Pages

Monday, December 20, 2010

Alaala ng isang feelinggerang Geisha :))

Dumating ang memo sa opisina tungkol sa Christmas party at nakasaad dun na ang theme namin this year ay Oriental. Naexcite naman ako ng slight sa memong ito at gusto ko biglang sumali. Nadagdagan pa ang excitement ko ng mabasa sa bandang baba ng memo na ang mapipiling best in costume ay mananalo ng tumataginting na 10k at sampung consolation prize na tig-2k. Sino ba naman ang hindi gaganahan dito? Kaya naman 2 weeks before ng aming party ay nagsearch na agad ako sa net ng mahihiraman. At hindi naman ako nabigo sa paghahanap, may nakita ako at malapit lang din sa place namin yung location. Kaya naman nang maconfirm ko na kung papaano makapunta dun ay ibinalita ko na agad ito kay opismate.

(12-02-2010 )
Madz: Gusto kong magcostume.
Opismate: Magrerent ka?
Madz: Oo. May nakita na ako.
Opismate: Sige sige suportahan kita.

(12-04-2010)
Nagpasama ako kay opismate dun sa bahay ng rerentahan. Medyo magastos sa pamasahe ha.
Madz: Eto o ang ganda!
Opismate: Oo nga Madz, ang ganda nga!
Madz: Balik na lang ulit ako dito pag rerent ko na *grin*


(12-08-2010)
Madz: Parang tinatamad na ko magcostume.
Opismate: O bakit naman?
Madz: Ang mahal kasi eh. Isang gamitan lang naman.
Opismate: Malay mo manalo ka. Sayang din yun Madz, pambawi sa pinang rent mo.
Madz: Bahala na si Batman.

(12-09-2010)
Madz: Excited na ko!
Opismate: Saan?
Madz: Dun sa costume.
Opismate: O e akala ko ba hindi ka na magrerent?
Madz: E minsan lang naman yun di ba? Para maiba naman Christmas party ko this year.
Opismate: Sige sige ako din excited na!

(12-10-2010)
Opismate: Kelan mo kukunin yung costume?
Madz: Hindi ko alam, bahala na pag natripan ko pang irent.
Opismate: Ganun? Sayang Madzzzzzzzzz

(12-14-2010)
Madz: Hui make-up mo ko ha!
Opismate: Make-up para saan?
Madz: Na-rent ko na yung costume nung Sabado *wink*

Kaya naman kinabukasan ay hanggang ulo ang ngiti ko hahaha dahil bukod sa United Nations ay first time kong umattend ng party na nakacostume. After ilang days ng pabago-bago ng isip ay natupad din ang pangarap kong maging geisha…hahahah Nga pala foundation at lipstick lang ang make-up ko niyan (medyo kailangan na nga ng retouch), nakalimutan kasing dalhin o inenok ni opismate ang make-up ng ate niya..LOL 


                     Back view (Si opismate ang may pakana nito)

                          Front View (Medyo nahihiya pa ko niyan :D )

                            Kung makangiti kala mo panalo :))



Pagkatapos ng event na ito, nakuha ko pang mag-bus at maglakad sa kahabaan ng Cubao nang hindi nagpapalit (talagang sinusulit ang pinangrenta LOL).Pag-uwi ko sa bahay, nangako ako sa sarili kong hindi ko na muling papangaraping maging isang geisha. #$%^&! kasi eh, di ako nakakain ng maayos, ang higpit kaya sa tiyan nung OBI belt. :))



14 comments:

  1. hahaha, sagabal ang belt! lolzz eh nanalo ka naman ba? :D

    ReplyDelete
  2. hahaha medyo nahirapan magdecide pero last part... wahehehe

    ReplyDelete
  3. sure xmas party un at hindi united nation ha hihihih.

    pabago bago ng isip, pero sa huli yun din ahahaha..

    ReplyDelete
  4. wow.. last time, gown.. now naman.. filingerang geisha.. kaw na! :)

    ReplyDelete
  5. Bagay!

    natawa ako doon sa naglakad ka pa talaga sa kahabaan ng cubao. talagang sinulit mo ang pinangrent mo ah. hehehe!


    Merry Christmas! :)

    ReplyDelete
  6. feeling ko umuwi kang talunan kasi di mo sinabi sa ending ng post mo kung nanalo ka or not eh. hahahaha.. :p

    pero nice yung outfit mo. :)

    regaluhan kita ng payong na pang-japanese para kumpleto na get-up mo.

    ReplyDelete
  7. ayun oh... naks naman..... kinacareer hahha..... so nanalo ka ba?

    ReplyDelete
  8. ayoko magcomment. bwahahahaha.ayoko masaktan ka. nyahahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  9. @LordCM

    uwo eh sarap pa naman at buffet style ang pagkain... no comment sa tanong mo..LOL

    @Kiko

    oo nga eh, ganun kagulo utak ko..haha

    @istambay

    Xmas party yan, naman may sash dapat kung United Nation..hehehe

    ReplyDelete
  10. @MD

    haha ganun talaga minsan lang eh kaya ilevel up na!

    @Supladong Office Boy

    hahaha no comment sabi... aantayin ko yung payong ha..paLBC mo na lang :D

    @AXL

    no comment ulet! :))

    @Anonymous aka Kikilabotz

    Langya ka talaga at kumocomment ka pa ng ganun? Wala na wala na...

    ReplyDelete
  11. feel na feel ah heheh ganda! yan ang career!

    ReplyDelete
  12. kaya next time wag kang magcostume kung balak mo'ng kumain ng maayos. hehehe. anyway, bagay naman sayo :D

    ReplyDelete
  13. sayang ang food, tsk2 istorbong belt yan, hehehe

    nanalo ka po ba?

    would you like to xlinks?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design