Pages

Thursday, May 31, 2012

Pasabook (15)



Yay, bukas June na pala. Bago man lang matapos ang Mayo, ihahabol ko na ang pasabook ngayon buwan. Nabili ko ito sa MOA habang tumitingin ng isa pang libro na matagal ko nang hinahanap. Natuwa lang ako kasi hindi naman ako madalas makapagbasa ng ganito, tapos mga Pinay pa ang nagsulat. Minsan pag nagbabasa ako sa jeep, medyo tinatago ko yung front cover kasi naman baka kung ano isipin sakin ng mga katabi ko. Alam mo na umagang-umaga yun ang pinagtutuunan ko ng pansin. :D

Haba ng intro no? Lol O siya, eto na yung libro na gusto kong ipasa 




Alam niyo na ang gagawin niyo para makasali dito. Pero sa mga bago pa lang nakakatambay sa aking bahay, ito po ang pwede niyong gawin para makuha ang librong ito:


1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.

2. Mag-iwan lamang ng comment sa post na ito. Kahit anong comment basta lumabas lang pangalan niyo. :D 
 
3. One entry per blogger lang po.

4.Hanggang June 3 (Sunday) lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa June 4 (Monday) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong contact details (syempre kasama na yung buong pangalan :D).

 Salamat ulit sa pagsuporta. Good Luck! :) 

Thursday, May 17, 2012

Birhen



Marahan kong ipinasok ang aking kamay sa kanyang palda. Dinama ang nilalamig niyang binti. Hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan. Matapos ay hinaplos ko ang kanyang buhok at inilapit ang aking mukha upang simsimin ang bango nito.

Hindi na ako nakapagpigil. Inilabas ko ang ilang dadaanin mula sa aking pitaka at ibinigay sa babaeng kanina pa naglalaway sa tabi. Tuwang tuwa siya. Ang hindi niya alam doble pa nito ang sayang nararamdaman ko. Sa wakas. Birhen.

****

Ipinasok ko siya sa kwarto, dahan-dahang inihiga.Ilang butil ng pawis ang nagmantsa sa kobre kama nang magsimula akong gumapang dito.

Maya-maya pa’y sinimulan ko na.

‘Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to youuuuuuuu. Happy Birthday Annie! 


Nakangiting bumangon ang aking anak. Hinanap agad ng kanyang mga mata ang aking dala, ito yung matagal na niyang hinihiling sa akin. Sana’y magustuhan niya ang regalo kong manika. Bagong manika.

30-Day Photo Challenge: Day 17 & 18


A picture of something that has made a huge impact on your life recently

A picture of your biggest insecurity


Kahapon, sinukat ko yung damit na balak ko sanang isuot sa lakad ko ngayong weekend.  Nakakapanglumo lang kasi sumikip na siya, as in! Mukha na kong suman at feeling ko pag hindi ko pa hinubad yung damit ay mahihimatay na ako. So sad talaga. Pero at the same time wake up call na rin, na kailangan ko na ulit magbanat-banat ng buto. Na wag na kong tamarin tumakbo sa umaga o kaya sa gabi pag-kauwi sa bahay. Haaaay ang tamad ko na!

   Oo, ito talaga yung super naiinsecure ako lalo na kapag lumalabas ako ng bahay. Ang taba-taba ko kasi. Sa totoo lang, mahina naman akong kumain ngayon (dati hindi LOL), pero ganun pa rin, walang nagbabago. Naiinggit tuloy ako sa mga kakilala ko na sobrang lakas kumain pero ang payat payat pa rin. Ba't ganun? 


Wednesday, May 16, 2012

Share. Repost. Give. :)

keanu3

This is a story of a seven year old boy named Keanu.

Keanu, at glance looks nothing but an ordinary boy. He smiles, move a lot, appears timid when approached by adults and talks about school and his future dreams like any other kid would do. He says he wants to be a doctor someday, to be able to heal people, help them become better, the usual. There was nothing really extraordinary about him. Except that in his very young age, he’s already fighting the toughest battle of his life.

Since May 26, 2011, Keanu has been spending his days at the Philippine General Hospital in Manila. He was diagnosed having myelodysplastic syndrome, a disorder in which the cells in the bone marrow won’t function normally and so not enough normal blood cells are produced. Currently, he is dependent on regular blood transfusion and is undergoing several laboratory tests in preparation for a bone marrow transplant. But it’s not as easy it sounds.

