Pang 100th post ko sana 'to, kaya lang tinatamad na ko gumawa ng siyam pang kung ano-ano at isa pa parang gusto kong may maisulat hmmm siguro pasok na 'to sa year-ender post :)
1. Lagi akong natutulog sa gilid ng bed, kahit anong posisyon basta sa gilid lang palagi. Kapag naman may katabi ayoko nang nakaharap sa kanya, as in hindi ako makakatulog.
2. Nagsleepwalk na daw ako, yun eh sabi lang ng mga pinsan ko.
3. Dati mahilig ako sa kape (hot & cold/iced), tapos bigla ko na lang inayawan hindi ko rin alam kung bakit parang trip lang.
4. Hindi ako marunong magswimming, pero gusto kong magbabad sa tubig.
5. Natuto akong magbike mag-isa kasi nahihiya akong sumemplang. :))
6. Natanggal yung kuko ko sa thumb minsang umangkas ako sa side car (ouch)
7. Naglalaro ako sa playground sa barangay nung malalaglag ako sa baras at nagkaroon ng poknat. Pero bago ako umuwi sa bahay para ipagamot, bumili muna ako ng tubo (sugarcane) kay manong (minsan lang kasi dumaan yun, sayang ang moment).
8. Madalas akong madapa, madulas, mauntog...in short accident prone.
9. Mas gusto kong kumain ng pasta kesa sa kanin.
10. Paborito kong ulam ang tuyo, kalabasa (kahit anong luto), munggo, chicken adobo at yung isdang kulay orange pag pinrito (letter B ang start ng pangalan nitong fish na 'to).
11. Kumakain din ako ng mga ulam na may gata, pero yung sabaw lang.
12. Ngayon lang ako nakapgpahaba ng buhok, dati lagi gupit lalake (feeling ko naman walang pinag-iba).
13. Kung ano yung iniisip niyo kapag nakikita niyo ang title ng blog ko, ay yun na nga yun. LOL
14. Madalas sad ang ending ng kwento ko dahil nahihirapan akong idescribe kung ano yung feeling ng happy ending. Isa pa, sa'kin kasi wala namang happy ending, dahil nagpapatuloy yung masarap na pakiramdam. bow!
15. Maaga akong kumiri, at the age of 9, may kaloveteam na ako na namumula kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin.
16. Mas gusto ko ang magbake kesa magluto.
17. Sobrang makakalimutin ako, kahit nga sa pangalan mahina rin ako, kaya naman kapag nakakita ako ng kakilala at hindi ko matandaan ang pangalan, dinadaan ko na lang sa "ate o kuya".
18. Before meron akong sumpa sa relationship, lagi na lang hindi umaabot ng 1st monthsary. Ngayon, dalawa na yung nakabreak at pareho na rin silang wala sa buhay ko. LOL
19. Ma-effort ako sa relationship, as in walang imposible at all out.
20. Lagi kong inaamoy yung pagkain bago ko kainin.
21. Nagtry akong mag-smoke. Phillip Morris ata yun at sa harap pa ng tita ko, pero hindi ko talaga siya nagustuhan.
22. ONE TIME (i-emphasize ba), nagising na lang ako at nagtaka kung paano ako nakaakyat at nakatulog sa kwarto ko.Sobrang kalasingan.
23. Sabi nila, malakas daw akong uminom ng alak.Parang di naman, slight lang.
24. Kapag may videoke, asahan mong hindi mawawala sa pondohan ko ang Linger (Cranberries), Stay (Lisa Loeb) ,Bizarre Love Triangle (Frente), Till they Take my Heart Away (Claire Marlow) at OO (Up Dharma Down).
