Ang agap ko nagising, siguro mga alas-dos ng umaga dahil nga may scheduled kaming takbo ng ka-opisina ko. Pagtingin ko sa pa lang sa bintana, alam ko na na macacancel yun. Nabulok na kasi ako sa pwesto ko hanggang alas-kwatro, umaasa na baka matuloy pa pero humahagupit talaga ng bonggang bongga si Egay. Pinilit ko nalang ulit matulog pero hindi na ako dalawin ng antok. Siguro kasi disappointed ako dahil hindi ako umuwi sa amin para dito.
So ayun, para naman hindi masayang ang oras ko eh pinagana ko na agad ang aking mobile phone at nagkiti-kitext sa lahat ng kakilala ko para batiin sila at ang kanilang mga tatay ng Happy Father's Day. Maya-maya pa ay may isang kaibigan na nagreply at nabura na ng tuluyan yung pagkabadtrip ko sa araw na ito. Ang reply niya kasi ay ganito:
"Mads, cguro ito yung first time m na ramdam m talaga yung father's day noh? Happy father's day sa papa m. dhil s knya may kaibgan akong malusog ngayon"
Thanks sa'yo :) Hindi ko na sana isasama yung last part pero baka kasi magreact ka. :P
Masyado akong nagfocus sa disappointment ko ngayong araw na hindi ko na-appreciate na may dapat pa rin pala akong ipagpasalamat at yun ang nakilala ko ang papa ko. Finally, after so many years, meron akong nasabihan ng "Happy Father's day!" Ang saya lang. :) I texted him right away at mangiyak-ngiyak naman ako sa reply niya:
"Thank you anak. Noon pa man nung bata ka pa at hanggang ngayon ay mahal kita. Alam ng mama mo yan anak. Magingat ka lagi at luv u din anak."
Pictures taken during my first meeting with my papa in Bohol last Christmas. |
Lord, salamat po dahil binigyan Niyo kami nang chance ng papa ko na magkakilala. Binigay Niyo po yung isang bagay na matagal ko na hinihiling. Salamat po talaga. :)
Papa, sobrang saya ko po na nakita ko na po kayo sa wakas. Kapag po may magtatanong na sa akin kung nasan yung tatay ko, alam ko na po ang isasagot ko (nasa puso ko :d este sa Bohol pala) Kahit po hindi tayo magkasama ngayon, wag niyo po sanang kakalimutan na mahal na mahal ko po kayo. Sana po ay magkaroon pa tayo ng chance para mas magkakilala at mabawi yung mga panahon na nawala sa atin. Namimiss ko po kayo ngayon at sana nga magkita po muli tayo. Happy Father's day po! :) Love po kayo ni Mutya :)
At dahil babae ka malamang daddy's girl ka, halatang halata sa mga pics at post mo na to. Kahit na magkalayo kayo, mahal na mhal mo papa mo. Kung ipapabasa mo to sa kanya, proud sya sa yo.
ReplyDeleteHappy father's day sa erpat mo madz!!!
Plain and simple greeting lang, Happy Fathers day sa iyong dad :D
ReplyDelete-khanto
ah hindi mo pala kaagad nakilala tatay mo, i see..
ReplyDeleteanyway, happy father's day sa tatay mo madz.
yakap sa inyo ng papa mo! happy father's day sa kanya! :)
ReplyDeletehongsweet na daughter naman!
ReplyDeletedi ako sure pero parang napag-usapan natin before na gusto mong pumunta ng bohol.. dahil ba sa kanya? hmmm.. now i know! :)
happy father's day sa kanya!
Nagkita na sa wakas? anyway...Happy papa's day Madz..#HUG
ReplyDeletesyempre happy father's day kay papa mo :)
ReplyDeleteAyy. Now ko lang nalaman na kakakilala mo lang sa Papa mo. Awww... Ang saya. :) Happy Father's day sa Papa mo. God bless. :)
ReplyDeleteIkaw na si Mutya Ate Mads. =)
ReplyDeleteKakaiba din ang Father's Day sa akin dahil may father issues din ako, pero lahat yun nawawala pag Pag-ibig na ang namayani.
Natats ako sa story niyo ni papa mo ate mads.
Ito yung alam mo na hindi lang nangyayari sa movies pero maging sa teleserye ng totoong buhay.
Be blessed sa iyo at sa Papa mo.