Pages

Tuesday, June 1, 2010

I Do


Ilang hakbang na lang masisilayan ko na ang babaeng pinapangarap ko.

Napakaganda niya sa kanyang suot. Ilang taon ko ding inisip ko ano ang magiging itsura niya sa trahe de bodang minsang isinuot ni mama. Napakaganda ng tinatangi kong musa, perpekto, hindi maihahalintulad sa kahit anong bagay.

Ilang hakbang na lang, matatapos na ang kanta. Kantang isinulat ko, para sa iyo, para sa araw na ito.

Kantang nagtatapat ng aking nararamdaman mula ng kita’y masilayan hanggang nagsimula ng panibagong relasyon. Mga salita at katagang masusing pinili at inilapat sa pinakamatamis na musika upang lubos na maipadama ang pinagsisigawan ng aking puso.

Ilang hakbang na lang, magiging parte na siya ang aking pamilya.

Matagal na panahon din akong niligawan aking mga kapatid at magulang. Nasasabik silang matatawag na ‘anak’ at ‘ate’ ang babaeng minamahal ko. Sa wakas, dumating na rin ang kanilang pinakahinihintay. Natupad na ang kanilang pangarap.

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Sa wakas narating mo na rin ang kinalalagyan ko.

Nagkatitigan, mga mata’y nag-uusap tulad ng dati. Nangingilid na ang mga luha at natatawa sa ating dalawa. Niyakap mo ako ng mahigpit, at bumulong sa akin “Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo.” Napaiyak ako sa kanyang tinuran at niyakap ng mas mahigpit. Mahal na mahal ko siya. Lahat yata gagawin ko para lang siya mapaligaya.

Ilang hakbang na lang, humarap na siya sa dambana.

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Nagsimula na ang pag-iisang dibdib nila ng kakambal ko.

12 comments:

  1. salamat sa comment parekoy :))

    ReplyDelete
  2. mga adik yung nagcomment noh, madz?lol, may twist na naman sa huli..hmm

    ReplyDelete
  3. ang galing mo talga madz hehee..

    ReplyDelete
  4. tsugz!.. akala ko kung sino na ang hinarap sa dambana.. hehe... :)

    ReplyDelete
  5. waaaah!! bakeet?!?bakeet?!! (galet daw?!hihi) bakit hindi sila ang nagkatuluyan? nakaka-sad naman. :( anyway, nice story po! galing talaga! :D

    ReplyDelete
  6. Parang SOP opera lang na pwedeng gawing pelikula... aw!!!

    ReplyDelete
  7. ayos sa storya ah...

    kainis. haha!

    ReplyDelete
  8. tnx sa pagbabasa, senxa na natagalan :P

    @karen: oo nga eh lalo na yang si parekoy :)) balik ka agad ha :D

    @unnie: nyahay oo na sis na kita, wag ng mambola..bilog na nga ako e..LOL tnx sis

    @leng: hehehe akala ko rin :P

    @gillboard: yeah ouch talaga...tsk tsk

    @jepoy: smile na :)

    @Batang G: wahahaha at talagang may ganung emote.. :D

    @Goryo: huwaw, im touched *blush* hahahaha

    @chikletz: haha pareho lang tayong nainis sa ending..pm pm ulet :D

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design