25. Ngayon lang ako natutong ngumiti sa picture.
26. Madaming nagsasabi na suplada daw ako, pero ang totoo hindi ko lang sila makita kasi malabo ang mata ko.
27. Hindi ako nagpapahaba ng kuko, ang kati kati sa pakiramdam.
28. Hindi rin ako naglolotion, ang lagkit sa pakiramdam.
29. Tama na sa akin ang pulbo at cheek tint. Make- up is a no-no.
30. Muntik na akong ikasal. Kumpleto na ang mga abay at ninang. Ang umayaw hindi kami ni ex, yung nanay niya.
31. Mataba ako noon..........hanggang ngayon naman :))
32. Puyat o lasing sa tulog, hindi nawawala yung eye bags ko. HELP!
33. Tuwing magsusulat ako ng post sa blog, may isang tao na lagi kong inaantay magcomment. Excited na ko pag nakikita ko na yung location niya sa live traffic feed (kabisado talaga).hihihi
34.Natry ko nang mag-skip read. LOL
35. Single na ulit ako.
Hahaha yan na lang muna. Wala na akong maisip at alam ko namang hindi rin yan mababasa lahat :)) Nice meeting you! Balik ka ulit :)
bonggang bonggang revelations ang naganap sa page mo. today i found out we have a few things in common :D
ReplyDeletewhahah revelation ba ito... heheheh naks dami ko ngaun new info sayo hehehhehe :D
ReplyDeleteMads, ako ay iyong ginulat. Sa isang post na ito ang dami kong nalaman na hindi ko kailan man maiisip na itanong sa iyo. Dalagang bukid yata yung isdang tinutukoy mo na nagiging orange.
ReplyDeletenaglalakad ka habang tulog? wow...
ReplyDeletepareho tayo... mahilig sa pasta.
natuwa ako sa number 15. hehehe
may experience din ako... di ko alam kung ano na nangyari sa sobrang may tama ng alak. :D
hahaha... nakarelate ako sa number 25... kung di pa naayos ang ipin ko di ako ngingiti sa picture. lol
hahaha ang saya lang talaga ng buhay mo...
ReplyDeletebinasa ko lahat promise! =D
ReplyDeletetuwang tuwa ako sa number 22! hahaha! may ganyan din akong experience! =P
dahil year ender post, ako rin makikiuso sa ganito. inggetera lang. =P
wv:hakedsta
BINASA ko lahat. :) Swear!
ReplyDeleteKacute ng mga gantong facts about sa blogger. Haha. Ang sarap basahin. Ako naman, lahat ng comments inaabangan ko. Haha. Nakakatuwa kasing may nagrereact sa post mo. Ayoko ng Dalagang bukid (orange na isda pagkapirito) at may naalala ako sa pag-amoy ng pagkain bago kainin. Haha
ahmm...teka kilala mo kaya ako???nyahaha
ReplyDeletepondohan...new words..kantahan na..rak en rol (mahilig ka ba sa ganon??)
unang komento para sa iyong bahay blog at ika100 mong likha...
tara swimming na...hohoho
ako din laging sa gilid natutulog at nakatalikod sa katabi. hehehee. accident prone ka rin pala parang si yanah. hehehehe
ReplyDeletenext time naman na ipost mo mga things about kay vann lao. hahaha interester din ako eh. you know who i am. hahaha
ReplyDeletenapaisip tuloy ako sa number 10. letter B? bangus ba ay orange din kapag pinrito?hehe. nacurious naman ako sa 33. sino kaya ang maswerteng taong ito? :))
ReplyDeleteandaming facts about you.
ReplyDeleteayoko din ng mahaba ang kuko ko. parang di ako mapakali hanggat di ako nakakapag nail cutter.
ang dami nating pagkakapareho sis nice naman hehehe ang dami atang may post na puro revelasyons ang laman..hehehe
ReplyDeleteat syempre, di ka nagsalita kahapon, kilala pala kita!!!
ReplyDeletehehehe
nice meeting you too...
baka sabihin mo nagskip read ako... pareho tayo, dati di ko napapaabot ng isang buwan ang relasyon ko. at nagyoyosi ako sa harap ng parents ko. kasi alam nila na di ko gawain yun.
Single na pala, tamang tama, ang sasabungin kong si Arnee, handa nang tumuka.
ReplyDeleteHappy New Year Madz.
:)