Pages

Tuesday, June 7, 2011

Beep Beep


Nilalagyan ng disenyo at palamuti
Upang sa batayan ng iba’y siya ang mapili
Di mo lang alam lakas ng radyo’y walang silbi
Kung hindi naman makaupo ang nangangalay na pigi

Bukas sa lahat subalit hindi para sa lahat.

May sinusunod daw na daan o ruta
Nakasaad pa nga sa binayarang prangkisa.
Subalit hindi ba tumutulad din sa taxi
Na “in use” minsan ang sinasabi?

O tukso, sadyang kay hirap iwaksi.

Kahit puno na’y pilit pa ring nagpapasabit.
Nais magkamit ng higit o labis
Naghihintay sa iba kahit mayroon nang nabubwisit.
Tuloy naiiwan lumilipat sa kalabang ngayo’y papaalis.

Nakakaawa kahit na makasarili.

Hindi ka aandar kung wala ang nagmamaneho
Pati gasolina na nagpapaandar nito
Pinakaimportante wag kalimutan ang pasahero
Ang dahilan kung bakit patuloy kang tumatakbo.

Hindi lang ikaw ang nasa mundo.

O tao ikaw ay pampasaherong dyip.
Byahe niyo’y nagtatagpo at magkalapit.
Matikas man ang tindig mo, takbo ma'y matulin
Isang araw siguradong mapa-flat ka rin.

Bato bato sa langit ang tamaan “beep beep”.

9 comments:

  1. Parang nanalo ka sa lotto madz. Malaman. Huwag lamang pipigilan ang bugso ng damdamin. -joey

    ReplyDelete
  2. nak nang.. di naman para sakin toh diba?

    ReplyDelete
  3. beep beep..padaan po hehe! kani kanina lang paalam, ngyn beep na.. haha! cge daan ka na.

    ReplyDelete
  4. ikaw na ang nagpapakamakata. nice 1. naflat naman ako dito. lol

    ReplyDelete
  5. Awww.

    Kaya naman pala. Mahirap humabi ng entry kung iba ang laman ng puso.

    Waglit muna iyan. Mas mahalaga ang KM2

    ReplyDelete
  6. Ang lalim. Hindi kinaya ng mababaw kong utak. Haha. Maligoy at makata. Nakakabilib kasi kung ako, di ko kaya gumawa ng tula. Haha

    ReplyDelete
  7. kahanga-hangang katha. agree na agreee ako diyan sa tula mo although di ko medyo ma-gets. Sino ba yang pinapatamaan mo at parang medyo makasarili ata siya. haha

    ReplyDelete
  8. para ba kay MD to? heheheh.e astig ah! pero kailangan ko'ng basahin ulit. pag ganitong mga tula, kailangan ko'ng ulit-ulitin at namnamin :D

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design