Pages

Monday, June 28, 2010

Swerte pa rin pala...

Ako na yata ang pinakaswerteng babae sa mundo. Hindi dahil sa ibinigay sa akin ng Diyos ang pinakamagandang mukha, o perpektong hulma ng katawan. Wala rin naman akong mala-genuis na IQ katulad ng napapanood ko noon sa Battle of the Brains at sigurado ako sa sarili ko na hindi rin ako santa sa kabaitan. Isa lang ang bagay na nagpapaangat sa akin mula sa iba, kadikit ko ang tadhana.


Feeling ko mula pagkabata lahat ng bagay na nangyayari sa akin kahit pa aksidente o sakit e pabor sa akin. Kahit nga simpleng ulan marunong ding makisama kaya nga hindi ako nasanay na magdala ng payong. Alam kong hindi uulan kapag wala akong dala. Pero nung nakilala kita, bumaliktad ang lahat. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong universe.Nababasa na rin ako sa ulan. Mas madalas pa nga na umulan kapag wala akong dalang payong. Mukhang nag iinarte ang tadhana kaya nga siguro hanggang ngayon hindi pa tayo nagkikita ng mata sa mata. Nakatatlong attempt na tayong magkita at sa bawat pagtatangkang iyon ay isa lang ang nagiging resulta. Bokya. Hindi ko pa rin makita kahit dulo ng mga daliri mo.


PERO HINDI AKO BITTER (slight lang, pasumpong sumpong ba). Gusto ko sanang gawing emo ang nangyayari sa ating dalawa pero mas pinili kong tignan sa ibang direksyon ang lahat. Siguro sa likod ng naffrustrate kong utak e may sumisigaw pa rin ng “everything happens for a reason” at yung ang balak kong iappreciate sa post kong ito.


First attempt: FAILED


Ooperahan ka for the 2nd time (hindi ko alam kung bakit o hindi ko lang narinig nung nag eexplain ka). Isusurprise sana kita kaya nagdecide ako na puntahan ka sa Cavite kung san ka nakaconfine. Magkatxt tayo nun, at ang sabi ko pa papunta na akong opis pero ang totoo lulan na ako ng bus papunta sa inyo. Tumatawag ka pa nga ata nun pero hindi ko sinasagot, kasi baka nga mabuking mo na hindi ako sa jeep nakasakay. Nakarating ang bus sa Cavite at ang alam mo nasa opisina na ako. Hmmm excited na ko sa magiging tagpo. Nasa jeep na ako papunta sa ospital ng magtext ka na ililipat ka na at diretso operation na. Langya, ilang kanto na lang ako nun mula sa ospital na pinanggalingan mo alam mo ba yun? So, ayun nga hindi kita nakita buong araw. Bumalik pa ako ng dalawang beses, sa pagbabakasakaling magigising ka pero kahit sulyap sa ICU hindi nagmaterialize. :-(


ANONG MAGAGANDANG NANGYARI?


  1. Holiday ang Monday nung week na yun, kaya naman nakatatlong beses akong nakadalaw sa’yo (counted ba as dalaw kahit hindi nakita?)
  2. Walang trapik. Ieexplain ko pa ba?
  3. Nakilala ko ang ilan sa relatives mo. Grabe much effort ang pinsan mo sa pagsama sa akin habng hinihintay ka naming magising. At sa tatlong araw na yun, nakilala kita sa mata ng iba. Kumbaga walang tago, lahat pati mga nakakahiya at mga kalokohan mo nalaman ko na rin.
  4. Nakatikim ako ng pan de coco ng mama mo. Ang sarap niya infairness.
  5. Kahit namali ako ng sakay ng bus pauwi (Pasay instead of Cubao), chillax pa rin ako at nakauwi naman ng maayos sa mga byahe kong yun.