Bone marrow transplant costs around P4, 000, 000.00, a price Keanu’s family couldn’t pay instantly. Romana, his grandmother, would walk around numerous charitable institutions, even media networks seeking for help. She says the story of her boy spreads rapidly like fire. People began sharing even a hundred peso, touched by the story of a brave boy fighting his way to live. A retired UP professor gave her entire retirement benefits after hearing the story of Keanu on television. Behind the cam journalists gathering money for donation. Anonymous people depositing decent amount of money in Keanu’s account. “It’s a miracle,” she would say.

I was shamelessly crying when Keanu began telling his story. He explained his illness like a grown-up man who understands all those medical terms I’m not even familiar with. Here is a boy experiencing all kinds of pain because of his condition yet no word of complain is drawn out. He knew there came a point when he almost died yet he talked about it as casually as sharing his life’s dream. His family won’t deny thinking of giving up. But Keanu talks of nothing but his desire to go back to school; a mark of an honor student that he really is. “Sana po gumaling na ‘ko para makabalik na ‘ko sa school,” he would often say.

The first time I saw him, I wasn’t brave enough to approach him. Guilt consumed me. “Why him,” I asked many times locked inside the office’s restroom. How many times I wished I’d die? Twice in my life attempted suicide for stupid reasons. “Why him?”

The second time, there was a certain amount of acceptance in me that I was finally able to approach him. I hugged him tight and told him, “alam ko matapang ka, magiging doctor ka right?” (“I know you’re a brave boy. You’ll be a doctor someday, right?”) He just smiled and nodded, pointed out to an abstract wall art with a metal human face and said “si e-Boy oh.” (Note: e-Boy is a fantasy character from local television; a robot)

There was no doubt in my mind the day will come when the world will bear witness to a rise of a certain Dr. Keanu Ruiz Geronimo. One day, Keanu will be free from the binds of sickness, he will continue his study and earn more honors than he already have. He will live to become a handsome boy, a man whom an officemate said “maraming babaeng paiiyakin.”

Right now the iron level in his blood is constantly monitored that Keanu is walking around with a certain device punctured through his arm for that sole purpose. Also there are few purple marks in his arms but he didn’t seem to mind them and goes on playing. One time, her grandmother recounted, nurses and people at PGH would greet him, recognizing the boy who appeared in TV in few occasions, and Keanu would joke “artista na ‘ko lola.”

I know I’ve said this is a story about a boy named Keanu, but as I write this article, I noticed this is also my story, a story of every person braving the everyday hurdles of life fighting for freedom. That from here on, every whining in the state of my affairs is an affront to Keanu’s reality, and so I am duty bound to go further despite whatever petty things that might fall down the way.

They say fairytales do not try tell children the dragons exist because kids already knew that. What those fairytales really try to tell those children is that no matter how big and powerful those monsters are, it’s no impossible task to overcome them. Now there is a boy named Keanu trying to teach this world that not only dragons can be slayed, it can also be ridden towards an uncertain future that only your spirited heart knows.

________

Author's note:

We are told that some people come into our lives and quickly go. Some stay for a while and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.


This is exactly what Keanu did for me. I know I’ve been frustrating over the state of my "personal affairs," a fact known to most of you and even my closest friends. I remember how a “brother” quoted this passage from Eat Pray Love – “DB, you have the capacity to someday love the whole world.”


It’s true. Why obsessed on the idea of loving someone exclusively when maybe my fate is about loving the entire world? And so began a new phase of my mission and I’m starting now with the closests to my heart.


Keanu needs our prayers. But not only that, he needs monetary donations. Any amount will do. I know we’re all dealing with our own personal economic battle so I have a proposal. Why don’t we gather all our donations, a hundred bucks, fifty pesos or ten pesos, if we gather them, it would be huge enough to help. As the song says “kahit na maliit basta’t malimit ay patungong langit.” Yes?


Some of my friends already pledged their donations so I hope you guys won't fail me. But if you really can't, your prayers are enough.


If you’re interested you can e-mail me thru desoleboy@yahoo.com. You can also reach me thru BBM and my mobile number. For now please avoid sending messages on my @desoleboy Twitter account as I haven't been using it lately and no plans of accessing it for the meantime.


But if you want to direct your donations, here is Keanu's Metrobank account: 044-3-04457094-8


Also, please share his story. Not only for the purpose of generating donations, but hopefully, more people will be inspired the same way he did to me. You too, I hope.


