Pages

Tuesday, June 28, 2011

Perstaym sa EB


Sa lahat ng EB na napuntahan ko, ito ang perstaym sa lahat:

Perstaym na:

1. uminom LANG ng dalawang baso ng cocktail at hindi pinansin ang beer. (ako ba talaga 'to?)

2. makakain ng ox's brain (slimy siya pero malasa naman) sa Mr. Kabab


3. makipagsayaw sa kapwa ko blogger (tugs tugs tugs)


4. hindi nag-cr buong EB


at higit sa lahat 


5. Perstaym ko din na naenjoy ang hindi kaenjoy- enjoy na pakiramdam na ayaw nating lahat ma-experience kapag may lakad. Pero bago ko sabihin kung ano ito, tignan muli ang mga larawan sa ibaba.




Aakalain mo ba na sa bawat ngiti kong yan ay may tiyan na kumukulo at nagpupumilit lumabas?? Oo, ang sama ng tiyan ko (natatae in short) during that EB. Pero hindi ko ineexpect na maeenjoy ko bawat moment.  Mula sa "parang luma" na mga pics, pinoy henyo (tartar: nakakain ba ito?) hanggang sa tugs tugs tugs with some thunders na gumigiling, as in, hindi ko ito makakalimutan.

Kaya naman salamat sa mga nakasama ko noong Sabado. Kina Andy, Ahmer, Khacai, Kikilabotz at Roanne, salamat po :) Salamat kasi hindi niyo nahalata at naging normal na masaya ang lahat LOL Sa susunod po ulit. Nice meeting you Ms. K :D


pictures nenok kina andy at roanne :)

Saturday, June 25, 2011

Lalaki sa Buhay ni Shiela

"miss may problema ba?"

kahit medyo nahihilo na ay nakuha ko pa ring tumingin sa nagsalita.

"kayo talagang mga lalake, ang hilig niyong magpa-asa, kami naman tong mga tanga nagpapauto.ang tanga tanga ko"

muli kong nilagok ang beer na wala nang lamig. Mapakla.Kasing pakla nang nararamdaman ko ngayon.

"tarantadong Edwin yun. Pinagmukha akong tanga sa terminal, alas dos pala ha.. tang ina niya!"

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha na napalitan din ng isang ngiti.

"miss nakakarami ka nang inom, mabuti pa siguro umuwi ka na..kung hindi mo na kaya, ihahatid na lang kita"

"kung hindi ka rin lang makikisalo dito sa pag-iinom ko mabuti pang umalis ka na sa harapan ko at naaalibadbaran nako sa'yo.pakielamero!"


Bwiset! Akala ko pa naman hindi na ako babalik sa pagsasayaw sa club. Sabi kasi ni Edwin ibabahay na niya ko. Akala ko magbabago na ang buhay ko. Napuno na naman ako ng pangarap.Katulad din pala siya ng ibang mga naging customer ko.Pagkatapos makuha ang gusto, umeekskapo na. Akala ko pa naman...

"miss, isang bucket pa nga. tsaka ekstrang yelo hindi na malamig 'tong beer ni ano..."

"Shiela..Shiela ang pangalan ko."


******



Ok pala 'tong si Louie. Galante tsaka makwento. Walang arte sa katawan kahit katulad ko ang kausap. Mukhang mabait. Buti na lang may mga natitira pang tao n katulad nito.Swerte nang gf niya at sayang dahil nauna na siya sakin.

"bakit kasi nagpabola ka,alam mo naman palang may karelasyon na yung Edwin?"

"e malay ko bang may karelasyon? kanina lang ako tinext nung malanding babae na yun.Na hindi na nga raw makakarating si Edwin. Hayop siya, mang-aagaw.Hayop sila pareho!"

"hindi ba ikaw ang mang-aagaw sa lagay na yan?"
Pasigaw na sabi ni Louie

"kanino ka ba kampi ha? Sino ba kainom mo? Tsaka wag mo kong sigawan naririnig ko naman.Ay naku hindi ko na kasalanan kung ayaw na ni Edwin ng bilasa ano? hahaha Nagsalita ang sariwa."

"Sinasabi ko lang yung totoo. Kung sana pumatol ka sa walang sabit e di sana di ka napapahamak."

"Ay naku Louie kung hindi ako makikipagsapalaran, walang mangyayari sakin. Unahan lang yan. E ang kaso naunahan ako nung malanding yun, naharang agad"


Napalakas ang pagtawa ni Loiue.