Second Attempt : FAILED


Nakarecover ka na from the operation at nagbalak ka naman na pumunta sa amin. Pero, nung mga panahong yun napakalakas ng ulan sa lugar kung nasan ka at yung payong na may pito lang ang available sa inyo. Nasiraan yung jeep na sinasakyan mo papunta sa terminal, tapos hindi pa agad mapuno yung bus na sinakyan mo kaya kailangan pa nilang magpuno. Napuyog ka noon ng ulan at sabi mo mukha ka ng basang sisiw. Sabi ko nga manghiram ka ng damit kahit kanino para lang hindi ka lamigin. Nung mga panahong yun, nagpprepare na ko pumunta sa palengke para magluto ng paborito mong nilaga para naman pagdating mo makahigop ka ng mainit na sabaw. Dinamihan ko pa ng bili ng patatas kasi alam kong paborito mo yun. Lumipas ang mga oras at hindi pa rin umaalis ang bus niyo. Ok n asana eh kaya lang bigla kang nagtext na sumusuka ka na ng dugo. Siyempre mega alala naman ako, lalo na nung tinext ako ng mama mo na kinukutuban daw siya. Nakailang text ka kaya nun na nagsusuka ka, kaya naman pinasundo na kita sa kanila. Haller dugo na kaya yun!! Ayun hindi na naman kita nakita. :-( :-(


ANONG MAGAGANDANG NANGYARI?


  1. Narealize kong may konsensiya pa rin pala ako. Na kahit gustong gusto na kitang makita, hindi ko isasakripisyo yung health mo para lang sa kapritso ko. May konting bait pa rin pala ako sa katawan.
  2. Napraktis ko ang aking cooking skills at narealize ang kahalagahan ng kapitbahay. Kung wala sila, e wala sana akong paglulutuan ng nilagang patatas. Hehehe
  3. Wala sana kaming ulam ng dalawang araw. LOL
  4. Nakapagbonding kasama ng kaibigan. Dahil sa frustration ko sa nangyari, ininvite ko ang kaibigan kong mag-ice cream. Actually pumunta kami nun sa Kaffe Razzo pero sarado pala sila ng Linggo (hehe sori naman) kaya sa Mega na lang kami kumain ng pasta na sobra ko namang naenjoy. Tapos pistachio – flavored gelato. Sarap ulitin!!


Third Attempt: FAILED


Nagsstart ka na noon magwork at nagdecide tayo na magkita sa darating na weekend. Malay ba naman natin na masisira yung tinrabaho mo ng dalawang araw at kailangan i-OT over the weekend. Hindi na naman tayo nagkita. :-( :-( :-(


ANONG MAGAGANDANG NANGYARI?


  1. Nakaadvance ako ng material namin para sa work dahil nakapag OT ako. Ngayon nasusulat ko tong post na ‘to na hindi patakas :-)
  2. Marami akong nakamustang mga kaibigan kahit sa facebook lang at narealize kong mababaw pa pala itong problema ko kumpara sa iba. Na hindi lang ako ang nangungunot ang noo at nahahagas sa mundo.
  3. Nagkaroon ulit ako ng hilig sa isang hobby na matagal ko nang nalimutan. Sana lang matapos ko.Good Luck sakin..hehehe


Madalas iniisip ko kung ano bang rason kung bakit ganito ang nangyayari. Parang pinanghihinaan na ako ng loob. Pero kapag maaalala ko ang magagandang nangyari despite sa mga failed attempts, hindi na rin sumasakit ang puso ko. Siguro nga hindi pa time, wag nating pilitin. Sabi nga nila hindi masarap ang prutas na hinog sa pilit. Dadating din ang time para sa ating dalawa. Crossed-fingers pa rin ako. Sana ikaw din. :-D

6 comments:

  1. yeah! parang mga eksena sa pelikula.. ang cute. :)


    --hmmm, kapag nagkita na kayo sigurado ako magiging masaya at mainit ang mga tagpo dahil sa kasabikan nyo sa isa't isa. tiis tiis lang.. darating din kayo doon..
    yung reason na sinasabi mo na "everything happens for a reason" for sure, BEST REASON. goodluck! :)

    ReplyDelete
  2. thanks for visiting my shop kahit Sunday hehehe...

    i hope ul come back again... M to S po kami open

    ReplyDelete
  3. Awww true story ba to?... Everything happens for a reason... In God's time sana magkita rin kayo... Just hang on...

    ReplyDelete
  4. sis dont worry malapit na yan,,malay mo bago matapos ang taon magkikita n kau nyahha tagal pa ano,,,konting tiis nlng malapit na ~~

    ReplyDelete
  5. "alam kong walang dapat sisihin na ako'y nandito at nandyan ka...pero dahil sa malayo ka, ako'y nalulungkot na! gusto na kitang makita, makita sa mata. gusto na kitang makasama, tayong dalawa!" :DD

    ReplyDelete
  6. at least madami pa ring magagandang nangyayari despite everything. sabi mo nga, swerte pa rin pala. i'm sure magkikita kayo in god's perfect time. good luck!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design