Wala pa akong kilig sa katawan para magsulat ng love story kaya kukwentuhan muna kita sa Iloilo trip ko (Feb 5-7, 2012). :)
Last time, nagbigay ako ng
to-do list para sa trip na ito. Uunahan ko na kayo, hindi ko siya nagawa lahat. Ang defensive lang :)) Pero meron pa rin namang mga CHECK sa kanila tulad ng:
✓ Makarating sa airport ng hindi nagtataxi mula sa bahay.
- hindi talaga ako nagtaxi...mula sa bahay kasi sa Cubao na kami sumakay ni opismate. :P
✓ Magdala ng SUPER LIGHT na bagahe.
- kumpara sa dala ko noon sa
Baguio, parang bulak lang ang bagahe ko papunta dito
✓ Magkaron ng bagong kakilala.
- Nauna ang flight ko kina opismate, kaya naman naghagilap ako ng pwedeng kausapin habang nag-aantay sa kanila. Salamat kina:
Ate Sharen na nakatabi ko sa plane at nagpahiram sakin ng latest issue ng Star Studio (Feb2012).
Kina SG Natividad at PO2 Jessie Paron na naging google map ko habang umiikot sa Iloilo around 6am.
Kay kuya Marvin na naging tour guide/driver namin sa Guimaras. Ang tibay nung tricycle niya kinaya kaming apat!
At kay sir Vince na nag-orient at nagturo sa amin ng target shooting. Ito yung isa sa mga hindi kasama sa itinerary pero buti na lang ginawa namin. Nakabullseye ako !Yihee!
✓ Walang update sa FB, Twitter at text
- oo hindi ko napigilang hindi magtext, pano naman kasi habang nagsasaya kami at juma-jump shot eh bigla na lang umuga ang lupa. Uwo, ito nga yung lumindol noon sa Visayas. Nakakakaba, pero nung tumigil tuloy na ulit ang ligaya :))
✓Ma-capture yung sunrise at sunset.
- pwede na siguro 'to :P
✓Snorkeling
- Lahat naman ng daungan nung bangka habang nagisland tour e todo snorkeling kami. Meron pa ngang isa dun, pagsisid ko may ahas na color orange. Akala ko ako lang nakakita tapos nung sumigaw na yung kapatid ni opismate, CONFIRMED! Ahas nga. Tapos ayun, swimming ulet! hahaha Parang wala lang nangyari.
✓Makakain ng:
- mangga sa Guimaras (Ang sarap pala talaga ng nito dito sa Guimaras. Sabi nila pag April may eat-all-you-can mangga daw for only P50. Haaay sarap tuloy bumalik, magpapakalunod lang sa mangga. LOL )
- La Paz Batchoy sa Ted's o Decos' (Sa Ted's ako natuloy. LIKE!)
- native litson manok sa Tatoy's Manokan (Di ko masyadong type yung manok ang payat kasi. Pero seriously, hindi ko lang siguro type yung lasa. Yung camaron nila masarap!)
- Mango Pizza (YUM YUM!)
✓ Kumatok at humiling sa lahat ng simbahan na mapupuntahan.
- Pak na pak ako dito. Lahat ata ng simbahan sa bayan ng Iloilo ay napuntahan namin at nakatukan ko ang mga pinto. :)))
✓ Mag-uwi ng Ilonggo este salita ng mga Ilonggo (Hiligaynon) pala.
✓ I-enjoy ang bakasyon.
Dumating yung araw na nasa airport na kami ng Iloilo pabalik sa Maynila. Hindi ko napansin ang oras. Hahaha OA! Pero totoo, nag-enjoy ako sa bakasyong ito. Kapag nga may budget ulit, malamang isa ito sa mga lugar na gusto kong balikan. :)