"at pinagtawanan pa ako.Walangya talaga kayo. Teka nga nababanyo ako.Diyan k lang wag kang susunod at nasusuka ako. Hatid mo ko pauwi ha"


Tinapik ko pa siya sa kamay at napansin ko ang relong suot niya. Parang kapareho nung kay Edwin. Mamahalin.Pati ba naman gamit. Pucha nasusuka na ko't lahat yun pa ring gagong yun ang naiisip ko.

Pagpasok ko nang banyo diretso agad ako sa kubeta. Naparami pala ako ng inom. Ayos lang libre nman ni pogi.

Habang abala ako sa paglalabas nang laman ng aking tiyan ay naramdaman kong may mahigpit na humawak sa aking buhok. Bago pa ako makapalag ay nagswimming na ang mukha ko sa sarili kong suka. Paulit ulit niya akong nilublob doon at may sinasabi na hindi ko na halos maintindihan.

"Akala mo siguro iiwanan ako ni Edwin para sa'yo ano. Maharot kang babae ka, maninira ka ng relasyon."

Hindot, mang-aagaw, bilasa. Marami pa siyang sinasabi subalit hindi ko na matandaan. Tangi ko na lamang nakita sa huling pag-angat ng aking mukha ay ang kamay na nakatuon sa kubeta. Ang relo ni Edwin.Ang relo ni Louie.


"Putang-ina, naloko na naman ako"






***subok sa mobile posting

Thursday, June 23, 2011

Wag Ka Nang Magpaliwanag


Mahirap nga namang magbura. 
Ano yun ulitan??? Palusot.com lang ang kailangan, pasok na sa banga!



(kuha kaninang umaga sa may kyusi)

Tuesday, June 21, 2011

Pasabook (4) Ang Resulta


Tapos na ang long weekend at ito na rin ang time para malaman natin kung sino ba ang maswerteng makakatanggap ng libro ni Paolo (close? :P ). With matching papikit-pikit pa ako habang pinipindot ang generate button ni random.org. Bago ko sabihin ang nanalo, siyempre katulad ng dati share ko muna yung list ng mga sumali. Eto na po sila:




Dalawampu't lima po ang lahat ng sumali (binawas na ang mga pasaway :D ) at sa mga ito ay isa ang napili ni kaibigang random.org para magkamit ng luma ngunit malinamnam kong libro.



Ito nga pala ang award-winning entry ng nanalo:

"Pasali me. Mananalo na ako this time. Haha."

Saglit, may nagtext: 

Papaano pa ba naman ako makakatanggi sa ganyang comment. Hindi ko pa binobola naforecast na niya agad na siya ang mananalo. Yang ang hinahanap ko, unkabogable fighting spirit! Havey na havey!! ~~~  random.org


Congrats YOW! Its you already! Itsyowtime na talaga!! Jump brader jump!! Ay teka maling channel pala ito. LOL Ipadala mo na lamang sa aking email(hartlesschiq@gmail.com) o kaya i-DM mo sa akin ang iyong mailing addres para matanggap mo na ang aking pamanang libro. Congrats ulet!

Sa mga hindi pinalad manalo, wag kayong malungkot. Subok lang ng subok, tignan niyo naman si Yow, nakailang sali na yan pero hindi nawalan ng pag-asa. Lalo pa nga yatang nag-alab ang kagustuhan manalo. Hahahaha  

Another Paulo Coehlo novel po ulit ang ipapamigay next month. Abangan na lamang po kung kailan. Salamat! 

 
 

Sunday, June 19, 2011

HAPPY Father's Day!


Ang agap ko nagising, siguro mga alas-dos ng umaga dahil nga may scheduled kaming takbo ng ka-opisina ko.  Pagtingin ko sa pa lang sa bintana, alam ko na na macacancel yun. Nabulok na kasi ako sa pwesto ko hanggang alas-kwatro, umaasa na baka matuloy pa pero humahagupit talaga ng bonggang bongga si Egay. Pinilit ko nalang ulit matulog pero hindi na ako dalawin ng antok. Siguro kasi disappointed ako dahil hindi ako umuwi sa amin para dito. 

