Tuesday, June 28, 2011

Perstaym sa EB


Sa lahat ng EB na napuntahan ko, ito ang perstaym sa lahat:

Perstaym na:

1. uminom LANG ng dalawang baso ng cocktail at hindi pinansin ang beer. (ako ba talaga 'to?)

2. makakain ng ox's brain (slimy siya pero malasa naman) sa Mr. Kabab


3. makipagsayaw sa kapwa ko blogger (tugs tugs tugs)


4. hindi nag-cr buong EB


at higit sa lahat 


5. Perstaym ko din na naenjoy ang hindi kaenjoy- enjoy na pakiramdam na ayaw nating lahat ma-experience kapag may lakad. Pero bago ko sabihin kung ano ito, tignan muli ang mga larawan sa ibaba.




Aakalain mo ba na sa bawat ngiti kong yan ay may tiyan na kumukulo at nagpupumilit lumabas?? Oo, ang sama ng tiyan ko (natatae in short) during that EB. Pero hindi ko ineexpect na maeenjoy ko bawat moment.  Mula sa "parang luma" na mga pics, pinoy henyo (tartar: nakakain ba ito?) hanggang sa tugs tugs tugs with some thunders na gumigiling, as in, hindi ko ito makakalimutan.

Kaya naman salamat sa mga nakasama ko noong Sabado. Kina Andy, Ahmer, Khacai, Kikilabotz at Roanne, salamat po :) Salamat kasi hindi niyo nahalata at naging normal na masaya ang lahat LOL Sa susunod po ulit. Nice meeting you Ms. K :D


pictures nenok kina andy at roanne :)

18 comments:

  1. nag-enjoy ang tyan mo kaya nakisama sa iyo at di sya nag-inarte para totally maging awesome ang eb nio :D

    ReplyDelete
  2. ewan ko lang sa kumakain ng tartar madz. nakakaloka yon. :))

    ReplyDelete
  3. bkit wala si bino? hehe! sana magkita din tau sumday..

    ReplyDelete
  4. Ay, magkaibang EB.. Hindi kayo magkasama ni Bino.. Huuwaayy? hehe.. Ang saya naman ng EB nyo. Last time andyan ako, hindi man lang tayo nagkita madz.. :(

    ReplyDelete
  5. basta sa galaan wala talagang makakapigil sa'yo madz.. hahaha!

    it's you already!

    ReplyDelete
  6. Lol. Ikaw na ang natatae pero nageenjoy. Daya! Bat di tayo nag kabab?

    ReplyDelete
  7. parang gusto ko rin maranasan makipag-EB..lels

    Nice blogs...keep posting!

    visit mine

    www.akonilandiya.blogspot.com

    thanks

    ReplyDelete
  8. panong hindi nahalata? eh bakat kaya sa bestida mo yung pupuuuu pupuuuuu. hahaha. hnd lang naming pinagkalat kasi nga kaibgan ka namin

    ReplyDelete
  9. Wow! Ang saya! Pumartey! Haha. Umuwi pala si Ate Roanne? Yan ang di ko kaya. Haha. Pagsubok ang tiisin ng mahabang oras ang bugso ng damdamin.

    ReplyDelete
  10. Nice meeting you too madz! Sorry kung medyo madaldal ako ha? Hehe. See you around!

    PS Ndi halatang najejebz ka kung makasayaw ka sa dancefloor. Lol.

    ReplyDelete
  11. Panalo sa akin yung jebs control mo! Hahaha! Sana, makasama din ako sa ganito! :D

    ReplyDelete
  12. Lol. Ang samang kalaban niyang pagsakit ng tiyan. Pero palagay ko nag-enjoy ka ng kainaman.

    ReplyDelete
  13. wow..ansaya naman neto..nakakainggit...

    ReplyDelete
  14. hahaha, yan ang pinakamahirap sa lahat, ang feeling ng natatae habang ang lahat ay nag eenjoy :D

    ReplyDelete
  15. Kaya pala quiet quiet ka nun ah, akala ko pa naman sweet and innocent and naturally quiet ka talaga, yun pala may dinadamdam hehehe just kidding!

    ReplyDelete
  16. Jusmiyo! Nagulat ako sa theme mo! Hahaha. Hangkyot! Pwede na ibenta! Chos.

    Namiss ko tuloy ang Mister Kabab. Gustong gusto ko yung malapot na beef na may talong na sarap ipalaman sa tinapay pangshawarma, nalimutan ko tawag don pero mosorop. :p

    Hello Mads!:D

    ReplyDelete
  17. tugs tugs tugs din laman ng tiyan mo ah..^^ enjoy na enjoy nga naman base sa mga pictures

    ReplyDelete
  18. :''''> gusto ko ring magkaperstaym sa EB. :''>

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design