"Matulog ka na"
"E ikaw?"
"Hindi pa ako inaantok"
"Ako din hindi pa inaantok"
"Sige na wag nang matigas ang ulo. Kailangan mo nang madaming pahinga"
"Wala naman akong ginagawa dito kundi nakahiga, paano ako napagod?"
"Basta matulog ka na."
"E ikaw?"
"Oo na matutulog na.
"Baka magfacebook ka pa"
"Nakapatay na cp ko. Tara na matulog na tayo"
"Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita"
Hindi ako natuluyang umalis noong araw na iyon. Naiaabot ko kay Andi ang baso ng tubig at natapos namin na magkatabi ang pagkain namin sa tanghalian. Marami kaming napagkwentuhan at napatunayan kong hindi naman pala likas kay Andi ang pagiging masungit. Palagay ko front niya lang ito para sa mga taong katulad ko na masyadong papansin.
Kinulang ang lunchbreak na iyon sa aming mga kuwentuhan kaya naman nasundan pa ang mga pagkakataong "aksidente" kaming nagkakasabay sa pagkain. Nariyang may inutos sa akin ang nanay, tatay, kapatid at kung sino pa na kakilala ko na bilhin sa mall. O kaya naman may kailangan akong supplies para sa negosyong sinisimulan ko. Kahit anong dahilan na pwede kong irason para lang hindi mahalata ni Andi na siya naman talaga ang pinupuntahan ko. Nahahalata na rin naman niya siguro, hindi lang siguro makapagsalita dahil alam niya na may kasintahan ako.
May balak rin naman akong magtapat kay Andi, pero hindi muna sa ngayon. Kailangan ko pa kasing ayusin ang buhay ko. Kailangan ko munang tapusin kung anuman ang dapat ay matagal ko nang naresolba. Alam ko darating din ang araw ng pagtatapat kong iyon. Hindi ko lang inaasahan na mapapaagap ng kaunti.
"Xander kamusta na kayo ng gf mo? Ano, nagparamdam na ba? Umalis na ba yung legal na bf?"
"Ayos naman ako. At yung sagot sa tanong mo parehong hindi. Kumain ka na nga lang diyan, nawawalan ako ng gana sa mga sinasabi mo"
"Sus ang arte ng mama,pakiabot nga ng toyo. Nagtatanong lang naman. Ang tanga tanga mo lang kasi sa palagay ko."
"Tanga ba talaga ako Andi? Dapat na ba talaga akong maghanap ng iba?"
"Ah eh ewan ko sa'yo katawan mo naman yan. Sa akin e opinyon lang.Grabe namiss ko kumain ng isda."
"Sana nga magparamdam na siya kasi kapag hindi pa baka mabaling na sa iba nararamdaman ko."
""Ang malas naman ng mapapagbalingan mo. Magiging panakip butas."
"Hindi siya panakip butas. I like her."
"Baka naman dahil binibigyan ka niya ng atensyon na hinahanap mo sa gf mo kaya mo siya nagustuhan"
"Hindi yun Andi. Alam mo naman na hindi ako basta basta naiinlove. Kaya alam ko na totoo 'to"
"So ayun meron na nga. Kaya pala hindi mo na masyadong pinoproblema gf mo kasi nakahanap ka na nang kapalit. Kayo talagang mga lalaki.. tsk kung sino man 'tong bago, good luck sa kanya."
"Hindi naman ako ganong tao Andi tsaka nagugustuhan ko pa lang siya. Gusto ko pa rin muna na magkaliwanagan kami ni Cyril bago ang lahat."
"Mahal mo pa ba si Cyril?"
"Hindi ko na alam Andi. Parang may iba ng pumapalit dito (sabay turo sa dibdib).Ikaw, kung ikaw nasa lagay ko anong gagawin mo?"
"Seryoso?"
"Oo"
"Kung ako ikaw seryoso ha matagal ko nang hiniwalayan si Cyril. Unang una kabit ako. Pangalawa sa ginawa niyang hindi pagpaparamdam ng ilang buwan nga? dalawa?tatlo? dahil dumating na yung totoong bf niya di ba malinaw na yun na ginagamit ka lang niya? At dun sa nagugustuhan mo? Kung ako ikaw, sisiguraduhin ko muna na totoo nga yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil kawawa naman siya kung panakip butas mo lang."
"Hindi ka magiging panakip butas Andi."
"Pengeng sili Xander kulang sa anghang 'tong sawsawan mo"
"Narinig mo ba sinabi ko?"
"Oo narinig ko. Sige na kain na."
"Mahal na yata kita Andi.Ang ibig kong sabihin, Mahal kita Andi"
.......
.......
......
.......
"Salamat."
**********
Para sa hindi nakabasa, ito po ang simula.
"Mahal na yata kita Andi.Ang ibig kong sabihin, Mahal kita Andi" sabay salamat lang yung sagot oh.. pude naman mahal na rin kita eh...
ReplyDeletewag ganun....
kinikilig ako sa salitang mahal, nakakaloka. hehe..
ReplyDeletenaalala ko ang sabi ng isa kong kasambahay, sabi nya pag may nagsabi daw sayo ng ILOVEYOU, hindi dapat ILOVEYOUTOO ang isasagot mo. dapat daw, REALLY? ARE YOU WILLING TO DO EVERYTHING FOR ME? gusto ko syang sampalin right there and then. ang OA. (naishare lang)
kung ako ang nasa kalagayan ni Andi, siguro, salamat din ang una kong sasabihin. mabigat ang salitang mahal kita. it will change everything. kaya pagiisipan ko muna, but i won't be closing doors.
wait ko ang third part ha! am sure may kasunod to! =P
sa totoo lang,, sa pagbabasa ko nito, parang nagiging positibo uli ang pananaw ko sa love..
ReplyDeletekeep it up madz!
tc!
salamat ang sagot? hmmm may ibang ibig sabihin yun :D
ReplyDeleteMukhang tama ang hula ko sa part 1. ;)
ReplyDeletesigurado ako, kinilig si Andi noong sinabi ni Xander yong "Mahal kita Andi". :)
ReplyDeleteang korni ni Andi. haha! pakipot. yoko na! hahahaha!
ReplyDeletemay part 3 po ba??part 3 part 3 hehehe
ReplyDelete