So ayun, para naman hindi masayang ang oras ko eh pinagana ko na agad ang aking mobile phone at nagkiti-kitext sa lahat ng kakilala ko para batiin sila at ang kanilang mga tatay ng Happy Father's Day. Maya-maya pa ay may isang kaibigan na nagreply at nabura na ng tuluyan yung pagkabadtrip ko sa araw na ito. Ang reply niya kasi ay ganito:

"Mads, cguro ito yung first time m na ramdam m talaga yung father's day noh? Happy father's day sa papa m. dhil s knya may kaibgan akong malusog ngayon"

Thanks sa'yo :) Hindi ko na sana isasama yung last part pero baka kasi magreact ka. :P 

Masyado akong nagfocus sa disappointment ko ngayong araw na hindi ko na-appreciate na may dapat pa rin pala akong ipagpasalamat at yun ang nakilala ko ang papa ko. Finally, after so many years,  meron akong nasabihan ng "Happy Father's day!" Ang saya lang. :) I texted him right away at mangiyak-ngiyak naman ako sa reply niya:

"Thank you anak. Noon pa man nung bata ka pa at hanggang ngayon ay mahal kita. Alam ng mama mo yan anak. Magingat ka lagi at luv u din anak."




Pictures taken during my first meeting with my papa in Bohol last Christmas.

Lord, salamat po dahil binigyan Niyo kami nang chance ng papa ko na magkakilala. Binigay Niyo po yung isang bagay na matagal ko na hinihiling. Salamat po talaga. :) 

Papa, sobrang saya ko po na nakita ko na po kayo sa wakas. Kapag po may magtatanong na  sa akin kung nasan yung tatay ko, alam ko na po ang isasagot ko (nasa puso ko :d este sa Bohol pala)  Kahit po hindi tayo magkasama ngayon, wag niyo po sanang kakalimutan na mahal na mahal ko po kayo.  Sana po ay magkaroon pa tayo ng chance para mas magkakilala at mabawi yung mga panahon na nawala sa atin. Namimiss ko po kayo ngayon at sana nga magkita po muli tayo.  Happy Father's day po! :) Love po kayo ni Mutya :)

Tuesday, June 14, 2011

Pasabook (4)


Hello there (wow parang si Kris A. lang)! After kong maging busy ng ilang araw dahil sa kamalayang malaya na pakulo ni J.Kulisap, eto na naman po ako para mamigay ng libro. Sa last pasabook ay nabanggit ko na dalawang book ang ibibigay ko pero sa kasamaang palad isa pala muna kasi....

kasi...

kasi...

babasahin ko pa ulet tong dalawang libro. :))

Nakalimutan ko na kasi yung istorya nila kaya ayun babalikan ko muna bago ko ibigay sa iba. Sa kasalukuyan, magsisimula na ako sa ikalawang libro at ready na for adoption yung isa. :D 

Share ko na rin pala yung ibang linya sa libro na nakapukaw sa aking pansin.


- Love is not to be found in someone else, but in ourselves; we simply awaken it.

- The strongest love is the love that can demonstrate its fragilty. 

- Life is too short, or too long, for me to allow myself the luxury of living it so badly.

- Anyone who is observant, who discovers the person they have always dreamed of, knows that sexual energy comes into play before sex even takes place. The greatest pleasure isn’t sex, but the passion with which it is practiced. When the passion is intense, then sex joins in to complete the dance, but it is never the principal aim. 


Ginoogle mo na ba kung saan ko 'to nakuha?? Naku wag na, sasabihin ko rin naman. Scroll down ka lang ng konti at makikita mo na kung anong ibibigay ko ngayong buwan. 

Gusto mo ba talaga nito?? Owsss di nga?? Seryoso??? Sige kung seryoso ka diyan eh basahin mo muna ang mga sumusunod, madali lang 'toh pramis:

1. Open po ito sa lahat ng Pinoy bloggers, PERO sa mga nasa ibang bansa na sasali, pipili lang po kayo ng kamag-anak o kaibigan na papadalhan ko nito dito sa Pilipinas. 

2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!

3. One entry per blogger lang po. Huwag nang maging pasaway ha :D Pagagalitan kayo ni random.org niyan :P

4. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Tuesday (June 22, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.


Ngayon na alam mo na kung pano sumali, ipapakita ko na sa inyo ang front cover ng libro (hugot mula sa google).






Meron ka na ba niyan? Kung meron baka may gusto kang pagbigyan. Pwede yun basta sumunod lang sa instructions. At dun sa mga wala pa nitong libro, eto na ang chance niyong magkaroon nito nang hindi kayo nagagastusan. San ka pa? Isang comment lang instant libro na ang katapat! Good luck guys!