Many thanks and may God bless us all.

*** Repost from fellow blogger, DesoleBoy. Sana kahit sa ganitong paraan ay makatulong tayo kay Keanu. Open-mouthed smile

30-Day Photo Challenge: Day 16

A picture of someone who inspires you

Bo Sanchez



Nagsisimba na ako ngayon at tsaka parang ang bait-bait ko na. hihihi

Kidding aside,  may naayos na aspeto ng buhay ko na malabo noon since nag-start akong umattend/manood ng The Feast every Sunday. :)

Tuesday, May 15, 2012

30-Day Photo Challenge: Day 15

A picture of something you want to do before you die


Wish ko lang, bago ako hilahin ni Lord paakyat eh maranasan ko muna ang langit dito sa lupa. Gusto kong ikutin ang buong PIlipinas :) Masaya sana kung katulad nitong ginawa ni James , ang cool eh. Mura na tapos naexperience niya pa kung anong ganda meron dito sa bansa (kuripot ko talaga hihihi).

Monday, May 14, 2012

30-Day Photo Challenge: Day 14

A picture of someone you could never imagine your life without


meet my mama :)

Siyempre, siya agad ang ilalagay ko dito, wala nang tanung-tanong pa.

Sunday, May 13, 2012

Love will Keep Us Alive

AsnPkGaCAAIiJU9

When we're hungry, love will keep us alive
I would die for you
Climb the highest mountain
Baby, there's nothing I wouldn't do...


Nung una iniisip ko anu ba namang klaseng kanta 'to, kalokohan! Paano kayo mabubuhay kung puro pag-ibig lang? Pero kahapon habang nag iisip ako ng magandang ipopost ko sa blog ko, bigla na lang sumagi 'tong kanta sa isip ko.


Tapos narealize ko, tama nga yung kanta. Kasi sa pagmamahal mo sa amin, marami kang sinakripisyo. Pumunta ka dyan sa Italy para magtrabaho. Tiniiis mo na malayo tayo sa isa't isa para lang mabuhay kami.


Yung isusubo mo, ibibigay mo pa sa amin para siguraduhing nakakakain kami ng maayos.


Imbes na bumili ka ng damit, pinapadala mo na lang sa amin para may bago kaming damit pag birthday namin at pasko.


Isinakripisyo mo yung tinapos mo, para lamang makatuntong kami ng elemetarya at makatapos hanggang kolehiyo.


Sinigurado mo na ang mag-aalaga sa amin ay yung magtuturo ng mga bagay na alam mong kakailanganin namin sa aming pagtanda.


At nung nakasama ka namin, mas lalo pa naming naramdaman na walang hindi kayang gawin ang isang ina para sa kanyang mga anak.


Ma, salamat. Wala akong ibang hinihiling sa Diyos kundi ang palagi kang bantayan at bigyan pa ng mas mahabang buhay para makapiling namin. Alam ni Lord na malakas ka, kaya nga sa bawat suliranin na dumadating, alam niya na makakaya mo yun.Kapit lang tayo mama. Gawin mo kaming lakas para magpatuloy.
Mahal ka Niya at mahal na mahal din kita. I miss you so much.


Happy Mother's Day po.


Mutya

Wednesday, May 9, 2012

See You When I See You



Ikaw.



















                                                                                                      Ako.

Thursday, May 3, 2012

20 Things I Want to Say to Certain People

Nabasa ko lang kay L. Nakigaya lang. Open-mouthed smile

1. Minsan ayokong kausap ka. Lalo na yung nakikita kita. Kasi nahihirapan akong makita na ganyan ka. Konting kapit pa. Malalampasan din natin ‘to. Naalala mo yung sinabi ko sa’yo? Pag tinatamad ka, isipin mo lang ganado ka tapos magsimula kang gumawa. Unti-unti di mo na mapapansin yung oras. Nagmamagaling lang ako, kasi kelangan kong maging malakas para di ka bumagsak. Mahal kita.

2. Sorry kung di agad ako komunsulta sa’yo, hindi ko kasi alam kung paano ka iaapproach. Alam ko kasi masasaktan ka. Pero sa ginawa ko, nasaktan ka pa rin, lumaki pa yung isyu. Good thing, ok na tayo ngayon. Sorry ulit. Mahal din kita.

3. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginawa mo yun. Hinahangaan pa naman kita dati. Wala akong galit sa’yo pero sa ginawa mo sa taong yun,  yun di ko nagustuhan.

