When we're hungry, love will keep us alive
I would die for you
Climb the highest mountain
Baby, there's nothing I wouldn't do...
Tapos narealize ko, tama nga yung kanta. Kasi sa pagmamahal mo sa amin, marami kang sinakripisyo. Pumunta ka dyan sa Italy para magtrabaho. Tiniiis mo na malayo tayo sa isa't isa para lang mabuhay kami.
Yung isusubo mo, ibibigay mo pa sa amin para siguraduhing nakakakain kami ng maayos.
Imbes na bumili ka ng damit, pinapadala mo na lang sa amin para may bago kaming damit pag birthday namin at pasko.
Isinakripisyo mo yung tinapos mo, para lamang makatuntong kami ng elemetarya at makatapos hanggang kolehiyo.
Sinigurado mo na ang mag-aalaga sa amin ay yung magtuturo ng mga bagay na alam mong kakailanganin namin sa aming pagtanda.
At nung nakasama ka namin, mas lalo pa naming naramdaman na walang hindi kayang gawin ang isang ina para sa kanyang mga anak.
Ma, salamat. Wala akong ibang hinihiling sa Diyos kundi ang palagi kang bantayan at bigyan pa ng mas mahabang buhay para makapiling namin. Alam ni Lord na malakas ka, kaya nga sa bawat suliranin na dumadating, alam niya na makakaya mo yun.Kapit lang tayo mama. Gawin mo kaming lakas para magpatuloy.
Mahal ka Niya at mahal na mahal din kita. I miss you so much.
Happy Mother's Day po.
Mutya
happy mother's day sa iyong mama at sa lahat ng nanay :)
ReplyDeletesyanga naman.. alam kong happy din ang ema mo kasi binigyan siya ng mga anak na katulad niyong magkakapatid..
ReplyDeleteAmazing talaga ang mga mommy. Happy Mother's day to your mom sis!
ReplyDeleteHappy Mothers Day sa mama mo. :)
ReplyDeleteHappy mothers day sa mama mo madz :D
ReplyDeletehappy mother's day kay mama!
ReplyDelete-rusmeyri
sweet :) happy mothers day sa nanay mo :)
ReplyDelete