Pages

Tuesday, April 12, 2011

Wala pa noong txt, wala pa nong email, meron lang..

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ako dalawin ng antok. Sa mga ganitong pagkakataon ay ito ang kadalasan kong ginagawa:

1.Manood/ makinig ng tv habang nagbabasa ng libro, nagtetext at nag-iinternet.
2.Makinig ng radyo habang nagbabasa ng libro, nagtetext at nag-iinternet.

(Oo ako na ang multi-tasker of the century! LOL)

Pero iba kagabi. Wala akong ganang gawin ang mga nabanggit sa itaas. Kaya naman mega-zoom out/in ang aking eyes para maghanap ng pampaantok at ito ang aking natagpuan.






Dami noh?? Hindi ko binasa lahat yan, grabe ka naman. Ang binasa ko lang diyan eh yung hindi ko na matandaan kung sino ang nagbigay at kung ano ang laman. Yep, yung iba diyan alam ko pa kung ano ang tema ng sulat. Adik lang! Sa muling pagbuklat ko sas nakaraan eh may ilang papel/kalat na talagang nag-standout. Ito ang ilan sa kanila:



Mahilo-hilo ako ng muling basahin ang nalagay sa papel na ito. Tantya ko eh 3rd year highschool ako nito dahil yung topic sa tsismisan dito eh nakaklase ko lang nung taon na yun. At talagang umeffort kami sa ganitong istyle ng pagsulat para lang pagtsismisan ang aming mga kaklase. Kung gusto mo ring makitsismis pero nahihilo kang basahin ang sulat eh eto lang naman ang laman niyan:

-kung gaano katsismoso ang isa naming kaklase na walang leeg at malaki ang ulo na sabi ng isa e parang idinikit na lang daw yung ulo sa balikat. Pero wag ka, crush pala namin siya nung time na yun..LOL

- kung matutuloy ba ang praktis namin noon sa Filipino subject.

-ang maarte naming kaklase (dahil nilalandi si malaking ulo na walang leeg naming classmate) at mga bad things about her

- yung tulog naming kaklase at nahuli niya kaming nakatingin sa kanya

Yan lang yun. Sa hinahaba-haba ng sulat, yan lang ang inikutan na mga topic.





Ito naman eh may kinalaman dun sa post ko dati. Yung ticket eh nung magconcert ang Hale, Sugarfree at Sandwich nung birthday ko. heheh Saya lang niyan kasi konti lang yung nanood kaya naman pinalipat na kami sa harap ng stage. Wooh happy birthday talaga!

Yung lalagyan nung film alam mo ba kung ano ang laman?? Hahahaha CHOCOBOT/CHOCOMANI na binigay nung crush ko nung 2nd year highschool. Hindi ko talaga kinain yan, at tinatago ko pa hanggang ngayon. AMF!

Anyways, wala lang masarap lang basahin at alalahanin yung mga pinagmulan ng mga  sulat na 'to. Pagka text kasi, pwedeng mabura din agad. Email naman, wala lang katamad magbasa. :P  Tsaka mas napi-feel ko yung effort pag mga ganitong sulat. Parang litrato lang, priceless possession talaga. :)

12 comments:

  1. I can relate to the nakakahilo na letter. ganyan kami magpasahan ng notes dati ahaha

    ReplyDelete
  2. kakatuwa naman at may natitira ka pang ganyan.. ako kasi wala na, hindi ko na alam kung nasaan.. pero ganon pa man, naalala ko din ang nakaraan dito s post mo na ito.. highschool days.

    hindi uso ang test kaya simpleng ahppy weekend sa kung ano anong korte ng papel ang nakasulat at ipinamimigay ng aking mga (malalanding) kaklase.

    at.... tama na... madami eh

    magandang araw :)

    ReplyDelete
  3. yeah yan ang uso noon... sobrang effort na at sobrang matotouched ka nah kapag nakatanggap kah these days na mga ganyang sulat... lahat tamad tamaran na at syempre lahat online nah kc eh... mabilisan nah... anyhoo... i remember mahilig den akoh magsulat nang ganyan 'ung nakakahilo... kakamiss den ang old days =)

    napadaan galing kay chikletz... Godbless!

    ReplyDelete
  4. Haha. Madami din ako papel sa drawer pero lahat basura. Haha. Mga notes sa school at lectures, ayoko naman magbasa ng ganun di ba? Haha. Elementary ata nung nauso sa amin yung sulat sulat na ganyan. Pero wala naman ako natabi. Haha.

    ReplyDelete
  5. Tamah! Kahit na may internet pa, iba pa rin ang "hard copy." yung mahahawakan mo talaga.

    grabe ka ha at itinago mo pa at di pa kinain ang chocomaning binigay ng ong crush. ang saya siguro pag nalaman ng crush mo. haha. joke lang. :D

    ReplyDelete
  6. Uyyy bago ko simulan,.. hellow nagkatagpo tayo sa facebook! Salamat sa Add! Nag isip pa ko kung sino ka! Waheheh.. Oh wait kaw ba yun? baka mali ako! Hahaha

    At Ang relate ko sa post na ito! Sandamakmak ang kalat ko dahil lang sa mga memories... di ko alam paano sila iimbak ng maayos! hahahaha :)

    ReplyDelete
  7. nakuuu iba talaga pagsulat kaso tamad kaming magsulat ng mga friends ko eh yung mga pictures naman namin na sangkatutak eh nandun sa usb ko na nawala huhuhu so halos wala akong natirang priceless possession..=(

    ReplyDelete
  8. sobrang napa WOW ako sa sulat na yun! circumscribed ba! ahw hehe. akala ko bigay un ng bf mo at talagang effort much ang pagsulat niya, un pala eh tsismis paper hehe.grabe rin tripping niyo ah, nakakatuwa.

    nakakamiss tlaga hayskul noh! pareho tayo! marami rin akong naitagong mga sulat nung hayskul, mga bagay bagay nung hayskul. in fact, 70% siguro ng mga gamit ko sa kwarto ngayon eh mga gamit ko nung hayskul pa. hehe. ayos yun. sarap balik balikan hayskul eh hehe

    ReplyDelete
  9. kakahilo ang spiral type letter, ppero mas mahirap kapag nakabasa ka ng maze type na sulat tapos parang kinalahig ng manok ang penmanship

    ReplyDelete
  10. ang daming sulat.. parang fan mail ah.. hahaha anong klasing sulat ung pic sa huli, nakaka stress cguro basahin yan..

    ReplyDelete
  11. ako din isang malaking kahon ung mga letters. mga love letters ko na ibinalik ng mga nililigawan ko kasi basted hehehe

    ReplyDelete
  12. hahaha--mukhang ang daming mga papel na pinunit mula sa lumang slum note or diary.lols

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design