Tuesday, June 21, 2011

Pasabook (4) Ang Resulta


Tapos na ang long weekend at ito na rin ang time para malaman natin kung sino ba ang maswerteng makakatanggap ng libro ni Paolo (close? :P ). With matching papikit-pikit pa ako habang pinipindot ang generate button ni random.org. Bago ko sabihin ang nanalo, siyempre katulad ng dati share ko muna yung list ng mga sumali. Eto na po sila:




Dalawampu't lima po ang lahat ng sumali (binawas na ang mga pasaway :D ) at sa mga ito ay isa ang napili ni kaibigang random.org para magkamit ng luma ngunit malinamnam kong libro.



Ito nga pala ang award-winning entry ng nanalo:

"Pasali me. Mananalo na ako this time. Haha."

Saglit, may nagtext: 

Papaano pa ba naman ako makakatanggi sa ganyang comment. Hindi ko pa binobola naforecast na niya agad na siya ang mananalo. Yang ang hinahanap ko, unkabogable fighting spirit! Havey na havey!! ~~~  random.org


Congrats YOW! Its you already! Itsyowtime na talaga!! Jump brader jump!! Ay teka maling channel pala ito. LOL Ipadala mo na lamang sa aking email(hartlesschiq@gmail.com) o kaya i-DM mo sa akin ang iyong mailing addres para matanggap mo na ang aking pamanang libro. Congrats ulet!

Sa mga hindi pinalad manalo, wag kayong malungkot. Subok lang ng subok, tignan niyo naman si Yow, nakailang sali na yan pero hindi nawalan ng pag-asa. Lalo pa nga yatang nag-alab ang kagustuhan manalo. Hahahaha  

Another Paulo Coehlo novel po ulit ang ipapamigay next month. Abangan na lamang po kung kailan. Salamat! 

 
 

17 comments:

  1. congrats yow! ok lang may next time pa naman ako. haha. swerte talaga ni yow. pahiram naman ng book kapitbahay hehe

    ReplyDelete
  2. dapat nilagay mo its yow already. LOL.

    congrats yow!

    ReplyDelete
  3. Hindot talagang lubusan iyang random.org, sabi nga nila, birds of the same feather make a good feather duster ...

    Congrats Jushua! With matching bitter ampalaya iyon ... :D

    ReplyDelete
  4. I heyts you...

    paano me mananalo, wala me sa list ng mga sumali...eh nag-comment na ako dun ah? :( sad na me...

    ReplyDelete
  5. ay depende pala sa comment? sana sinabi mo para binola bola kita to the highest level.. haha! congrats yow!! baka sa susunod na pasabook ako na manalo..:P

    ReplyDelete
  6. Congrats sa nanalo! hehehe.. di na naman ako nakasali.

    ReplyDelete
  7. hehe kala ko ako nanalo, una lang pala ako sa listahan :D

    pde paxerox yow?

    ReplyDelete
  8. congratz kay yow.ヽ(゚◇゚ )ノ ...sayang di me nanalo( ̄へ ̄) hahaha

    ReplyDelete
  9. dayaan to. hahaha
    -kikilabotz

    ReplyDelete
  10. Ayyy. Hahaha. Eto ang totoong eksena bago ko to basahin. Nakikipagchat ako sa kaibigan ko. Pumunta ako sa blog ko, nakita ko, Pasabook 4 Ang Resulta na update mo. Niload ko pero balik muna sa chat. Nagpray pa ako na ako manalo. Pag tingin ko sa unang picture akala ko yung number 8 nanalo, si maskman. Tapos pagbaba ko, number 7 pala, balik sa unang picture and its meee! Hahahaha! Para sa akin talaga to. Thank you Ate. :) Ang haba ng comment ko, masyado masaya. Hahaha. Its YOW already na nga. Yeeee... :) Thanks you Ate. Lagyan mo ng sign mo ha? Hahaha.

    ReplyDelete
  11. congratz sa nanalo...
    better luck next tym nalang ulit...hehehe

    ReplyDelete
  12. kasaklap. ala michael jackson. dedo na naman.

    :mj

    ReplyDelete
  13. Hi! Naku, sayang naman at di ako nakasali. Ifo-follow nga kita ang malaman ko yung next time since P.Coelho fan din ako (at walang pambili ng libro lol!). Napadpad ako dito mula sa Damuhan dahil sa madamong interview ni Bino sa iyo. *hint hint* Inaabangan ko kasi kung ano ang susunod na mangyayari. Hahaha!

    ReplyDelete
  14. ays. ngayon lang ako nagbasa kaya hindi ko to inabutan :( hehe

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design