala nabuking na mahilig akong manuod ng mga ganung pelikula..LOL buti naman napatawa at napakilig kita :P

    ReplyDelete
  15. napaghahalata po dito kung sino ang madudumi ang utak. kasama na ata ako dun. XD

    ReplyDelete
  16. tlgang binuo p ang pangalan q maridel mangaron. wahahahahaha! ang swit swit q n nga s u eh! wahahahahaha!

    ReplyDelete
  17. @joven brian lopez: buburahin ko ang comment mo ha!! BWISET

    ReplyDelete
  18. bwiset k rn.. sweet sweet m tlga skin. wahahahahaha!

    ReplyDelete
  19. ahahaha... nice one! medyo umandar ang pagka green ng utak ko sa umpisa ng story... ahaha pero ang ganda nung pagkakagawa mo ng story... idol na kita! weeeeeeeeeeeee! hehe :D

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design