Wednesday, June 8, 2011

KM2: Paglaya



Mabilis akong umahon sa dagat tangan-tangan ang peklat na idinulot ng dikyang nasipat ang aking kailaliman. Hindi ko akalaing pati ang aking kuyukot na nakatago sa kasuluk-sulukan ay magsisilbing kanyang pulot-pukyutan.  Ang sakit ay umaalingawngaw kahit walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Isang halinghing na umakit sa nangangalumatang manananggal na nakatago sa yungib.  Ilang segundo sa kanilang piling ako’y naiwang lugami.  Ilang minuto sa kanilang galamay ako’y nasawi. Sino ba ang tunay na nagkait sa akin ng kaluwalhatian? Sino nga ba sa dalawa ang mas makasalanan?

Iisang adhika nagkaiba lamang sa dahilan. Maaring dala ng pangangailangan o dili nama’y panibughong matagal nang sa kanya’y nananahan. Yaong isa ay nag-iwan ng sugat. Yaong isa nama’y tuluyang humugot sa aking hininga. Magkaibang nilalang, parehong nagtagumpay at nakinabang.

Maiba ako, nabanggit ko bang ilang araw akong inurat nang patimpalak na ito? Naisip ko kasi at naitanong sa aking sarili na ganito ba ang malaya? Kinukulong sa labing anim na salita? Paano ko masasambit ang nais kong iparating kung may nagdidiktang iba?  Salamat na lamang sa nag-iwan ng tatlong salitang tumulak sa akin para malagpasan ang hamon at tapusin itong akda.

Sabi niya’y:  palayain ang diwa.

Ngayon, bumalik tayo sa unang napag-usapan.

Hindi ako maharlika upang magmalaki lalong hindi banal para hindi tumanggap ng paumanhin. Pareho silang nakasakit, magkaiba man ng intensyon at iniwang pait. Bakit pa kailangang timbangin kung tanging kapatawaran mo lang naman ang kanilang nais?

Kaya naman sa dikyang malupit at manananggal na mautak, ang paghihirap nating tatlo ay bibigyang tuldok na. Ang tangi ko na lamang hangad sa katapus-tapusan, nawa’y napunan ang inyong pangangailangan at mas lalo’t higit, sana kayo’y naligayahan.

 Ang pagpapalaya ko sa aking diwa’y nagpalaya rin sa aking nararamdam. Nakulong ako sa sarili kong galit, gayundin sa mga salitang sa patimpalak ay inihain. Nakuha ko na rin sa wakas. Hindi naman pala talagang mahirap. Ito pala’y nasa tumitingin at hindi sa kung ano ang mga balakid. Tunay ngang ang may hawak ng buhay ang nagdidikta nang kanyang kalayaan. Ako lang pala ang nag-iisang susi sa aking kahinaan.

Tuesday, June 7, 2011

Beep Beep


Nilalagyan ng disenyo at palamuti
Upang sa batayan ng iba’y siya ang mapili
Di mo lang alam lakas ng radyo’y walang silbi
Kung hindi naman makaupo ang nangangalay na pigi

Bukas sa lahat subalit hindi para sa lahat.

May sinusunod daw na daan o ruta
Nakasaad pa nga sa binayarang prangkisa.
Subalit hindi ba tumutulad din sa taxi
Na “in use” minsan ang sinasabi?

O tukso, sadyang kay hirap iwaksi.

Kahit puno na’y pilit pa ring nagpapasabit.
Nais magkamit ng higit o labis
Naghihintay sa iba kahit mayroon nang nabubwisit.
Tuloy naiiwan lumilipat sa kalabang ngayo’y papaalis.

Nakakaawa kahit na makasarili.

Hindi ka aandar kung wala ang nagmamaneho
Pati gasolina na nagpapaandar nito
Pinakaimportante wag kalimutan ang pasahero
Ang dahilan kung bakit patuloy kang tumatakbo.

Hindi lang ikaw ang nasa mundo.

O tao ikaw ay pampasaherong dyip.
Byahe niyo’y nagtatagpo at magkalapit.
Matikas man ang tindig mo, takbo ma'y matulin
Isang araw siguradong mapa-flat ka rin.

Bato bato sa langit ang tamaan “beep beep”.

Paalam



Kasama niyang lumisan ang mga agam-agam ko sa araw na ito. Salamat :)





Kuha nung weekend, habang nakahiga sa duyan sa rooftop. :)

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design