Pages

Wednesday, June 8, 2011

KM2: Paglaya



Mabilis akong umahon sa dagat tangan-tangan ang peklat na idinulot ng dikyang nasipat ang aking kailaliman. Hindi ko akalaing pati ang aking kuyukot na nakatago sa kasuluk-sulukan ay magsisilbing kanyang pulot-pukyutan.  Ang sakit ay umaalingawngaw kahit walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Isang halinghing na umakit sa nangangalumatang manananggal na nakatago sa yungib.  Ilang segundo sa kanilang piling ako’y naiwang lugami.  Ilang minuto sa kanilang galamay ako’y nasawi. Sino ba ang tunay na nagkait sa akin ng kaluwalhatian? Sino nga ba sa dalawa ang mas makasalanan?

Iisang adhika nagkaiba lamang sa dahilan. Maaring dala ng pangangailangan o dili nama’y panibughong matagal nang sa kanya’y nananahan. Yaong isa ay nag-iwan ng sugat. Yaong isa nama’y tuluyang humugot sa aking hininga. Magkaibang nilalang, parehong nagtagumpay at nakinabang.

Maiba ako, nabanggit ko bang ilang araw akong inurat nang patimpalak na ito? Naisip ko kasi at naitanong sa aking sarili na ganito ba ang malaya? Kinukulong sa labing anim na salita? Paano ko masasambit ang nais kong iparating kung may nagdidiktang iba?  Salamat na lamang sa nag-iwan ng tatlong salitang tumulak sa akin para malagpasan ang hamon at tapusin itong akda.

Sabi niya’y:  palayain ang diwa.

Ngayon, bumalik tayo sa unang napag-usapan.

Hindi ako maharlika upang magmalaki lalong hindi banal para hindi tumanggap ng paumanhin. Pareho silang nakasakit, magkaiba man ng intensyon at iniwang pait. Bakit pa kailangang timbangin kung tanging kapatawaran mo lang naman ang kanilang nais?

Kaya naman sa dikyang malupit at manananggal na mautak, ang paghihirap nating tatlo ay bibigyang tuldok na. Ang tangi ko na lamang hangad sa katapus-tapusan, nawa’y napunan ang inyong pangangailangan at mas lalo’t higit, sana kayo’y naligayahan.

 Ang pagpapalaya ko sa aking diwa’y nagpalaya rin sa aking nararamdam. Nakulong ako sa sarili kong galit, gayundin sa mga salitang sa patimpalak ay inihain. Nakuha ko na rin sa wakas. Hindi naman pala talagang mahirap. Ito pala’y nasa tumitingin at hindi sa kung ano ang mga balakid. Tunay ngang ang may hawak ng buhay ang nagdidikta nang kanyang kalayaan. Ako lang pala ang nag-iisang susi sa aking kahinaan.

30 comments:

  1. wow.. parang makata ang datingan.. hehehe..

    natawa ko sa pangumpisa mo! hehehe

    ReplyDelete
  2. Ay hindi pala. hahaha

    Makatang Madeline. Pilit sumisiksik sa bawat ugat sa aking kamalayan ang mga pagkabaybay.

    ReplyDelete
  3. hehehe. yown. natapos den. medyo naguluhan lang ako kung ito ga ay sanaysay o salaysay. lol. joke naman. hehe.

    ikaw na ang nagrereklamo ngayon? ikaw na. LOL!

    ReplyDelete
  4. isa sa pinakamagandang entry na nasilayan ko madz, goodluck my friend ;)

    ReplyDelete
  5. Makatang makata ah! Ayos! :D

    ReplyDelete
  6. Hindi ako nahirapan sinulat ang entry ko, nahihirapan ako itindihin ang mga gawa niyo...lels

    ReplyDelete
  7. sabi nga madalas sa madalas tayo ang dahilan at may kakagagawan sa pagkakakulong o pagkakalaya, unless intervened by supernatural being.

    Maligayang araw ng paglaya mads the ever beautiful.

    Be blessed po!

    ReplyDelete
  8. dead...nabiktima ka nilang pareho..tsk tsk..galing naman! hihi! thanks sa comment!!

    ReplyDelete
  9. ang gagaling naman ninyo.. good luck din sayo.

