Pages

Friday, April 8, 2011

Muntik na...

Kababasa ko lang ng post ni Khanto through Arvin's post in FB. Same as Arvin, kinilabutan din ako sa nangyari. Pakiramdam ko tuloy I needed to share my experience para na rin babala sa ibang commuters like me. So without further ado, here it goes:

Pauwi ako nun galing work sa Antipolo. Usually ang scenario kasi dun eh palaging punuan at may sabit pa kasi may nadadaanan kaming school kaya naman akala ko normal lang ang lahat that night. But no! (Thanks Salbe! ) Mali pala ako. So ayun nga, nung nasa Marcos Highway na kami sa may Mcdo, may sumakay na mga mga kalalakihan. Normal pa rin naman sa akin na makakita ng mga guys na ganun ang ayos na parang galing sa construction work from that spot/area. Ang hindi lang normal ay yung pinipilit pa rin nilang makisiksik sa loob ng jeep kahit puno na. Pero hindi ko pa rin yun pinansin. Ang nasa isip ko na lang baka ganun kahirap sumakay that day.

Hindi pa man umaandar yung jeep ay may isang pasahero na weird. Weird in the sense na parang hindi siya mapakali at namumula pa siya. Ang tingin ko dun sa babae ay lasing, At parang tama nga ako kasi nung bumaba siya ay nagkaron ng komosyon sa loob ng jeep. Nagsuka daw yung babae.Hinanap ko naman yung suka kasi nacurious ako pero wala naman akong napansin na kahit anong bakas at wala rin naman akong naamoy. Tapos after nun biglang may umimik na guy malapit sa amin. Na kesyo yung katabi daw niya ay may dura. Yup dura po at hindi suka. So si ate na sinabihan ay tumingin sa kanyang damit upang hanapin ang mahiwagang dura at nung matagpuan ay sinabihan nung ibang pasahero na humanap ng pampahid doon, Yung isa pa nga eh may tinuturo sa bag. Nagtaka ako kung bakit yung ibang pasahero eh nagsisibabaan na, lalo na yung mga studyante eh hindi naman sila doon bababa. Ewan  ko ba sadyang matigas lang ata ang ang ulo ko or masyado akong mapagtiwala kaya hindi ako sa kanila nakigaya.

Pagkalagpas namin ng Robinson's Metro East,iilan na lang kaming pasahero ay bigla naman umimik yung katabi ko. Meron din daw ako sa damit. Siyempre ako naman, e hinanap at naramdaman ko nga ang malagkit na something na nakakapit sa damit ko. Kinutuban na ako noong oras na yun, pero I kept myself cool. Binuksan ko ang aking bag, at hinanap ang aking panyo. Nag-offer sila na tumulong pero sabi ko ako na lang. Pagkakuha ko ng panyo, hindi ko alam kung imagination ko lang o talagang may naramdaman akong something sa may bag ko. Ang ginawa ko na lang hinigit ko yung bag ko at kinuha ang cologne at inispray over my shoulder.  Hindi pa rin ako bumaba after non. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako bumaba. Nga pala nakapwesto ako nito malapit sa may babaan.

Nakarating kami sa may Ligaya (yun ang tawag nila sa lugar) ay bumaba na sila at ako na lang ang natira sa jeep. Hindi pa nun umandar yung jeep at titig na titig lang sa akin ang konduktor at driver. Tinitigan ko rin sila. Wala akong masabi. Umandar na ulit yung jeep.

Pagdating ko sa bahay, Tsaka ako nag-isip. Muntik na ba akong maholdap (oo ako na ang slow)? Hindi ko kasi maimagine na maeexperience ko yun sa totoong buhay. Akala ko e, imagination lang ng walang maisulat. But no! Totoo pala talaga. Kasi nitong nakaraang araw lang ay may nagpatotoo nitong modus operandi na ito, office mate ko.

Kung ano ang nangyari sa akin, ay yun na yun din ang nangyari sa kanya. Pinagkaiba lang, walang nakuha sa akin sa kanya meron. Pera at passport. Nakasingit kasi doon yung pera niya sa passport. After ng kwentuhan namin, naisip ko na kawawa naman yung mga kagaya niyang naholdap at todo pasalamat na rin ako na hindi ako nabiktima. Holdap na pala talaga yun. Nakaligtas lang ako.


From that experience, ang natutunan ko :

1.Follow your instinct.

Kung may nakita na kayong something weird o pakiramdam niyo na may mali sa sitwasyon, umiwas na kayo. Maaring sinuwerte lang ako nung time na yun pero baka sa susunod hindi na.


2. Maging alerto sa gamit.

Yung mahahalagang kagamitan (ID, mobile phone, pera etc.) ay ilagay sa may bulsa ng bag doon sa hindi madaling madukot. Kung maaari nga, maglaan ng iba't ibang taguan ng pera (maaaring sa bag o sa katawan), para kung sakali man na mabiktima ka, may pamasahe ka pa pauwi. Iwasan din ang mag-text o magbalandra ng mga gamit na ayaw mong mahablot mula sa iyo. Takaw tingin kasi, so mag-ingat.

3. Stay Calm.

Ito lang ang paraan para makapag-isip ka ng maayos.

4. Pray.

Nakakatulong ito para magawa mo ang number 4.


Sana ay gawin din ng mga kinauukulan ang part nila para hindi na dumami pa ang mga ganitong modus operandi. Sabi nga, it takes two to tango. So, please lang let us do our part ok?

Have a safe and incident-free trip!

5 comments:

  1. yeah..tama..sa madaling sabi maging adik --- tamang hinala... ahehehe...

    tama..walang masama sa nag-iingat..:et

    ReplyDelete
  2. ano ba yung nabasa mo? yung about sa jeep din sa uhmmm patay na yung girl at may nakasaksak na ice pick? creepy lang.. pero nakakatakot din nangyari sayo.. hala..

    matatakutin pa naman ako sa gabi..ayuko bumyahe ng jeep mag isa.

    tsaka tama.. feeling ko kaya ang dami na ngayon kase malalakas na loob nila...

    hindi ko lang maisip bakit sinasabi na may dura..? slow yata din ako...

    ReplyDelete
  3. Kakatakot naman yan. Alam ko wala silang makukuha sa akin pero nag-iingat na rin ako. Siguro ang pwedeng makuha sa akin ay laptop. Minsan kasi, lalo na pag may paperoworks o kaya may gagawing project na may kinalaman sa computer, eh nagdadala ako ng laptop. Para medyo naka-disguise na rin, di ko ako nagdadala nung laptop bag. Sa bakcpack na lang nilalagay. Medyo naka full alert ako talag pag ganito kaya nga maganda talaga yung nakapwesto malapit sa babaan.

    ReplyDelete
  4. Ingat, ingat at isa pang todo ingat.

    ReplyDelete
  5. ung mahahalagang bagay dapat ibulsa na lang, sa harap ng bulsa ng pantalon, para kahit may dumukot eh ramdam mo...di na talaga kasi mawawala ung mga taong ganyan, lalo't sa sistema ng gobyerno natin na ang mismong opisyal ang mga gago...

    Gusto mo bang manalo ng $25?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design