Pages

Friday, June 4, 2010

Hanggang Dito na Lang (2)




Parang binabayo ang ulo ko sa sakit. Naglasing na naman pala ako. Ayoko pa sanang bumangon kasi siguradong sesermunan na naman ako ni Mama, mag-aaway na naman kami pero ayoko namang magkulong dito sa kwarto buong maghapon. Aantayin ko na lang siguro muna siyang pumunta sa mga amiga niya. Teka anong oras na ba? Alas-diyes na pala, buti na lang holiday ngayon, walang pasok at wala na naman akong gagawin. Tumayo na ko para maligo, baka madala ng tubig yung katangahan ko kagabi.


Pinihit ko ang knob ng shower, tinimpla sa tamang temperature at nagsimula ng aking ritwal. Sabay ng pagpatak ng mga tubig sa aking mukha ay ang pagluha ng aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ibuhos lahat ang aking nararamdaman. Dapat nakamove on na ko, pero bakit masakit pa rin? Hindi ko akalain na ganon ko mamahalin si Carl. Samantalang siya lang naman ang quick fix ko. Yung pinili dahil mas safe ako, mas may chance mag-work. Pero ganun din pala, karma lang ang inabot ko. Minahal ko si Carl at parang biglang bumaliktad ang sitwasyon, ako ang nabalewala, ako ang nasasaktan ngayon. Siya? Ayun masaya sa piling ng iba. Ikakasal na after a month pa lang ng paghihiwalay namin.


Mariin kong kinuskos ang bawat ng parte ng aking katawan, kulang na lang ay magdugo sa sobrang diin. Pakiramdam ko kapag ginawa ko yun, mawawala na rin yung alaala ko kay Carl Yung simpleng pagbulong niya sa aking mga tenga, mga hawak, halik at mga sandaling naaabot namin pareho ang langit. Sa mga panahong nararamdaman ko na lumalabo ang aming relasyon, ito ang nagiging sagot ko, pisikal kasi si Carl. Bawat away, ang katumbas ay mga gabing magkasama kami. Akala ko matatakpan noon ang mga problema, yun pala naipon lang. Naging dahilan pa para iwanan niya ako.


Muli kong inadjust ang knob ng shower. Para akong nagising sa ginaw na dulot ng tubig. Nanatili akong ganon hangga’t hindi ko nararamdamang gising na ang aking diwa. Lumabas ako ng banyong yakap yakap ang aking sarili. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa salamin kung hindi pa pumasok ang aking mama.


“Jade, hanggang kailan ka magiging ganito? Wala ka na bang natitirang respeto para sa sarili mo at kailangan mong magpakalasing gabi-gabi?”


“Ma, hayaan niyo muna ako. Matatapos din ‘to, sa ngayon malabo pa. Mahal ko pa e”


“Anong gusto mong mangyari anak, antayin ko na dumating sa puntong sa ospital na kita dadalawin? Alam kong mahal mo pa si Carl, pero hindi yang ang tamang pagharap sa pagkabigo mo. Maraming nagmamahal sa’yo at alam ko hindi ka papabayaan ni Paolo. Gusto naming maging masaya ka.”


“Ma, bakit napasama na naman si Paolo sa usapan? Wala na siya. Sinayang ko na yung pagmamahal na binibigay niya sa akin noon. Si Carl ang pinili ko, at siya rin ngayon ang nagdudulot sakin ng sakit dito, dito sa puso ko…”


“Anak, alam kong masakit, alam kong hindi mo makaya. Hayaan mo kaming tulungan ka, wag mong dalhin yan mag-isa. Isa pa, alam kong mahal ka pa ni Paolo. Hindi niya gagawin yun kung hindi ka niya mahal”


Naguluhan ako sa huling tinuran ni mama “ Anong ginawa niya, ma?”


“Lasing na lasing ka nga siguro kaya hindi mo maalala. Siya ang nag-uwi sa’yo dito kagabi. Tinawagan siya nung barkada mo kasi hindi na kayang maghatid. Alam mo ba kung anong oras na yun anak? Siguro naman hindi mag-aaksaya ng panahon si Paolo na bumiyahe para lang sunduin ka at iuwi dito sa bahay.”


Pilit kong inaalala ang mga pangyayari subalit wala talaga akong matandaan.


“O siya, pupunta muna ako kina mareng Fe. Nagluto na ako para sa tanghalian mo. Babalik din naman agad ako, kaya wag ka ng mag-abala para mamayang gabi. Pag-isipan mo anak ang mga sinabi ko. Hindi pa katapusan ng mundo para maging ganyan ka sa sarili mo”


Paglabas ni mama, dali-dali kong kinuha ang aking cellphone para kumpirmahin kung totoo ang kanyang sinabi. Si Paolo nga ang nasa dialled number sa phone ko. Siguro walang ibang matawagan si Naomi kaya kung sino na lang sa speed dial ko ang kinontak niya. Sabagay kahit aling numero naman ang pindutin niya si Paolo pa rin ang makakasagot ng tawag.


“ Jade, ayan ha nilagay ko na number ko diyan sa speed dials sa phone mo para in case of emergency, ako agad ang tatawagan nila”

“Patingin nga… E teka ikaw lahat nakalagay dito ah.”

“Siyempre para siguradong ako ang unang sasaklolo sa’yo. Mahal kaya kita”

“Ang keso mo Paolo…haha”


Pinag-isipan kong mabuti kung dapat kong pasalamatan si Paolo sa ginawa niya. Parang napaka-awkward naman na after almost 2 years na wala kaming contact, tatawagan ko siya. Pero wala rin akong nagawa, pumikit na lang ako at namili sa mga numero sa keypad ko sabay pindot ng call button.



**** Para sa mga hindi pa nakakabasa ng part I


Ang Simula

5 comments:

  1. "Hindi pa katapusan ng mundo para maging ganyan ka sa sarili mo"-- i like this. :)

    waaaaah!!nakakaiyak, nakakaeksayt...nakakabitin. nung una medyo nalito ko, pero now, it make sense. nice story! aabangan ko ang susunod na kabanata! :D

    ReplyDelete
  2. bitin paren. nyahahaha...

    at parang may pagkasenswal ang minumuni-muni ni jade sa banyo. wahaha...

    ReplyDelete
  3. ganda naman ng story sis.. pero kelangang carl talaga ung pangalan nung guy? naka-relate ako.. pero ndi carl ang name ko ah. hahahaha!

    bitter chikletz..

    ReplyDelete
  4. pwede kang bugbogin ha pwede ha?! hahahaha umayos ayos ka madz... ang sakit sa dibdib naman akala ko ba ako lang magaling sa emote2x na yan hehehe

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design