Friday, June 11, 2010

Deal or Deal??

Paggising mo...
Kakain na ko ng maayos
Never na kong magsskip ng breakfast at dnner
Pero pwede bang konti lang kainin?

Paggising mo
Magdadala na ko ng payong
Wala na kong pakialam kahit tuwing mgdadala ako
e hndi nman umuulan
Ipupukpok ko na lang sayo pag nabigatan ako

Paggising mo
Papasok na ko ng maagap
Kahit ako pa magbukas ng opisina
Hindi ko na aantayng masuspend ng 3 days
Uunahan ko na sila

Paggising mo
Hindi ko na paglalaruan pictures mo
Hindi ka na sisisid at magreremake ng movie ni FPJ
Sasabihn ko na ring pogi ka at lambing ko lang pag tinatawag kitang panget

Paggising mo
Wala ng morning,afternoon at gudnyt kiss
Gagawin na nating minu-minuto at oras oras
Ingat lang tayo baka di ka na makahinga

Paggising mo
Kakantahan kita ng bahay kubo, abc at nang paborito mong ba-ba blacksheep
Kahit anong kanta pa yan hanggat my b0ses pa, bibirit ako

Paggising mo
Andyan na ko sa tabi mo
Mapipitik ko na rin sa wakas ang ilong mong malaki
at mahuhukay mo na rin ang muta ko paggising sa umaga

Kaya please lang
to the highest level na pagsusumamo
Gumising ka na
Hahawakan mo pa kamay ko di ba?


at sasabihin ko pang mahal kita...

9 comments:

  1. sino po ba hinihintay nyong gumising?

    ReplyDelete
  2. aw..medyo ndi pa ganung kalinaw sa kin yung story pero medy naiintindihan ko naman. ang saklap :[

    ReplyDelete
  3. Gising na ko...sabi mo yan ha..kapag yan umangal ka..wahahahahaha!

    ReplyDelete
  4. wait, na-confuse po ako... namatay po ba yung tinutukoy sa tula, o tulog lang talaga? pero its a nice poem though. :)

    ReplyDelete
  5. nice.. astig naman. paborit ko ito sa mga nabasa ko dito.. next yung sa lablyp sa bus.. :)

    ReplyDelete
  6. ayos... mahusay...nailabas ang nilalaman ng dib-dib at isipan...

    sa susunod wag mo na papainumin ng pampatulog ha!

    ahihihi

    ReplyDelete
  7. buhusan mo kaya ng malamig na tubig.. haha! jk! :D nice post!

    ReplyDelete
  8. yung title---akala ko dildil---yung tipong pag-gising e walang ulam kaya mag-dildil nalang ng asukal o asin.lol

    ReplyDelete
  9. gising na siya! i want to witness everything you've mentioned sa tula. gawin mo lahat ng binanggit mo...sa pagkikita nyo :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design