Pages

Thursday, May 3, 2012

20 Things I Want to Say to Certain People

Nabasa ko lang kay L. Nakigaya lang. Open-mouthed smile

1. Minsan ayokong kausap ka. Lalo na yung nakikita kita. Kasi nahihirapan akong makita na ganyan ka. Konting kapit pa. Malalampasan din natin ‘to. Naalala mo yung sinabi ko sa’yo? Pag tinatamad ka, isipin mo lang ganado ka tapos magsimula kang gumawa. Unti-unti di mo na mapapansin yung oras. Nagmamagaling lang ako, kasi kelangan kong maging malakas para di ka bumagsak. Mahal kita.

2. Sorry kung di agad ako komunsulta sa’yo, hindi ko kasi alam kung paano ka iaapproach. Alam ko kasi masasaktan ka. Pero sa ginawa ko, nasaktan ka pa rin, lumaki pa yung isyu. Good thing, ok na tayo ngayon. Sorry ulit. Mahal din kita.

3. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginawa mo yun. Hinahangaan pa naman kita dati. Wala akong galit sa’yo pero sa ginawa mo sa taong yun,  yun di ko nagustuhan.

4. Salamat kasi kahit sinabi ko sa’yong gusto kita dati, ok pa rin tayo. Feeling ko nga mas lalo pa tayong naging close e. Parang bestfriends lang. Lagi na lang good vibes ang dala mo, minsan nakakairita. LOL joke lang. Swerte ko na naging kaibigan kita. Yeba!

5. Sana minsan maisip mo na hindi mo sarili yung lugar, na may ibang taong umookupa dun, na tinatawag mo ding kaibigan. Maging concern ka naman sa kanila paminsan-minsan at respetuhin mo rin yung space na binabayaran nila. Pangalawang beses na ‘to e, di ka pa rin nagtatanda. Paano pa sa pangatlo? Hayyyy ewan ko na lang kung gugustuhin ka pa nilang makasama sa iisang lugar.Grow up please and clean up your mess. Unahin mo na yung literal na mess.

6. Masaya ako na masaya ka.Napapadalas nga lang yung pag absent mo sa trabaho dahil sa kanya. Alam ko magkaibigan tayo pero huwag mo na kong gayahin ok?

7. Minsan naaalala kita. Buti na lang binura ko na number mo. Nasasanay na ko.

8. Sana marami pang kasunod na sabak. Salamat sa inyo, nagiging makabuluhan ang araw ko paminsan-minsan.

9. Tuwing umuuwi ka palagi na lang gulo ang dala mo. Di ba pwedeng mind your own business na lang?

10. Sana matuloy na kami dyan sa inyo, mahawakan ko man lang yung puting leon na nagbubuga ng tubig. Salamat sa walang sawang pagsagot sa greetings ko sa umaga. Ituloy mo na yang business mo. Sayang naman ang idea, maganda eh! Ako mayordoma ah! LOL

11. Magpapasa po ako ng output once matapos ko na. Actually wala pa kong nasisimulan. Ang hirap kasing mag-isip ng kwentong kababalaghan, lalo na bayani ang subject. Ahuhuhuhuuhu

12. Hanggang ngayon magulo ka pa rin. Buti na lang maraming nakakaintindi sa’yo, isa na ko dun. Huwag mo kasing idaan sa ganun, minsan sarilinin mo na lang o kaya diretsuhin mo na lang kung sino yun. Alam mo naman minsan paranoid ako, akala ko ako yun. Peace!

13. Nasa langit ka ba talaga? Huwag ka nang bababa ha. LOL Salamat na rin sa’yo, natututo na kong huwag agad magtiwala sa strangers.

14. Yung halaman mo, sana wag mo nang patubuin kung saan-saan. Kung pwede nga huwag ka ng magtanim. Kasi bad yan sa health, bad pa pag nabuko ka. GULO talaga ang abot mo.

15. Nag-eenjoy talaga kong makinig sa’yo every Sunday. Kahit na inaabot ng dalawang oras yung biyahe papunta dun (oo inorasan ko talaga one time) at gumigising ako ng maaga, keri lang kasi worth it naman. Minsan naman sa net na lang ako nakikinig lalo na kapag umuuwi ako sa amin. Thank you po sa lahat ng tinuturo niyo. Sana marami pa kong mainvite.

16. Kung iniisip mo na special ka sa akin, tama ka. Pero sikreto ko lang yun.

17. Huwag kang mag-alala nagdadasal na din ako ngayon. Aja!

18. Ang creepy lang everytime na tumatambay ka sa labas ng bahay namin. Wala ka namang ginagawa pero basta natatakot ako sa’yo.

19. Salamat kasi sinabi mo sa akin yung first name mo. I’m deeply honored. Sana sa kasunod apelyido naman. Open-mouthed smile 

20. You broke my heart. Big time.

17 comments:

  1. Parang walang clue yung sakin dito. Lol. Ay meron ba ko? Assuming lang. Lol!!!

    Si salbe ata bumuhay neto, galing sa dating post ni aia.

    ReplyDelete
  2. Ay... ako yata yung #16. hahaha! assuming lang. meron ba ako dito, madz? hehe.. Kung wala, okay lng din. lol

    Naku.. interesante. Hmmm...

    ReplyDelete
  3. tulad ng kay sir bino.. sana mabasa din nila..

    :) ok ang ganito... :)

    ReplyDelete
  4. natatawa ako sa pang pito. Dapat sinaulo mo muna madz bago binura hahaha

    ReplyDelete
  5. uyy! katulad kay bino boy ah. hehehe. gusto ko itong gawin. hmmmm pinag iisipan ko kung ipost ko o sa notebook ko na lang. hahaha

    ReplyDelete
  6. Awww. dami ganito, nabasa ko din kay Lio.

    ReplyDelete
  7. 13. Nasa langit ka ba talaga? Huwag ka nang bababa ha. LOL Salamat na rin sa’yo, natututo na kong huwag agad magtiwala sa strangers.

    sino kaya si 13? unlucky number. :p

    ReplyDelete
  8. Ako may gusto akong sabihin,hehe. Wala lang! I love you Madz and mushu mushu.. ♥

    ReplyDelete
  9. ang sarap naman nitong gawin para mailabas yung saloobin mo. di pa nila malalaman hehe

    ReplyDelete
  10. baka gumaya n tlga ako... hahaha

    astig to :)

    ReplyDelete
  11. astig yung number 20. sobrang simple pera dalang-dala! maganda tong ideyang to, magaya nga! hahaha

    ReplyDelete
  12. Sobrang ka-praning ng mga gantong post. Hahaha. Napapaisip ako kung para kanino ba talaga to o may kakilala ba akong pinapatamaan. LOL

    ReplyDelete
  13. anobeyen! naiyak ako sa no. 1!

    habang binabasa ko to may mga mangilan-ngilang taong sumagi sa isip ko :)))

    ReplyDelete
  14. na-curious ako dun sa panghuli. c'mon, madz, spill the beans! yeekeeee! :)

    ReplyDelete
  15. aha yung tambay sa labas ng bahayo nyo, stalker mo? hehe!

    ReplyDelete
  16. Buti na lang wala ako sa blind item na 'to. Hahaha!

    Makakatulog ako ngayon ng mahimbing. :)

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design