Friday, July 29, 2011

Pasabook 5 RESULTA



O eto na yung iniintay niyo na resulta ng pasabook, as usual post muna ng list ng mga sumali at ang pambobola na ginawa ni random.org.





Twenty eight na bloggers po ang nauto kong sumali sa pakulo kong ito at siyempre sa huli ay isa lang ang mananalo. Natutuwa ako sa nanalo  kasi for sure hindi lang isa ang makakabasa nito kundi TATLO pa. Iba talaga ang PAMILYA. hahahaha





Sabi ng matatandang bulaan,  bawal daw magpapiktyur ng tatluhan o basta odd ang number ng pipiktyuran.  Pero sa kasong ito mukhang yung nasa gitna pa ang sinuwerte. Bakit kanyo? Sige tignan ang larawan ng resulta sa ibaba.
 


Congrats Essy! Sana maenjoy niyo nila Salbe at Emon ang librong ito. :)  Send mo na lang dito: hartlesschiq@gmail.com yung mailing address mo.

O wag nang malungkot kung hindi ikaw nabunot kasi may next month pa naman. Si Miguel Syjuco (salamat sa correction ser L) nga pala ang may akda ng sunod kong ibibigay. Kung interesado ka sa kanya este sa libro pala niya e abangan na lang yung susunod kong post para sa pasabook 6. Salamat sa inyo at sana mas ganahan pa kayong magbasa ng libro. :) 





18 comments:

  1. aw.. talo na naman.. tsk tsk.. congrats sa nanalo.. kahit sa ganto wala padin luck.. life......

    ReplyDelete
  2. ay sabi ko na nga ba eh, talo na naman.. di talaga ako sinuswerte sa raffle #lol

    congrats sa nanalo..

    ReplyDelete
  3. Talo na naman! Congrats sa nanalo!

    ReplyDelete
  4. Wow.. Congratulations, Salbe! :)

    ReplyDelete
  5. Ay Essy pala. Anobayan. Pangalan pa rin ni Salbe ang na-type ko. Lels. Congratulations sa pamilya Mogul.

    ReplyDelete
  6. walang pag-asa talaga si kuli.

    tsk.tsk.

    ReplyDelete
  7. congrats essy answerte swerte ni essy :)

    ReplyDelete
  8. Painful. HAHAHAHA! Cograts ho sa nanalo.

    ReplyDelete
  9. Hiyessss! Nanalo ang kapatid ko!!! Sa susunod Madz, mga pinsan ko naman ang pasasalihin ko. :) Thank you!

    ReplyDelete
  10. YEY! Tenchu tenchu! Perstaym kong nanalo sa kahit anong pakontes! :)

    ReplyDelete
  11. tongratz! ang cute nilang tatlo lalo na si salbe.

    ReplyDelete
  12. yays. bat ngayon ko lang nadiscover blog mo? hehe.. gusto ko din sumali sa pasabook!(;

    followed, btw.(;

    ReplyDelete
  13. naiinis ako. hindi ako nanalo ng libro. boo! congrats essy! XD

    gusto ko ng ilustrado. sana ako naman ang panalunin mo, madz! hehe.

    p.s. michael ba o miguel?

    ReplyDelete
  14. First off, natuwa ako sa new layout! Akala ko naligaw ako hahaha... Sa susunod sasali ako baka swertehin...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design