"Uuwi ka ba ngayong pasko?"
"Hindi po ako sigurado inay, marami po kasi akong tinatapos na trabaho."
"Ilang taon ka nang hindi umuuwi, nag-aalala na kami ng itay mo sa'yo"
"Nay, huwag po kayong mag-alala hindi naman po ako nagpapabaya dito.Tumatawag naman po ako palagi at tsaka alam niyo naman po na hindi pa natin tapos bayaran yung bahay natin diyan. "
"Anak ang sa amin lang,hindi naman importante yung pinapadala mo. Mas gusto namin na nakikita ka, para napapanatag kami ng iyong itay."
"Sige nay subukan ko na lang pong umuwi, ibaba ko na po ito tinatawag na po ako ng boss ko."
"Sige anak, lagi mong tatandaan mahal ka namin ng itay mo"
"Opo nay mahal ko din po kayo."
Pagkababa ko ng cellphone ay sumakay na ako ng bus. Nasa terminal na ako nang tumawag ang aking inay.Wala sana talaga akong balak umuwi subalit hindi ko na sila matiis. Hindi ko na kayang magpasko na wala sila sa aking tabi. Matapos kong makahanap ng pwesto sa bus ay pumikit ako saglit. Sinusubukan kong matulog subalit parang hindi ako dalawin ng antok. Napatingin na lamang ako sa bintana sabay haplos sa aking tiyan.
"Henry,buntis ako"
"Mica, sinabi ko naman sa'yo na hindi pa ako handang magkapamilya. Sana nag-ingat ka."
"Anong gusto mong gawin ko? Nandito na Henry, bakit hindi na lang natin ituloy? Nagtatrabaho din naman ako ah. Kayang nating buhayin 'to"
"Hindi mo ba nakikita Mica, unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko, ng pamilya ko. Ngayon pa ba ko titigil dahil diyan sa laman ng tiyan mo? Mas kailangan ako ng mga nandito na sa mundo Mica, ikaw mas kailangan ka rin ng mga magulang mo. Gawin mo ang makakabuti para sa kanila, para sa atin."
"What are you suggesting Henry?"
"It's for our own good Mica. We can start a family, pero hindi ngayon."
Kahit matagal na, pakiwari ko'y kanina lamang ang usapang iyon. Masakit. Hindi ko matanggap na hindi ako kayang panindigan ni Henry. Pinagpipilitan pa rin niyang wag nang ituloy ang aking pagbubuntis at dumating sa punto sa pinapili niya ako.Mahal ko si Henry ngunit mahal ko rin ang aming magiging anak. Hindi ko alam kung makakaya kong buhayin ang aming anak na wala siya. Subalit hindi ko rin naman kayang mabuhay kasama ni Henry at palaging iisipin ang ginawa namin sa aming anak. Naulit pa ang mga pagtatalong iyon at sa bandang huli ay nagdesisyon na nga ko.
Muli kong hinaplos ang umimpis kong tiyan. Hindi ko na pwedeng bawiin ang aking desisyon, bagamat hindi ko rin naman ito pinagsisisihan. Nahiya akong umuwi at magpakita sa aking mga magulang kaya naman pinili kong magtago ng ilang taon at ayusin ang aking buhay. Minsan, sa aking pag-iisa naiisip ko kung mapapatawad pa kaya niya ako, kung naisip pa kaya niya sa sandaling iyon na mahal ko siya. Yung sandaling pinili ko si Henry.
Nakangiti akong napatingin sa salamin habang pinagmamasdan ang pamilyar na lugar na madalas kong daanan. Para akong bumalik sa pagkabata sa sobrang pangungulila sa aking mga magulang.Sabik na sabik ako sa kanila, gusto kong hilahin ang oras para makarating na ako sa amin at sa wakas ay mayakap ko na ang aking mga magulang. Sana sa pagdating kong iyon ay mapatawad nila ako, lalo na't gusto kong ipakilala ang lalaking pinakamamahal ko. Pinagmasdan ko siyang muli. Mahimbing ang kanyang tulog sa aking tabi. Gusto ko man siyang gisingin para ipakita ang tanawin sa labas, hinayaan ko na lang siya na natutulog. Alam kong pinaghahandaan niya rin ang pagkikita nila ng aking mga magulang. Pumikit na rin ako at sinubukan matulog.
"Diversion na po, lumapit na yung mga bababa"
Nagising ako sa sigaw na iyon ng konduktor. Ginising ko na si Henry at sinabing andito na kami. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili. Pagbaba namin sa bus ay sumakay na kami ng tricycle pauwi sa amin . Madilim sa labas ng bahay, subalit sa tahol ng aso ay biglang bumukas ang ilaw sa harapan. Halatang nagulat si inay, umiiyak siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahipit.
"Anak, akala ko hindi ka darating. Miss na miss ka na namin."
"Inay,miss ko na rin po kayo"
Matagal kaming magkayap ni inay nang biglang may humigit sa aking kamay.
"Inay, may gusto nga po pala akong ipakilala sa inyo."
"Siya ba ang dahilan sa hindi mo pag-uwi ha anak?" Nakangiting tanong ng aking ina habang nakatingin kay Henry.
"Opo inay, patawarin niyo po ako.Saka ko na po ikukuwento ang nangyari sa akin sa Maynila. Siyanga po pala Inay si Henry po, ang apo niyo."
"Lola, Merry Christmas po!"
dapat ka talagang umuwi. malungkot ang pasko pag di mo kasama ang mga mahal mo sa buhay
ReplyDeleteooh ang ganda naman ng story line... :D
ReplyDeleteyou love him so much no? henry.. kadakila ng iyong love.. merry xmas po..
ReplyDeletenice1. dapat inde henrico na yung pinangalan sa anak. lol. juk lang.
ReplyDeleteang lungkot pero very touching at sad to say nangyayari yan sa tunay na buhay, kanit kanino, mayaman o mahirap
ReplyDeletewow nman..walang hiya yung lalaking yun ahh..hmmmmmmmmm
ReplyDelete