4. Salamat kasi kahit sinabi ko sa’yong gusto kita dati, ok pa rin tayo. Feeling ko nga mas lalo pa tayong naging close e. Parang bestfriends lang. Lagi na lang good vibes ang dala mo, minsan nakakairita. LOL joke lang. Swerte ko na naging kaibigan kita. Yeba!

5. Sana minsan maisip mo na hindi mo sarili yung lugar, na may ibang taong umookupa dun, na tinatawag mo ding kaibigan. Maging concern ka naman sa kanila paminsan-minsan at respetuhin mo rin yung space na binabayaran nila. Pangalawang beses na ‘to e, di ka pa rin nagtatanda. Paano pa sa pangatlo? Hayyyy ewan ko na lang kung gugustuhin ka pa nilang makasama sa iisang lugar.Grow up please and clean up your mess. Unahin mo na yung literal na mess.

6. Masaya ako na masaya ka.Napapadalas nga lang yung pag absent mo sa trabaho dahil sa kanya. Alam ko magkaibigan tayo pero huwag mo na kong gayahin ok?

7. Minsan naaalala kita. Buti na lang binura ko na number mo. Nasasanay na ko.

8. Sana marami pang kasunod na sabak. Salamat sa inyo, nagiging makabuluhan ang araw ko paminsan-minsan.

9. Tuwing umuuwi ka palagi na lang gulo ang dala mo. Di ba pwedeng mind your own business na lang?

10. Sana matuloy na kami dyan sa inyo, mahawakan ko man lang yung puting leon na nagbubuga ng tubig. Salamat sa walang sawang pagsagot sa greetings ko sa umaga. Ituloy mo na yang business mo. Sayang naman ang idea, maganda eh! Ako mayordoma ah! LOL

11. Magpapasa po ako ng output once matapos ko na. Actually wala pa kong nasisimulan. Ang hirap kasing mag-isip ng kwentong kababalaghan, lalo na bayani ang subject. Ahuhuhuhuuhu

12. Hanggang ngayon magulo ka pa rin. Buti na lang maraming nakakaintindi sa’yo, isa na ko dun. Huwag mo kasing idaan sa ganun, minsan sarilinin mo na lang o kaya diretsuhin mo na lang kung sino yun. Alam mo naman minsan paranoid ako, akala ko ako yun. Peace!

13. Nasa langit ka ba talaga? Huwag ka nang bababa ha. LOL Salamat na rin sa’yo, natututo na kong huwag agad magtiwala sa strangers.

14. Yung halaman mo, sana wag mo nang patubuin kung saan-saan. Kung pwede nga huwag ka ng magtanim. Kasi bad yan sa health, bad pa pag nabuko ka. GULO talaga ang abot mo.

15. Nag-eenjoy talaga kong makinig sa’yo every Sunday. Kahit na inaabot ng dalawang oras yung biyahe papunta dun (oo inorasan ko talaga one time) at gumigising ako ng maaga, keri lang kasi worth it naman. Minsan naman sa net na lang ako nakikinig lalo na kapag umuuwi ako sa amin. Thank you po sa lahat ng tinuturo niyo. Sana marami pa kong mainvite.

16. Kung iniisip mo na special ka sa akin, tama ka. Pero sikreto ko lang yun.

17. Huwag kang mag-alala nagdadasal na din ako ngayon. Aja!

18. Ang creepy lang everytime na tumatambay ka sa labas ng bahay namin. Wala ka namang ginagawa pero basta natatakot ako sa’yo.

19. Salamat kasi sinabi mo sa akin yung first name mo. I’m deeply honored. Sana sa kasunod apelyido naman. Open-mouthed smile 

20. You broke my heart. Big time.

Tuesday, May 1, 2012

Pasabook (14) RESULT

Eto na po yung result ng pasabook para sa buwan ng Mayo.







Minsan anu rin eh... pwedeng umilit! LOL Congrats kuya Jkulisap, nanalo ka na naman, magkasunod pa ha! Tapos mo na ba yung unang book na napanalunan mo?? Eto pa ang isa, magpakalunod ka habang di ka pa busy para sa KM3 (namppressure? LOL)

Sa mga hindi nanalo, marami pang chance. Hangga't di pa ako tinatamad magbasa, pwede pa kayong manalo.

O siya, hanggang sa susunod na pasabook, paalam!


 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design