Pages

Tuesday, December 7, 2010

Date with Maui

"Tita, bibili na pala ako ng damit"
"Sige after nating kumain bibili na tayo"

Pag-akyat sa department store, humanap na kami ng damit ng pamangkin ko. Buti na lang isang pilian lang ay nagustuhan niya agad.

Sa loob ng fitting room...


"Tita magkano?"
"4xx"
"Tita may bibilhin pa ko"
"Ano yun?"
"Tita damit pangmayaman"
(Napacartwheel ng 2 beses) "Damit pang mayaman?!?!? San mo nakita?"
"Nadaanan na natin tita kanina, tinuro ko pa nga sa'yo."
"Sige sukat mo muna 'to tapos babalikan natin"


After magfit ng damit, nacurious naman ako sa sinasabi niyang damit. Lakad kami pabalik dun sa nadaanan namin kanina. Maya-maya may kinuha siya sa hanay ng mga damit. 


"Tita eto oh"
(Napatawa naman ako) "A iyan ba? Sige tanong natin kung may size mo"
"Magkano tita"
"4xx"
"Ayun may sukli pa, bibili ako pajamas"

After ulit magfit ng damit, minadali ko na siya kasi dadalaw pa kami sa tita ko sa hospital. Pagdaan naman sa mga infant wear ay may naalala si Maui.


"Tita, wala akong pasalubong kay Charles (kapatid niyang bunso)"
"Ayan oh may take out naman tayo sa KFC"
"E bibilhan ko na lang siya ng damit, pa-11th month gift ko sa kanya. Isoli ko na lang 'tong pajamas ko."
(Tutyal si Maui, parang bawat buwan may gift sa kapatid) "Sige ikaw bahala."

So ayun tumingin kami ng damit. At ang gusto niya din ay "damit pangmayaman" para sa pamangkin kong isa. Hinayaan ko siyang makipag-usap sa sales lady.


"Miss, may iba kayong style"
"Ma'am eto po (may binigay na damit)"
"Meron na niyan si Charles eh"
"Eto po ma'am new arrival po itong mga 'to (tinuro yung iba)"
"Ayoko niyan gusto ko yung may butones sa harap"


Umaandar yung oras kaya naman sumingit na ako sa usapan nila. Nakailang suggest pa kami ng saleslady bago siya makapili ng pinaka-type niyang pasalubong. Binayaran na namin lahat ng binili niya at noong may sukli pang kwarenta pesos nasabi na lang niya:

"Bibili na lang ako ng pencil dito"


Dahil late na at baka hindi na kami papasukin sa ospital, sumakay na lang kami ng tricycle pagdating sa bayan. Habang nasa loob ng tricycle ay nakipagkwentuhan ako kay Maui nang bigla siyang umimik:


"Sayang tita hindi tayo one big happy family"
(Nagulat naman ako sa statement niyang iyon) "O bakit naman?"
"Kasi wala dito sina mama (nanay ko), si lola fe at si tita eli"
"Eh di yung mga nandito na lang, di ba masaya pa rin naman?"
"Hindi pa rin yun, kasi dapat nandito sila. Sabi yun ng teacher ko pag one big happy family daw magkakasama lahat"
(Speechless na ko dun)


Maya-maya...


"Tita kelan lalabas ng ospital si lola?"
"Malapit na yun."
"Eh kelan nga yung malapit na yun?"
(hindi ko rin naman alam kung kelan) "Oh nagtxt na si tita mo, what time ka daw niya susunduin?"
"Ako na lang tetext sa kanya kapag magpapasundo na ko"
"Ok"

Pagdating namin doon ay ibinalita ko sa tita ko na nagshopping galore si maui at pinakita namin sa kanya yung mga damit na pinili niya. Tawang tawa yung tita ko nung pinakita ni maui yung "damit pangmayaman" na sinasabi niya. Tinanong din niya kung kelan si tita makakalabas. Katulad ng sinabi ko, yun din lang ang naitugon ng tito ko "malapit na". Maya-maya dumating na rin ang tita ni Maui at umuwi na rin siya. Siguro after an hour nagpaalam na rin ako sa tita ko para umuwi kasi hindi pa ako nakakapagprepare ng damit pagluwas ko sa Maynila.



****Naisipan kong ipost ang date na ito with my pamangkin dahil sa tagal na hindi ko siya nakita (mga ilang buwan din siguro), napansin ko na malaki na yung pinagbago niya. Dati kasi sobrang spoiled siya at lahat ng magustuhan niya ay gusto niyang makuha or else... Tapos yung conversation namin, kumbaga naglevel up na, mas aware na siya sa mga nangyayari sa paligid and she started to care for others lalo na nung dumating ang kapatid niya. Sobrang tuwa lang siguro ako na I had this special moment with her or maybe dahil din narealize ko na tumatanda na nga talaga ako. LOL Anyways, eto nga pala pics namin at yung sinasabi niya na damit pangmayaman :)




Meet Maui :D




Eto pala yung "damit pangmayaman", isang set pala ng pantulog (at dapat talagang  de-butones ang pang-itaas)















9 comments:

  1. bibili nga rin ako nyan para magmukha akong mayaman hahahahaha

    ReplyDelete
  2. haha! fahionista ang batang yan! matutulog na lang kelangan pang mayaman pa ang suot.. susyalera! panalo! lol!

    ReplyDelete
  3. nakakatuwa naman yung pamangkin mo sis hahaha kailangan talaga pangmayaman hehehe

    ReplyDelete
  4. Tita, kelan ang date natin? Gusto ko din ng damit pangmayaman. :)

    ReplyDelete
  5. aw.. bibong maui.. hehehe...

    At may damit pangmayaman pang nalalaman.. echusera.. lol hehe

    ReplyDelete
  6. hehehe.. kakatuwa naman siya, she seems smart! ilang taon na si Maui?? :)

    ReplyDelete
  7. akala ko naman matanda si maui... bata pa pala. ganyan talaga siya makipag usap? parang ang matured. bibo ah!

    ayos sa damit pangmayaman... request sana ako ng picture sa damit na pangmayaman. ayon na pala. hehehe

    ReplyDelete
  8. ahhahah!!! ntawa namn ako dito! At ito pala ang nabili nyong magtiya! hehhehehe!

    Hays namiss ko tuloy ang first baby ko. ang bilis niyang lumaki. ngayon conscious na sya sa halos lahat, very caring sa kapatid and she wants the best for her love ones...

    Sana nga makpg celebrate na tayo ng xmas as one big happy family... Nakakamiss na...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design