Monday, April 18, 2011

Lipat Bahay


 
Kung kelan kabisado mo na
Kung kelan inaalagaan mo na
Kung kelan komportable ka na
Tsaka darating ang masamang balita

Sayang.
Madami pa naman akong plano.
Para sa’yo, para sa ating dalawa.
Magagandang bagay na siguradong
ikatutuwa mo.
Subalit yun nga.
Unti-unting naglahong parang bula.

Hindi ko ‘to ginusto
Lalong ayokong lumayo
Sadyang hindi ko na lang kontrolado
Hindi lang ako, hindi lang tayo
Kaya kailangang gawin ito.

Paalam.
Huwag ka nang magtampo.
 Babalikan kita,
sana'y wala ka pang iba
Pangako.


Kapag kaya ko na,
Kapag kaya ko na.


7 comments:

  1. san ka lipat? friendster blog? lol. piz

    ReplyDelete
  2. tungkol san to? sa blog? lovelife? family? hmmmm

    ReplyDelete
  3. naguluhan ako. breaking up ba ito? hehe

    hmmm... da dot com ka lang yata sa kabila e. tama?

    ReplyDelete
  4. ERRR.. Akala ko pagkabasa ko eh lipat blog ka na? Anu nga ba? Haha. Di ko din alam kung blog o tunay na buhay.

    ReplyDelete
  5. lipat bahay ng blog? iiwan mo na ba ang blogspot?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design