    ReplyDelete
  10. sinabi ko rin yan kay jkul. tungkol sa pagkakakulong sa 16 na salita ng lalahok. napakaganda rin naman kasi ng jabyang dahilan. masyado siyang naniniwala na kaya nating maging malaya habang pinaglilingkuran ang mga salitang napili niya.

    madz, nagsisimula pa lang ang buhay. mahalaga ang aral na natututunan natin lagi. tandaan na lang natin lagi, bahagi tayo ng dahilan ng sakit kapag nasasaktan ang mismong sarili natin. hanggat malaya tayong pumipili, nasasaktan tayo, nagtatagumpay at natututo.

    ngayong may tapos na ang lahat, mahalaga ang aral na nakapaloob sa tuldok. :D

    ReplyDelete
  11. korek, check! minsan tayo lang ang nagpapahirap sa sarili natin, tayo lang din minsan ang nanloloko sa sarili natin at minsan ang pinakamatinding kalaban natin ay ang sarili lang din natin...

    ReplyDelete
  12. pangapat sa mga nabasa ko. kung isa ako sa mga judges mahihirapan ako. ang gaganda eh

    ReplyDelete
  13. 2nd entry to na nabasa ko sa kamalayang malaya. Di ko alam ang instructions pero mukhang kailangan magamit ang dikya, pulot-pukyutan at ilan pang salita psa paggawa ng post. Ang hirap naman. Hahaha.

    Ang galing. Ang lalim.

    ReplyDelete
  14. hindi pa ako tapos magbasa pero natatawa ako sa dikyang pumunta sa kuyukot na naging pulut-pukyutan. tae. :)) o magbabasa muna ako. :P

    ReplyDelete
  15. nakakatuwa! nagenjoy ako sa pagbabasa. pero kahit malungkot ang nangyari, ang mahalaga, yung pagmove on na siyang ginagawa mo.

    sabi ko nga, may karma naman. hahaha! :-)

    ReplyDelete
  16. Ahahahhahah kaadikan! may segue pang reklamo ahahahha parang advertisement lang habang nanonood ng palabas... hehehhehehe

    ReplyDelete
  17. Sissy super like! Napangiti mo ako. MwwahhH!!!

    ReplyDelete
  18. grabe isang paragraph lang lahat ng salitang balikid... mahirap yun parang mash up lang... hehehe

    ReplyDelete
  19. isang bagong makata... ikaw na!

    ReplyDelete
  20. nasakatan tayo ng ibang tao, pero wag nateng itali ang sarili naten sa pangyayaring yon. lahat sila ay nakausad na samantalang tayo'y naghihinagpis pa. nakanino ang bigat ng pagdurusa? kaya mas madaling bitawan na ang masasamang alaala at dalhin ang aral na natutunan.

    ReplyDelete
  21. ang pinakamahirap sa lahat ay ang makulong tayo sa isang hawla na tayo rin naman mismo ang may hawak ng susi. mas madali pang ikulong tayo sa isang pagkakataong iba ang may gawa lase mas pipilitin nating makalaya.

    ang maganda lang, ang pagkukulong ay isang pagkakataong hahanapin mo kung ano ba talaga ang gusto natin.

    ReplyDelete
  22. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 13

    13 KM2: PAGLAYA
    Madz Lucena City

    ReplyDelete
  23. :b mahusay na entry.. grabe ang daming magaling...

    ReplyDelete
  24. Nakakapagtaka na halos lahat ng blog na nabisita ko ngayong araw na ito ay may dikya sa kanilang post. Anong meron?

    First taym here.

    ReplyDelete
  25. Hinahayaan ko lang na masaktan ako para lumigaya ang iba. Minsan din hinahayaan ko silang pakinabangan muna ako para malaman ang hangganan. Teka, wala na atang kinalaman ang comment ko. :)

    Basta sang-ayon ako sa mga comments nila. Magandang araw Ms. Madz!. :)

    ReplyDelete
  26. 13. Alam mo Madeline, minsan tayo ang gumagawa ng ikakasakit ng ating isip at damdamin. Minsan pa nga’y sa pag-iisip nating maging malungkot o mapanakit nagmumula ang hindi magandang imahe na naipapamalas natin sa ating kapuwa. Natural lamang ang pagkimkim ng sama ng loob pero mas mapagpalaya kung hahayaan nating pakawalan ang mga hinampo o hinanakit sa ating kapuwa. Nananaig ang pang-unawa at pagmamahal. Muli ako’y nagpapasalamat sa iyong pakikilahok sa KM2: Daloy Diwa.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design